Entry #4

0 0 0
                                        

KALUNGKUTAN

Nararamdaman ng pusong nasasaktan
Sa gabi'y malakas siyang magparamdam
Kayakap ang unan habang ang mga luha'y nagsisiunahan
Ano nga ba ang totoong dahilan?
Ng kalungkutan na iyong pasan

Bakit ka nasasaktan?
Minsan walang dahilan
Pero madalas dahil sa malalim na sugat ng nakaraan
Umaasa na sana maghilum na ng mabilisan
Upang luha at sakit ay lumisan

Maraming mukha ang kalungkutan
Minsan nakatago ito sa hiwaga ng kasiyahan
O kaya sa masskara ng kalinlangan
Nahihiyang ipakita ang tunay na nararamdaman
Sapagkat naniniwala ka na sanhi iyon ng kahinaan

Saksi ang apat na sulok ng silid sa iyong mahihinang hikbi
Nananalangin na sana maglaho na ang mga pighati
Mawala na ang bumabagabag na sakit
Hanggang kailan mo hahayaan ang sariling maging lunod dito?
Hanggang kailan ka magtatago sa ganda ng iyong ngiti?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Salita (Spoken Words)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon