Chapter 4

45 2 1
                                    


ERISHA MONTENDO


"MA, ginabi po ako kasi may rumble sa daan."

"Ano?! Sa susunod hindi ka na aalis kapag gabi!"

Mali, mali!

"Ma, ginabi ako kasi may nakasalubong ako sa kanto. Nakikipag-away na gangster."

"Ano?! Delikado na talaga sa panahon ngayon. 'Tapos kung maka-gala ka."

Hindi rin puwedi!

Anong sasabihin kong palusot kay Mother, kung bakit ako ginabi ng uwi? Nasa daan pa lang nag-iisip na ako. Pero wala akong mapili!

"Nang!" si Evan. Nakatayo lang siya sa harap ng maliit na gate namin.

"Bakit ngayon ka lang umuwi? Buti na lang natulog ng maaga sila Mama at Papa!"

"Shh ka lang, Bunso. Wala talaga akong masakyan, e. Sorry na. Huwag sana itong makarating sa kanila. Ayoko silang mag-alala. Please?"

"Pumasok ka na nga. Hindi na mauulit 'to, ah."

"Oo, hindi na talaga. Quits na tayo?"

"Oo na. 'Wag na nga tayong magpasaway sa kanila."

"Sige. Salamat, bunso! Hindi na tayo uulit."

Matapos niyang i-lock ang gate at pintuan namin. Ay agad na rin siyang pumasok sa kanyang kwarto.

Samantalang ako ay pasalampak na umupo muna sa sofa. Nako-konsensiya rin ako, kasi nagsinungaling ako. Ayoko lang naman silang mag-alala. Lalo pa at muntik na akong mapahamak. Pero nadala na ako. Hindi na ulit ako daan doon sa eskinita. Maghihintay na ako ng jeep sa labasan lang ng Mall. Hindi na ako mag-sho-shortcut para lang makauwi.

Nakadagdag pa sa iniisip ko sina Hezam at Traigo. Palagi namang laman ng isip ko si Hezam, My Speso. Ang pinagtataka ko lang, kung bakit nasama na si Traigo?

Dahil siguro niligtas niya ako sa may masamang balak sa akin. Iyon nga! Wala nang iba pang dahilan.

Napailing na lang ako. Nagdesisyon akong pumasok na lang din sa kwarto ko, upang matulog na.


KINAUMAGAHAN naririnig ko ang halakhak ni Papa. Ano na naman kaya ang pinag-uusapan ng pamilya ko?

Bumangon na ako at naglinis ng katawan, bago lumabas ng kwarto ko.

"What's the commotion about?" tanong ko.

Naabutan ko silang nakaupo na sa hapag-kainan.

"Gising na ang ating mahal na prinsesa. Kanina ka pa hinihintay, 'Nang," ani Evan.

Napangiti ako. Hinintay talaga nila ako. What a wonderful family I have.

Umupo na ako sa aking puwesto. Nagsimula na rin kaming kumain.

"Anong oras ka umuwi?" tanong ni Papa. Nagkatinginan muna kami ni Evan. Nagkibit-balikat lang sa akin ang kapatid ko.

"T-ten po."

Tumango lang si Papa. Parang nabunutan ako ng tinik. Pero nako-konsensiya ako.

"Kamusta ang lakad niyo?" tanong ni Papa.

"A-ayos lang po. P-pero nagka-emergency po sa kanila ni Zhaniah. Na-aksidente raw po si Tita Cynthia." Natigilan si Papa. Nakita ko sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

Two Hidden IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon