Erisha Montendo
"'Ma, alis na po ako, ah. Mga ten na po ako makakauwi."
"O, siya. Mag-iingat kayo doon. 'Wag ka na ring maglakwatsa pagkatapos ng concert-concert na iyan."
"Mall tour po, 'Ma."
"Ganoon pa rin 'yon. Isa pa, hindi ka na makakatuloy."
Napakamot na lang tuloy ako sa aking ulo. Takot ko lang na magbago ang isip ni Mama.
"Saan ka, 'Nang?" sulpot ni Evan, mula sa kusina. Siya kasi ang pinagligpit ko ng pinagkainan.
"Sa Mall tour ni Bebe Hezam!" Hindi ko na napigilan ang pagiging masigla ng boses ko. Sorry naman. Si Speso na kasi ang pinag-uusapan dito.
"Ang adik mo na sa Hezam na 'yan, ah. Hindi naman guwapo. Mas guwapo pa yata kuko ko sa paa do'n, e," mayabang niyang sabi.
"Gano'n? Eh, kung isumbong kita kay Mama?"
"Oo na. Guwapo na siya!" biglang bawi niya.
"Aalis na ako, Bunso. Huwag kang magpasaway, habang wala ako."
"Opo na po."
"Good."
Nakangiti kong isinukbit ang backpack ko na may mga laman ng Hezam merchandise. May mga posters, notebook, ballpen, stickers at saka pentel pen. My goal is to have his autograph.
Dahil sa susunod, sa marriage contract na namin siya pipirma. De joke lang!
Pagkalabas pa lang ng bahay, nag-abang na kaagad ako ng Jeep. Medyo pahirapan ngayon, kasi hapon na. Maraming pasahero ang nag-aabang. Siksikan na ang mga tao. Naghahalo-halo na rin ang mga amoy. Ako lang yata ang fresh pa. Pauwi na kasi sila. Ako paalis pa lang.
"Oh, isa pa. At lalarga na!"
Mabilis kong tinakbo ang jeep. Bahala na kung madapa ako. Ang importante ay makaalis na ako rito."Excuse me, excuse me."
Sumasakit na ang likod ko sa kakayuko. Ni wala man lang umuusog na pasahero. Ano ba ang gusto nila? Kumandong ako sa kanila?
"Excuse po, Kuya."Tahimik na umusog si Kuyang nakasuot ng all black outfit. Hindi naman siguro siya galing ng burol, ano?
"Salamat po, Kuya, ah. Buti na lang po umusog kayo. Mukhang walang balak 'yong ibang pasahero, e."
Napanguso ako kasi hindi niya ako pinansin. Tumingin na lang ako sa gilid ko. Bale, nakatalikod na ako sa kanya. Pinapakiramdaman ko siya. Minsan nagkakadikit na ang mga siko naming dalawa. 'Tas parang nakukuryente ako. Hindi iyon dahil sa kilig, ah! Tanging si Hezam lang ang nakakapagparamdam niyon sa akin. 'Yong kuryente na parang pinipitik ang siko ko.
"Bayad po," abot ko ng bayad sa aleng nasa unahan ko.
"Bayad po!" Medyo nilakasan ko na ang boses ko, para marinig niya na at nang maabot niya na rin ang bayad ko. Nakakangalay kaya.
Pero, hindi talaga niya narinig o baka nagbibingi-bingihan lang si Ate.
"Bayad..." Dali-dali namang inabot ng Ale ang bayad ng lalaking katabi ko.
"Ilan 'tong bente?" tanong ng driver.
"Dalawa," sagot ni Kuyang nasa tabi ko.
Nilingon ko kung may kasama siya. Pero wala naman. O, baka hindi ko lang alam kung sino ang isa niya pang kasama.
BINABASA MO ANG
Two Hidden Identities
Teen FictionHezam Surdel- Erisha Montendo- Traigo- Erisha Montendo- isang ordinaryong estudyante na tinaguriang Hezamnatics. She is an ultimate fangirl of Hezam Surdel- a singer and an actor. Then she'll meet Traigo. Isang gangster na palaging to the rescue wh...