Chapter 6

68 3 3
                                    

Erisha Montendo

MEDYO haggard na ang mukha ko ngayon. Pero hindi ko maipagkakailang nananatili pa rin ang ka-kyutan ko.

Pakiramdam ko ang ganda-ganda ko. Ikaw ba naman ang ma-notice ng idol mo.

Sana tuloy-tuloy na 'to. At hindi panaginip lang ang lahat.

Pinipigilan ko ang ngiti ko habang naghihintay ng masasakyan. Baka mapagkamalan akong baliw sa daan. Mabuti sana kung nandito si Zhaniah. Pero wala. Absent ngayon ang best friend ko. Nagbabantay siya  kay Ninang Cynthia sa ospital.

Mayamaya ay huminto na ang isang jeep. Siksikan ang mga tao. Marami na rin kasi kaming nag-aabang para makauwi.

Buti na lang at may space pa. Kung sinusuwerte ka nga naman.

"Isa pa at lalarga na! Usog sa kaliwa!" ani ng isang barker.

Bale, umusog na rin ako ng konti, para sa sasakay.

"Hijo, may isa pa. Doon ka sa tabi ni Miss beautiful," sabi ng barker.

Napansin ko na lang ang pag-uga ng upuan sa tabi ko. Palatandaan na may sumakay. Hindi ko na nilingon kung sino ang katabi ko. Ang importante ay makauwi na agad ako sa amin. Lagot ako kapag masyado akong ginabi. Di ako nakapagpaalam kina Mother at Father ko tungkol sa panonood ng movie shoot ni Bebe Hezam ko.

"Bayad," ani ng katabi ko.

Nainis ako sa katabi ko sa bahaging kaliwa na taga-abot ng bayad. Naka-earphone kasi si Ateng! Kaya ayon, dedma to the max lang siya.

"Bayad niya po!" Ako na ang nag-abot ng bayad ng katabi ko sa kanan.

"Ilan 'tong bente?" tanong ng driver.

Lumingon na ako sa katabi ko, para tanungin kung ilan ang sa bente. "Ilan daw po—" Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw?!" gulat kong sabi.

"Dalawa— isa estudyante," sagot ng katabi ko— na walang iba kundi si Kuyang nakasuot ng hood na black at masskara na kulay black.

"Ikaw pala 'yan, Kuya Traigo!" masaya kong sabi.

"Ako nga," seryoso niyang sagot.

"Saan ka?" feeling close kong tanong.

"Uuwi." Humawak siya sa hawakan ng jeep. Siguro, nag-iingat na siya ngayon. Nahalikan niya kasi ako dati sa pisnge dahil sa biglaang pagpreno ng driver.

"Kuya Traigo, hindi ka ba nahihiyang pinagtitinginan ka? Kasi nagsusuot ka ng masskara na pang Masquerade Ball."

"Hindi naman nila makikilala kung sino ako."

"You love the attention, by wearing a mask in public?" curious kong tanong.

"I don't like their attention. I'm sick of it."

"But did you know, mas lalo mong nahuhuli ang attention nila just by wearing that mask."

"Wala kang alam. Manahimik ka na lang diyan."

Napanguso ako. Napaka-cold talaga ng lalaking ito. Parang kulang sa aruga at sa love ng mama niya.

"Friends naman tayo, 'di ba?" nagbabakasakali kong tanong.

"Hindi."

"Ano?! Pero iniligtas mo ako. Pagkatapos ginamot na natin ang sugat ng isa't isa! Hindi pa ba friends iyon?"

Napatungo si Traigo. Hindi na siya muling nagsalita. Ako naman ay napatahimik sa upuan ko. Hindi na ako mamimilit pa ng tao. Kung ayaw niya akong maging kaibigan— edi, huwag!

"Manong, para po!" sabi ko.

Bumaba na ako kaagad. Pero lumingon muna ako sa kanya, bago tuluyang bumaba.

Mapagtripan nga 'to.

"Gha, ingat ka sa pag-uwi mo, ha? Magpapakasal pa tayo," malakas na boses kong sabi.

Napa-ayiee ang mga pasahero sa sinasakyan kong jeep. Muntik pa akong mabuwal, kasi biglang umandar ang jeep.

"Bullsh*t!" Narinig ko na naman ang hot na mura ni Traigo. Ewan ko ba, kung bakit type ko siya? Charot! Ewan ko ba kung bakit ang ganda sa pandinig ng mura niyang iyon. Nababaliw na yata ako.

"Para na!" ani Traigo. Inis na inis siyang tumayo. "Bumaba ka na!"

Dali-dali na akong bumaba ng jeep. Nakasunod siya sa likod ko. Nang makababa na ako ay hinawakan niya ako sa palapulsuhan ko at itinabi sa daan.

"What do you think you're doing? Muntik ka ng mapahamak sa pinanggagawa mo!"

Napayuko na parang bata na sinisermonan ng kanyang magulang.

"Sorry na..."

Napabuntung-hininga siya nang malakas. Para bang pinipigilan niya lang ang kanyang inis na nararamdaman.

"And don't you dare call me 'Gha'," aniya.

"Bakit? Cute naman iyon, ah," nakanguso kong sabi. "Kaysa naman gangster itawag ko sa iyo. At saka ayaw mo rin namang tawagin kitang kuya."

"Ewan ko sa 'yo. Ang engot mo talaga."

"Ano?! Anong tinawag mo sa akin?! Engot?" Ang ganda-ganda ng tinawag ko sa kanya. 'Tapos, engot lang ang itatawag niya sa akin? Nasaan ang hustisya doon?

Dahil sa inis inabot ko ang ulo niya at nakalas ang sumbrero ng hood sa kanyang ulo.

Bumuhaghag ang kulay pula niyang buhok. Mahaba pala ang buhok niya!

Umabot yata sa balikat niya iyon. Inipit niya lang iyon sa hood niya!

"Bullsh*t!" pagmumura niya.

"Sorry, G-gha," nag-aalala kong sabi. Nasa gilid pa rin kami ng daan. Hindi na siya nagsalita pa ulit. Tanging ang busina na lamang ng mga dumadaan na sasakyan ang naririnig ko.

"Umuwi ka na," biglang pagsasalita niya sa kalmadong boses. Hinayaan niya na lamang na nakalugay ang kanyang mahabang buhok na kulay pula.

"G-galit ka ba sa akin? Ikaw naman kasi, e. Tinawag mo akong engot!" sabi ko na halatang naiinis pa dahil sa tono na rin ng boses ko.

"Engot ka talaga. Bakit ako magagalit?" seryoso niyang sabi.

"M-malay ko. Pero Traigo, hindi na bale kung hindi friend ang turing mo sa akin. Basta ako, friend ang turing ko sa iyo."  

"Bahala ka, Engot." And with that...iniwan niya akong nag-uusok sa inis!

Humanda ka sa aking gangster ka! Sa susunod na pagkikita natin— mask mo na talaga ang kakalasin ko!

-Vevsorare

#TeamShaGo
O
#TeamShazam

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Two Hidden IdentitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon