Erisha Montendo
"MA, pupunta sana kaming mallshow ni Hezam," pagpapaalam ko kay mother. Pumapayag naman siya, pero kailangan pa ng konting push.
"Gala ka nang gala. Wala ka pa ngang nagagawa sa mga gawaing-bahay," pagra-rap ni Mother.
"'Ma, tapos ko na pong hugasan ang mga plato. Naglinis na rin po ako ng kwarto ko."
Napangisi ako. Iyon ang alas ko para payagang makapunta sa mallshow ni Hezam—My Speso.
"Aba! Gabi iyon, 'wag ka nang pumunta. Sa susunod na lang."
Nanlaki ang mga mata ko. Napatigil ako sa pagliligpit ng kalat sa sahig. Nandito kasi ako ngayon sa sala namin. Tanging kurtina lamang na kulay berde ang naghihiwalay ng aming sala at aming kusina. Kaya nagkakarinigan pa rin kami.
Pero hindi ako puweding hindi makapunta! Hinihintay na ako ni Hezam sa venue.
Hezam Surdel is my ultimate idol! Dapat present ako sa Mall Tour niya. Minsan na nga lang kaming magkita.
"'Ma, mag-iingat naman po ako. Promise, uuwi po ako kaagad." Medyo natataranta na ako. Paano kung hindi nga talaga niya ako payagan? Tiyak mauudlot na naman ang pagkikita namin ni Hezam.
"Hay, nakung bata ka! Hanggang alas-diyes ka lang." Napabuntunghininga ako sa sinabing iyon ni Mother.
"Opo, 'Ma. Ikaw na po ang bahala kay Papa, ha?" Nagbabakasakaling ililigtas niya ako sa paparating din na sermon ni Father. Kung istrikto si Mother, ano pa kaya ang tatay ko?
"Ako na naman ipapahamak mo sa tatay mo. Basta 'wag kang magpagabi masyado. Sabihin mo riyan kay Zhaniah," ani Mama.
"Opo, mabilis lang kami doon," agad kong sagot.
"Dapat lang, sa panahon ngayon; delikado na kayo. Lalo na kapag gabi."
Sanay na kami diyan kay Mother. Palagi kaming sinasabihan niyan. I understand her. Nag-aalala lang siya sa aming mga anak niya.
At saka ikaw ba naman ang palaging manood ng SOCO, SAKSI at IMBESTIGADOR tingnan lang natin kung hindi ka maging praning na nanay.
Nagpatuloy na lamang ako sa pagpulot ng mga pakete ng kendi na nakakalat sa sala. At kilala ko na ang salarin dito— walang iba kundi— si Evan— Ang kapatid kong abnormal na palaging nagkakalat para inisin ako.
Kita mo nga naman at nagtagumpay nga ang kapatid ko.
"Hi, Nang!" nakangising pang-aasar ni Evan.
Halatang kakagising lang ng kapatid ko, kasi magulo pa ang buhok nito.
"Kapag ikaw, nagkalat ulit dito sa sala. Swear! Ipapakain ko pati itong plastic ng kendi!" nakapameywang kong sabi kay Evan.
Tumawa lang ang kapatid ko at dire-diretsong nagpunta sa kusina.
Ginutom siguro.
"At ikaw! Kayo talagang magkapatid kayo! Kahit kailan pasaway kayong dalawa! Tanghaling tapat na, kakagising mo lang!" si Mother na halos makaabot na sa kapitbahay ang boses.
Ako naman ang napahalakhak dito sa sala.
Akalain mo nga naman. Kay bilis naman ng karma!
"'Ma, tinanghali ako nang gising kasi gumawa ako ng assignments ko. Napagod nga ako, e."
Narinig ko pa ang mga palusot ng kapatid ko kay Mother.
Assignment my ass! Abot sa kwarto ko ang pagmo-mobile legends niyan, e.
BINABASA MO ANG
Two Hidden Identities
Novela JuvenilHezam Surdel- Erisha Montendo- Traigo- Erisha Montendo- isang ordinaryong estudyante na tinaguriang Hezamnatics. She is an ultimate fangirl of Hezam Surdel- a singer and an actor. Then she'll meet Traigo. Isang gangster na palaging to the rescue wh...