***Jane's POV***
Holding hands while walking kami.
Huminto kami sa tapat ng isang malaking puno.
"Wait lang ha", binitawan niya ang kamay ko at hinalikan ako sa noo.
Ano ibig sabihin nun?
Baka iwan niya ako dito! Hindi ko pa naman kung saang lugar 'to.
Bigla namang umilaw ang puno ng hugis heart at sa gitna ng puso nakalagay ang pangalan ko.
Nakakakilig!! Para na ata akong kamatis dito.
"Maganda ba?", bigla namang lumitaw si Renz at tumabi sa puno.
"Hindi.", pagsisinungaling ko.
Sumimangot namang 'tong si Renz.
Kahit nakasimangot ang pogi nitong taong 'to.
Tumakbo ako at pinilit ko na mayakap siya at i-rest ang mga braso ko sa kanya. Tangkad kasi eh.
Nagulat ata siya sa ginawa ko.
"Maganda", bulong ko. Mas humigpit naman ang yakap niya sa akin.
"Sabi na eh. Ang hirap kayang pagdugtungin mga extensions.", angal niya.
Kumalas ako sa pagkakayakap at binatukan siya.
"Aray! Bakit mo ko binatukan?", hawak niya ang parteng nasaktan ko.
"Aba. Sino bang nagsabi sa 'yo na gawin mo 'yan?!", nag-crossed arm ako.
"Wala", nag-pout pa ang loko.
"Huwag ka ngang mag-pout", taray ko sa kanya.
"Bakit? Naaakit ka no?", nagtaas-baba pa siya ng kilay. Nakakaloko 'to ah.
"Eww!", hinampas ko siya sa braso.
"Aray naman.", reklamo niya.
"Bakit ba ang bayolente mo?", inarte niya.
Parang bata talaga. Feeling naman niya nagiging cute siya kapag nag-iinarte siya.
"Kasi, feeling mo kinapogi mo 'yan.", lokong sagot ko.
Bigla namang naging seryoso ang itsura niya. Bipolar ata 'to eh! Try ko ngang dalhin ito sa phsycology. Sinasaltek ata eh.
Lumuhod siya sa harap ko. "Anong arte 'yan?", tanong ko.
Nilabas niya ang isang maliit na pulang kahon.
"Baka may lamang butiki 'yan", conclude ko.
Natawa naman siya. Tangina. Kanina lang ang seryoso tapos natawa na agad! Ganito ba kabilis magpalit ng mood 'tong tao na 'to?!
"Hindi pa ako ready magpakasal! Ang bata pa natin", sabi ko. Diba ganito kapag nagpo-propose? Nakaluhod ang lalaki.
Humagalpak naman siya ng tawa. Baliw na 'to. (-_-)
Binatukan ko na naman siya. "Aray! Hahaha.", may tawa pa talaga.
Tinalikuran ko siya. Tangina. Aalis na nga ako dito. Gaguhan lang kasi ginagawa namin dito.
"Jane.", tawag niya sa pangalan ko. This time, ramdam ko ang pagiging seryoso ng boses niya. Bipolar talaga ang gago.
Hindi ko lang siya pinansin at humakbang palayo dito. Pinagtitripan ako ng taong 'to eh.
"Jane.", tawag niya ulit. Awtomatiko akong napahinto sa paglalakad ko. Ewan ko kung bakit huminto ako, basta nagawa ko lang. Eh hindi ko nga rin maigalaw ang mga parte ng katawan ko, para na akong robot.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Room [On-Going]
Kurgu OlmayanSi Jane Santiago, isang babaeng sobra kung magmahal. Siya 'yung tipong magpaparamdam ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. May isang lalaki siyang minahal, ngunit siya'y binabaliwala lamang. Umamin si Jane sa kanyang nararamdaman, pero wala ring nangya...