ENTRY #3

1 0 0
                                    

"PAGHANGA"



Bakit ba ganito itong tibok ng puso ko
Parang nakikipagkarera sa sobrang bilis nito
Ano ba itong nararamdaman ko
Magkakasakit na yata ako

Napapatigil ako tuwing nakikita ka
Hindi makapagsalita na para bang tulala
Lalo na kapag nakatawa ka
Mundo ko'y tumitigil nalang bigla

Puso ko sayo'y nagsusumamo
Na sana'y mapansin mo din ako
Kailan kaya dadating ang panahong yon
Na si tadhana'y sakin nama'y sumang ayon


Ngiti mo'y nakakatunaw
Puso ko'y nalulusaw
Paghanga ng damdamin
Sana iyong mapansin din


Sa bawat ng aking himahinasyon
Ikaw ang aking inspirasyon
Hiling na sana'y matupad na
Pangarap na maging akin ka







Mga Salita (Spoken Words)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon