MR4

35 3 0
                                    

Ang lambot ng kama. Komportable.

"Gising na"

"Mamaya na po, ma. 5 minutes pa po.", yamot na sabi . Ang aga pa eh. Inaantok pa talaga ako. Tsaka mapapagod lang ako mamaya dahil kay Renz at Emma. Magulo kasi 'yung mga 'yun eh.

Humagalpak naman ng tawa. Bakit ang laki at makapal ang boses ni mama? Naging lalaki na ba si mama? Late bloomer ba siya sa puberty stage niya?

Hindi pa din tumitigil sa pagtawa. Minulat ko na ang aking mga mata.

Woah! Bakit andito si Renz? Nasa kwarto ko pa talaga! Naka-apron pa!

"Gago ka?! Bakit andito ka sa kwarto ko?! Hindi porket boyfriend na kita, papasok ka na lang dito bigla", hinila ko ang kumot at itinakip sa buong katawan ko. Wala namang makikita sa akin eh, nakadamit naman ako, pero hindi talaga ako sanay. Tapos boyfriend ko pa ang kasama ko. Kaming dalawa. Sa loob ng kwarto. Walang ibang kasama.

Pwe! Tama na mga iniisip.

Tumawa lang siya. Nakakaloko na ah!

"Anong nakakatawa?!", sigaw ko.

"Hindi mo 'to kwarto.", natatawang sabi niya.

"Ga---

Napahinto ako sa pagsasalita at tumingin sa paligid.

Iba nga ito. Ang laki. Hindi nga ito akin. Malambot kasi ang kama dito, samantalang sa akin hindi naman. At ang kumot dito ay mabango at cotton talaga samantalang iyong akin, amoy panis laway na. Hindi pa kasi naglalaba si mama eh. Sana nga nakapaglaba si mama para naman mabango ang kumot ko.

"Tara kain na", hinila niya ako patayo sa higaan niya.

May na-realized ako.

"Wait lang. Saan ang cr", tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko, pero dinistansya ko para makita man lang ako.

Ngumuso siya sa puting pintuan. Kumaripas naman ako nang takbo at nilock agad ang pinto.

Humarap ako sa salamin. Nyay! Sabog ang hair ko, parang nakipagsabunutan sa mga mangkukulam.

Ang mata ko. Ang daming green morning blessings. Nakakahiya kay Renz. Baka tinatawanan na ako nun habang tulog na ako.

Lagi naman akong nakikita ni Renz na ganito eh. Bestfriend ko kasi siya, kaso iba na ngayon. Girlfriend na niya ako eh. Kailan mag-ayos rin ako ng sarili kahit konti lang naman diba?

Ang damit ko. Eh suot ko pa kahapon eh. Grabe! Kadiri na ako. Nasaksihan na ni Renz ang pagiging kadiri ko. Baka ma-turn off siya, kahit ako eh, natu-turn off na sa sarili ko.

Paano na maghilamos ako ng walang gamit ng sabon? Hindi ko naman kasi bahay ito eh.

"Renz, pwede makisuyo?", tanong ko. Alam kong andyan pa siya sa kwarto. Girl's instinct. Malakas pandama ng mga babae eh.

"Ano 'yun Sweety?", tanong niya.

"Toothbrush, sabon, damit, and ...", naputol ako. Masyado atang madami ang hinihingi ko? Pero kailangan ko naman eh.

"Okay. Buksan mo", binuksan ko na ang pinto. Nasa paper bags pa talaga.

"San ka galing niyan?", tanong ko. Siguro mga 8 na paper bags ang ibinigay niya sa akin.

"Binili.", sagot niya.

Tama nga naman. Alangan naman pinaglumaan niya diba? Straight ' yan eh.

"Pwede huwag ka munang umalis hanggat hindi pa ako nakakalabas ng pinto? Baka maligaw ako dito eh", tanong ko. Inilabas ko ang ulo ko ng bahagya para makita siya.

"Okay. Maligo ka na. Aalis tayo. May damit na din diyan.", umupo siya sa dulo ng kama at binuksan ang tv.

Hindi ko na lang siya sinagot at nilock ang pinto.

Naghubad na ako ng damit at naligo na. Nice shower pa dito at may tub pa. Hindi muna ako gagamit ng tub  today. Naghihintay sa akin si LK eh.

Ang rich talaga ng boyfriend ko tapos sweet pa kasi nag-effort siyang bumili ng gagamitin ko.

Tengene. Kenekeleg ne ke nete!

Kinuha ko ang paper bag na ipinatong ko sa wash area. Dinampot ko ang shampoo.

Nice! Rejoice pa talaga. Nice choice ka LK KO.

Naglagay ako ng shampoo at minassage ang buhok ko. Feeling ko tuloy mas humaba ang hair ko as in mas mahaba pa kay Rapunzel.

Nagbanlaw na ako at nagsabon din. Siyempre naghilod din naman ako.

Matapos ang pagligo dinampot ko ang tuwalya at nagpunas ng buhok. Dinampot ko din ang bathrobe at sinuot ko ito.

Sumunod ko namang pinulot ay ang red na paper bag.

Tama nga, may damit. Kinuha ko 'yung damit at tiningnan.

Ang cute ng damit kasi may padlock na heart sa gitna tapos kulay pink pa.

Sumunod naman ay kinalkal ko ulit ang paper bag at nadampot ko nga ang short. Terno pa talaga kasi 'yung belt ay may heart din.

Tiningnan ko 'yung short. First time kong magsusuot nito. Lagi kasing pantalon or dress ang suot ko.

Wait parang may kulang. Nagkalkal nga ako ng paper bag at nakita ko na dun ang hinahanap ko.

Ang underwear. Pero bakit pink din?

Nakaramdam naman ako ng hiya. Ewan ko kung bakit, basta nahihiya ako.

"Renz?", tawag ko sa pangalan niya.

"Yup", tugon niya.

Andyan pa siya. Lumabas ako wala akong paki kahit naka-bathrobe lang ako at bitbit ko ang pink na 'yun.

"Bakit di ka pa nakadamit?", nagulat ata si Renz sa asal ko at tinitigan ang hawak kong mga undies kaya agad siyang tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Sinong bumili?", tanong ko at ipinakita ang mga pair ng undies.

Namula naman siya. "Ako.", matipid niyang sagot.

"Ikaw talaga pumili?", nahihiyang tanong ko.

"Uhm ... Oo. Pero hindi naman ako ang dumampot niyan. Promise", napakamot naman siya sa ulo niya.

"Thanks.", tumakbo ako at hinalikan siya sa pisngi. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

Tumakbo ako pabalik sa kwarto at nagpalit na.

Paglabas ko wala na si LK. Asan na 'yung kumag na 'yun. Iwan ba naman ako mag-isa. Hindi muna ako lumabas ng kwarto nagsuklay na lang ako ng buhok.

May kumatok naman mula sa labas. "Pasok.", tugon ko.

Bumukas naman ang pinto at si Renz nga. Topless siya. Oh gulay! Ang hot niya. May six-pack abs siya. Lalo tuloy akong hindi makagalaw sa pwesto ko.

"Stop staring at me. Baka di ako makapagpigil.", nakangisi niyang sabi.

"Tse!", nag-roll eyes ako.

Umupo naman siya sa tabi ko kaya tinalikuran ko siya.

Kinalabit naman niya ako. "Babe. Nah! Just kidding.", sambit niya at binack hug ako.


*****

Hi Guys!!

Sorry sa mga bad words ni Jane. Well, ganyan talaga siya. Kailangan talaga ang pag-uugali niyang ganyan (pagmumura) dahil iyon ay parte sa kwento.

Sorry talaga sa ayaw ng ganun.

Enjoy na lang sa iba.

Magkabilang Room [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon