ENTRY #2

2 0 0
                                        

"PANTASYA"

Mula ng makilala ka
Mundo ko ay nag iba
Sa buwan ang laging nakasilip
Araw gabi ika'y iniisip

Sing ganda ng bulaklak
Ang iyong mga halaklak
Mga mata mo'y nakakahalina
Tulad ng mga labi mong kay pula

Para kang prinsipe
Sa paborito kong teleserye
Na nag aabang ng iyong ngiti
Sa mga panahong hindi ganon kadali

Para kang isang superhero
Sa mga nababasa kong libro
Hahamakin ang lahat lahat
Para sa babaeng karapatdapat

Ika'y hinahangaan
Ng bawat kababaihan
Sa akin ri'y nagpahanga
Ang sabi ko "ikaw na nga"

Nagkaroon ng kulay ang aking panaginip
Nong hindi kana mawala wala sa isip
Kay sarap mong pagmasdan
Lalo na kapag ikay malayang nakangiti sa tinatahak na daan

Pero alam ko lahat ng ito'y may hangganan
Lahat ng kahibangan may katapusan
Dahil itong simpleng kasiyahan
Ay isang PANTASYA lang



Mga Salita (Spoken Words)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon