"JANE!! SAAN BA KAYO NAGLAKWATSA AT NAISIPAN NIYO PANG MAG-CUTTING?!", bulyaw ni Mama sa akin. Nandito na kami sa bahay kasama si Emma. Oh yeah! Ang saya ng life mo, Jane. Bulyaw there, bulyaw everywhere.
Gabi na din kami umuwi. Mga 8 na siguro. Naisipan namin na gabi para maiksi lang ang sermon session tapos matutulog na lang agad si Mama. Stress daw kasi siya at baka matubuan ng madaming wrinkles. As if naman tutuban pa siya diba?! Wala na ngang paglagyan ang face niya eh puro wrinkles na kaya. Tatanda daw siya nang maaga at baka daw mamatay nang wala sa oras dahil sa konsumesyon sa akin. Ang hard ng mama mo teh! Patay agad?! Baka ako ang papatay sa nanay mo nang mapaaga na! Banta ng konsensiya. Ang brutal din ng konsensiya ko, parang ako lang peg nito.
Kanina pa kami nandito sa bahay at kanina pa din talak nang talak si Mama. Baka nga bukas pa matapos 'yan, Jane! Parang manok lang. Kaya kami ni Emma, pasok ang talak sa tainga labas lang din sa kabila. Hindi na lang namin dinibdib ni Emma dahil wala naman talagang dibdib 'yan eh. Wala pa ata 'yung order na dibdib niya sa factory. Buti pa ako mayroon na. Gago! Puro kapilyahan!
Puro tanong pero hindi naman kami makasagot.
Kala nga namin wala si Mama kanina kasi nakapatay ang ilaw kaya dire-diretso kami ni Emma patungo sa kwarto ko sa second floor. Ninja style pa ang paglalakad namin. Haha. Tapos binuksan ni Mama 'yung ilaw kaya ayun KABOOM!! Upo sa sofa tapos start na ng session namin.
"JANE SANTIAGO AT EMMA!! ANO BANG GINAWA NIYO AT NAGGALA KAYO?! KUNG HINDI PA AKO MAGPUPUNTA SA SCHOOL HINDI KO PA MALALAMAN ANG KAPILYAHAN NIYONG DALAWA!!", Ayan na Jane, complete name na 'yan. Lagot ka!! Hindi naman ako makasagot kasi puro talak lang siya.
"DAHIL LANG SA NAWALA SI RENZ PURO KALOKOHAN KA NA AT KAPILYAHAN!", banat ni Mama. Sa sinabi niya, hindi na 'to lumabas sa kabilang tainga ko kundi nabaon na 'to sa puso ko na parang nilibing. Natapos nga 'yung sinabi ni Mama pero natira lang sa puso ko. Takte naman oh! Gago! Tagos hanggang kaluluwa pati konsensiya!
"Ma! Hindi ako nakadepende kay Renz. Kung wala na siyang paramdam dahil sa kapakshetan niya. Aba go! Gago pala lahi nila eh. Pati ako nadamay! Malamang naglandi na dun ang hinayupak na anak ni Judas! Putangina niya! Gago!!", naiiyak na pala ako sa inis dahil kay Renz. Gago! Hatred na 'yan. Pati ba naman 'yan dudugain mo pa?! Fool!! Pakshet!!"
"WATCH YOUR MOUTH, YOUNG LADY!!", tiningnan ako ni Mama ng mata sa mata kaya pinunasan ko ng mariin ang mga luhang dumaloy sa magkabilang pisngi ko. Tinikom ko na lang ang bibig ko, ayaw ko ng magkagulo pa kami ni Mama. Kami na nga lang dalawa dito tapos kami pa magkakagulo. Sino na lang ang makakadamay ko bukod kay Emma?
Traydor na mga luha 'to! Ayaw ko pa namang umiiyak sa harap ng madaming tao. Bakit mababawasan ba ang tingin nila sa 'yo?! Huwag kang gago please?! Kahit naman umiyak ka, ikaw pa naman din si Jane eh!! Bawal na bang magbawas ng emosyon ang tulad mong babaeng tigasin?!---Away ng konsensiya ko. Pake mo ba?! Hindi ako sanay at ayaw kong kinakaawaan ng mga tao! I hate sympathy!! Gago ka talaga! Walang magbabago kung iiyak ka din. Gago! Parang nagbabawas ka lang ng tubig sa katawan nu!
Chimosang Author's POV
"Bakit po ba kayo nag--- Aray!! PAKSHET!!", napasigaw si Jane. Arte lang 'yan teh! Nagpanic naman si Emma dahil sa sigaw ni Jane. Napahawak kasi ang babae sa tiyan niya banda.
"ANONG NANYARI?!", panic na tanong ng Mama ni Jane at hindi pa maipinta ang mukha nito. Parang kanina lang ang taray-taray tapos ngayon ang hirap mapinta ng mukha. Sa bagay, nanay naman siya. Talagang hindi maiiwasang mag-aalala. Parang nanay ko lang kaso nangpipingot sa akin dahil sa mga kalokohan ko, ang sakit nga eh.
Bigla namang namutla si Jane. My color!! What happen?!
"Arggg!!", sigaw ni Jane.
"Tita!! Dalhin na natin sa hospital!!", napasigaw na din si Emma at pinilit tulungan si Jane na tumayo. Halos nakapakit na din si Jane hawak ang tagiliran niya dahil sa sakit.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Room [On-Going]
Non-FictionSi Jane Santiago, isang babaeng sobra kung magmahal. Siya 'yung tipong magpaparamdam ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. May isang lalaki siyang minahal, ngunit siya'y binabaliwala lamang. Umamin si Jane sa kanyang nararamdaman, pero wala ring nangya...