MR 7

31 2 0
                                    

Ano? Si Emma may boyfriend na?! Tangina! Bakit hindi ako updated sa kahalayan este kalandian nitong si Lokaret!

"Hoy Lokaret?!", tawag ko sa kanya nang pasigaw kahit na magkaharap kami. Busy lang naman siya sa pagkalikot ng cellphone. Mukhang may kalandian ata este katext ang bruha kong bestfriend. Sino kaya 'yan. Smell something fishy. Mukhang wala pa siyang binabalita sa akin.

"Oh", sagot niya. Sumubo muna ako ng spaghetti na inorder niya kanina bago bumwelo sa pagsasalita. Matapos malunok ang spaghetti, humarap na ako kay Emma at umiinom naman siya ng coke.

"Tangina mo talaga! May boyfriend ka na palang hinayupak ka! Bakit di mo ko ininform?!", galit-galitan kong sabi.

"Pfffffdddd", nabuga niya sa akin ang softdrinks niya. Natawa naman siya dahil sakto sa mukha ko ang softdrinks na binuga niya.

"Hahaha! So- Haha! Sorry.", may dinukot naman siya sa bulsa at inilapag ang phone niya tsaka iniabot ang panyo niya para mapunasan ko ang mukha ko.

Patuloy pa din sa pagtawa si Emma. Tangina. Para tuloy kaming mga batang naglalaro at nagkukulitan habang ang mga nanay namin ay may sariling mundo para sa kalandian nila tapos bahala na kami sa buhay namin.

"Tangina ang baboy mo. Deputa ka talaga!", hinablot ko 'yung panyo at pinunasan ang mukha ko. Kadiri talaga! Nanlalagkit na ko. Baka mamaya langgamin ako dito dahil sa sobrang sweetness. Gago! Hindi ka lalapitan ng mga langgam. Ang bitter mo kaya kay Renz. Epal talaga 'tong konsensiya ko. As if close kami. Pwe!!

"Hahaha! Sorry na kasi. Pramis. Hindi na ko tatawa.", pinilit naman niyang hindi tumawa. Lie! Nakatakip pa ang kamay niya sa bibig at pilit talagang hindi tumawa. Nagpatuloy ako sa pagpupunas ng malagkit kong mukha.

"Mukhang nadala ka na sa coke mo, Lokaret. Tamo! Happiness talaga ang hatid ng coke instant kaligayahan ang batid.", nagmukha naman akong makata sa pananalita dahil sa tono ng pagkakasabi ko. Bagay ba? Rhymes din 'yan nu!

"Gagita! Rhymes lang ang peg?! Talo mo pa ang matalinghagang pananalita ni Rizal.", binato niya ang straw na ginamit niya sa may softdrink niya. Takte! Ang gamol talaga. Parang dugyot lang ba! Kinuha ko ang straw na lumanding sa dibdib ko at tinapon pabalik sa kanya.

"Pero kung ako sa 'yo, uminom ka na din ng coke para naman maligayahan ka din. Para happiness naman ang mood mo. Oh! Ano tumawag na ba si Baby Renz mo?", sunod niyang tanong. Takte! Wala na ngang pakialam diba!

"Gago! Bakit mo iniiba ang usapan natin? Nasaan na ba ang boyfriend mo?", tinungga ko naman ang coke ko. Gago! Bakit hindi pa din happiness ang feeling ko. Happiness na dapat diba? Sabi nila sa mga advertise hatid nila ang kasiyahan kapag uminom ang coke? Gago utuin niyo sanggol! Wag ako, iba na lang.

"Eh! Bakit si Renz nga eh? Hindi man lang kami nagkita nung naging kayo tapos layas agad. Ang duga ba! Kaya hindi ko muna ipapakilala si Mobibaby ko.", nakacross-arm pa at umirap sa ere si Lokaret. Mukha lang siyang tanga.

"Mobibaby? Hahaha! Endearment niyo?! Tangina! Kadiri ba! Sinali mo talaga sa kagamulan mo eh. Hahaha!!", hindi ko talaga matigilan ang pagtawa ko. Kadiri kasi. Sinasapak ata ang utak nito. Mabuhusan nga ng alcohol ng makita niya para naman malinis ang kagamulan nito sa katawan. Hinayupak talaga. Inirapan niya lang ako na mas lalo kong ikinatawa nang matindi. Asar talo talaga ang punyeta.

"Wait. Ihi lang ako.", tumayo naman siya saktong dumaan siya sa gilid ko kaya hinawakan ko ang pulso niya. "Bakit?", tanong niya. Mukhang gulat naman siya sa ginawa ko na parang ano. "Ano kasi.....", hindi ko pa din binitawan ang pulso niya at kunwaring nag-iinarte ako. "Bakit?", takang-takang tanong niya. Mukha naman nabalot ng kaba ang mukha niya. "WALA!! JOKE LANG!! KABADO BENTE KA NO?!", sigaw ko sabay bitaw sa pulso niya. Nagulat naman siya sa sinabi ko at mukhang late nagprocess sa utak niya ng mga sinabi ko. Trip ko lang talaga siya ngayon. Gago kasi! Ang lagkit ko na eh pero mamaya na lang ako maglilinis. Nahawa na din kasi ako ng kagamulan nitong ni bestfriend sa katawan.

Magkabilang Room [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon