Chapter 5

47 4 1
                                    


Erisha Montendo

NAKAHALUMBABA lamang ako ngayon sa aking upuan. Ang tagal dumating ng adviser namin. Nag-aalala rin ako kay Ninang Cynthia. Alam kong matapang siya. Nalulungkot ako para kay Zhaniah at Ninong Alden. Kasi sobrang naaapektuhan sila dahil sa aksidente. Plus hit and run pa iyon! Hindi pa nahuhuli ang nakabangga kay Ninang Cynthia. Wala yatang konsensiya iyong lalaki!

"Classmates, nandiyan na si Ma'am," sabi ng announcer namin dito sa classroom.

Nagsibalikan naman kaagad ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. 'Yong iba, kunware nagbabasa ng libro. 'Yong iba, akala mo most behave, e. Pero kanina ang gulo-gulo at ang iingay nila.

Tumahimik ang lahat nang biglang pumasok si Ma'am Caña.

"Good morning, class," bati niya, sabay lapag niya ng kanyang mga gamit sa mesa niya.

"Good morning, Miss Caña," bati naming lahat.

Pinaupo niya rin kami pagkatapos naming bumati sa kanya. 

"I have a very important announcement. Sino ang nakakakilala kay Hezam Surdel?"

Agad akong napatayo sa aking silya. Nang marinig ang pangalan ni Speso ko.

"Ako po, Ma'am!"

"Sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa pinakaguwapong aktor at singer sa buong bansa?"

"Ano pong meron, Ma'am?" curious kong tanong.

"Dito sa eskuwelahan natin mag-sho-shooting sina Hezam Surdel at ang leading lady niya na si Jeya Monterde."

"Oh my gosh!!! Dito talaga, Ma'am?!" ani Elaesha.

Nagkaroon ng mga impit na tili sa buong classroom namin. Maliban sa mga lalaki na nainis yata sa ibinalita ni Ma'am Caña.

"Oo, so I expect na magbe-behave kayo. Don't be scandalous— especially girls. Masuwerte tayo dahil ang Negros Occidental High School ang napili nilang eskuwelahan, kung saan sila mag-sho-shoot ng upcoming movie nila."

"Uy, Erisha. Behave ka lang, ha," bulong sa akin ng bakla kong kaklase.

"Wow, ako pa talaga, ha?" nakanguso kong sabi.

"Oo naman, duh! Ikaw lang naman ang well-known Hezamnatics dito sa buong NOHS."

"Grabe, ka sa akin!"

"Miss Erisha Montendo, kakasabi ko lang na behave. Nakikipag-chikahan ka na naman diyan kay Leonardo."

"Sorry po, Ma'am. Hindi na po mauulit."

"Okay. That's all. So, let's move on to our next topic. Open your book on page 143. Read and analyze the story, then be ready for a quiz, when I get back."

"Yes, Ma'am."

Natapos ang klase namin nang medyo natuyo ang utak ko. Lalo na at hindi ako masyadong naka-concentrate sa pagbabasa ng story doon sa libro.

Lumilipad ang utak ko kay Bebe Hezam! I can't believe it! Dito sila magsho-shoot ng pelikula nila! Kung sinusuwerte ka nga naman.

"Nasa Qudrangle sina Hezam Surdel! Tara, Gina. Manood tayo doon."

Nanlaki ang mga mata ko. Pauwi na sana ako nang marinig iyon mula sa babaeng inaaya yata ang ka-tropa niya.

Totoo ba 'yon?

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Tumakbo na agad ako papuntang Quadrangle.

Tama nga sila! Nandito si Hezam! He is wearing our school uniform. Bumagay sa kanya ang puting polo, well-groomed hair at saka khaki pants. Siya na yata ang pinakaguwapong NOHSIAN kung sakaling dito nga siya sa NOHS nag-aaral!

Two Hidden IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon