Tatlong taong nakalipas ...
Tatlong taon na nga ang nakalipas. Tatlong taong walang Renz sa tabi. Tatlong taong walang kontak! Tangina! Hindi man lang tumawag ang loko. Tatlong taon 'yun. Kahit isang beses hindi man lang nagawa.
Gumadruate ako nang walang Renz na bumati sa akin. May skype naman, may fb, at twitter pero tangina walang maski isang kamustahan. Ano kayang silbi ng mga account niya? Sinearch ko naman walang lumabas na pangalang ganun. Ang hayop lang eh. Ano ba peg niya? Asong hindi pa nabibigyan ng pangalan kaya Unknown pa ang pagkakakilanlan mo Renz?!
Ang saya lang ng putangina. Siguro nakahanap na 'yun ng maputi at blondita. Baka naman naka-score na siya. Obvious namang magaganda ang mga Americana kaysa sa sa akin diba? Mas maputi sila at mas matatangkad. Matangos naman ang ilong ko kaya quits lang kami pagdating sa ilong.
Si Mama naman nagtatanong na din dati pero umiyak lang ako nun. Para ngang pinipiga ang puso ko sa tanong ni Mama dati. Noong una, sabi ni Mama 'busy lang 'yun. Alam mo na, nag-aaral din.'. Busy sa pag-aaral o sa babaeng blondita.
Tikom lang ang bibig ko tungkol kay Renz. Gets na ata ni Mama ang ibig sabihin nun. Simula nun, hindi na siya nagtanong pa. Nasasaktan lang din ako kapag naiisip ko si Renz. Pakshet. Ang lakas manligaw, may pa puso-puso pa siyang alam na nailaw-ilaw pa, tapos iiwanan din pala ako sa outer space kasama ang mga bituing nailaw-ilaw din. May pa-babe babe pa nga siyang nalalaman. Ang landi! Siguro din nakikipagharutan din siya sa mga cashier doon. Kagaya sa mall dati. Dahil nga sa bwesit ko kay Renz, binura ko na ang mga pictures namin at pinalitan na ang wallpaper ng cellphone ko. For sure, pinalitan na din niya ang kanya.
Tangina talaga. Ewan ko nga kung kami pa eh. Nagsawa ata sa akin ang putangina. Kapag naman tumitingin ako sa iba nagagalit si Emma. Hay! Kasi daw may boyfriend na ko. Tama ba namang i-label pa din akong girlfriend ni Renz hanggang ngayon?
Pakyu talaga. Tatlong taon na din ng malaman ni Emma ang pangalan ni Kuyang gangster. Tahimik lang din siya. May tinatago ata sa akin 'tong lokaret na 'to. Pero siyempre, may tiwala naman ako kay Emma. Bestfriend ko kaya 'tong lokaret. Kahit may pakasapak siya sa utak mahal ko siya and I value our friendship.
Nasa canteen nga pala ako kasama si Emma. Gutom na naman daw kasi siya. Third year highschool na pala kami. Ang bilis ng oras parang si flash lang. Parang kahapon lang pumunta pa sa kwarto ko si Renz para mag-sorry pero ngayon wala ng kontak. Buhay parang life nga naman.
Miss na kita Renz. Kung alam mo lang talaga. Kahit tawag man lang sana. Mahal na ma----- Bakit ko ba siya iniisip, Jane? Diba nga iniwan ka na niya? Tawag nga ni text WALA. Ni nihao niho wala!
"Emma, ano nga kasing pangalan ni Kuyang gangster? Full name. Ililibre kita ng recess kapag sinabi mo.", pambibilog ko kay Emma.
Nakaupo kami ngayon at magkaharap. Ilang beses ko na ba siyang nalibre dahil sa gangster na 'yun? Hindi ko na mabilang.
"Sabing Mobillow nga eh. 'Yun nga lang ang alam ko. M-o-b-i-l-l-o-w!", sabi niya subo ng kanin. Nag-spell pa.
Para tuloy detective si Emma sa tono niya at ako ang nagpapa-imbestiga.
"Pakshet. Mobillow! Mobi---", napahinto naman ako ng huminto sa harap ko si Mobillow kuno.
"Why are you saying my name?", nakangising tanong niya. Para naman akong tuod na nakaupo lang at nakatingala pa sa kanya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"A-a-ano kasi ... Boyfriend ko 'yun.", pagdadahilan ni Emma at hinatak ako patayo para naman makaalis na sa harapan ni Mobillow daw kuno. Oh crap!
Halos patakbo na ang ginawa namin ni Emma para iwasan si Mobillow daw kuno. Mukha namang nabagsakan ng langit at lupa 'tong si Emma. Dapat nga ako ang may ganyang nararamdaman. Ang adik talaga.
Bakit nga ba kami naiiwas? Eh Magkabilang Room lang naman ang sitwasyon namin.
"If you sad, I'll make you happy. You will exprience the oh-so-heaven! Just call my name. I'm always in the other room.", pasigaw niyang habol sa amin ni Emma.
Ano daw? Oh-so-heaven? Ano 'yun. Di ko gets. Paki-explain nga!
**********
Tumakbo nga kami nitong si Emma at nakarating na sa labas. Ang OA talaga ng bestfriend ko. Iiwas lang naman kami kailangan talaga makalabas ng campus?
Buti na lang talaga walang cctv sa may campus. Kung mayroon lang naku--- yari talaga kami ni Lokaret. Masi-cctv talaga kami. Caught in the act ang pagka-cutting namin. Haha!
Ilang beses na daw kasi nasira ang mga cctv sa loob at sa labas ng campus. Hindi naman nila matukoy kung sino ang mga pasaway na estudyanteng 'yun. Mga wala talagang magawa. Mga batugan talaga. Ang bobo nga ng mga administration, hindi nila matukoy ang mga pasaway na estudyante. Buti pa kami ni Emma, kilala naming ang mga pasaway na nilalang. Ang worst pa, esudyante din siya dito at ka-batch ko pa talaga. Sino pa ba? Edi 'yung crush ko na nasabi ng oh-so-heaven daw kuno. In short, si Mobillow daw kuno.
Siyempre, pasalamat din ako kay Mobillow daw kuno at sa mga tropa niya panira ng cctv. Kung hindi talaga sila panira malaman nahuli na kami dahil sa cctv.
"Lokaret, saglit lang?", binitawan naman niya ang kamay ko kaya napahawak ako sa dibdib ko. Parehas kaming naghahabol ng hininga ng lokaret na 'to. Para tuloy kaming nangarera.
"Bakit?", nagtataka naman mukha niya. Naghahabol pa din siya ng hininga.
"Ang OA mo. Kailangan talaga makalabas tayo ng campus at saktong nasa tapat pa talaga tayo ng gate? Cutting na tayo.", utal-utal kong sabi dahil nga parang ubos na ang oxygen dito sa earth.
"Hoy! Pasok sa loob! Cutting pa kayo ah!!", papalapit naman sa amin 'yung guard habang nakataas sa ere ang batuta niya.
"Panindigan natin 'to. One. Two. Three", sabay na bilang namin at nagkahawak kamay. Huminga kami ng malalim.
Hindi ko naman first time mag-cutting eh. Madaming beses na din kapag trip namin. Ang saya pala eh. Kaso mahirap umuwi, kailangan mas maaga or mas late ka nga lang umuwi dahil sa magsasabayan ang mga labas ng mga estudyante at baka makita ka pa ng teacher tapos ipatawag ang mga magulang namin. Baka mapatay ako ni Mama nito. Hindi naman ako mapapatay ni Mama kung walang magsasabi at kung hindi naman ako nakita ni Mama sa mga kalokohan ko eh.
"Hoy! Irereport ko kayo sa guidance!!", pananakot ni Manong Guard. Parang ewan lang si Manong na tumatakbo, eh ang bagal nga ng kilos niya. As if mahahabol niya kami.
"TAKBOOOOOOO!!", magkahawak kamay kaming tumakbo palayo kay Manong Guard.
"Balik!!", tanging 'yan lang sinabi ni Manong at hindi na kami hinabol.
Tumakbo nga kami ng tumakbo. Hanggang sa mapahinto kami sa isang tindahan. Naalala ko nga ito. Dito 'yung elementary pa kami ni Emma at tinakbuhan niya ko. Umiyak pa nga ako nun eh. Hahaha! Para pala kong tanga. Ngayon ko lang narealize.
"Kain?", sabay kaming napalingon ni Emma sa isa't isa at sabay din kaming nag-aya. Napatawa naman kami. Para talaga kaming magkapatid nitong si Emma. Ni hindi nga kami mapaghiwalay eh. Magkadugtong na ba mga pusod namin? Hahaha. Parang magnanay lang ang peg.
Umupo kami sa may upuan sa tapat ng tindahan. Typical na tindahan lang, katulad sa mga iba. May upuan at lamesa dito na gawa sa kahoy. Magkatapat kami ng inuupuan ni Lokaret.
"Ate, alam mo na!", sigaw ni Emma. Mukhang suki ka na siya dito.
"Lokaret, pano ka naging kilala ni Manang?", curious na ko eh.
"Ano ka ba?! Hahaha! Diba nga nagka-cutting na ko dati pa man. First year ako nun diba?", easy-ng sagot niya.
"Tangina mo talaga!", hinampas ko sa sa kamay.
"Oh ito na order mo Emma. Himala hindi mo kasama 'yung pogi mong boyfriend!", kilig na sabi ni Manang. Feeling teenager ang putangina. Ang landi. Feeling PBB Teens ang hinayupak!
Ano? Si Emma may boyfriend na?! Tangina! Bakit hindi ako updated sa kahalayan este kalandian nitong si Lokaret!
********
Hi! Start na talaga ng story nila!
Vote and comment (critic comments) guys para ma-motivate ako.
BINABASA MO ANG
Magkabilang Room [On-Going]
No FicciónSi Jane Santiago, isang babaeng sobra kung magmahal. Siya 'yung tipong magpaparamdam ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. May isang lalaki siyang minahal, ngunit siya'y binabaliwala lamang. Umamin si Jane sa kanyang nararamdaman, pero wala ring nangya...