IOC - 1

20 6 2
                                    

Erine

Maaga akong gumising para isend kay Wal ang mahaba kong message sakanya. Agad namang tumunog ang phone ko at nakitang may text din siya sakin.


“Pang mmk Erine ah? Hahaha. Just kidding. Happy Anniversary love.”


I’m very dissapointed. As in? Anniv namin pero ‘yun lang message niya sakin? Ganun ba talaga ang mga lalaki? Well, hindi sa nilalahat ko. Wala ba silang effort!? Grr! Natulog na lang ulit ako dahil wala namang kwenta kung aawayin ko siya dahil dun.


--


“Ateee!! Ateeee!!!” nagising ako sa katok at malakas na sigaw ng kapatid ko. Argh! Ganda ganda ng tulog ko eh!


“What?!” bungad ko sakanya.


“Yak ate! Mag toothbrush ka nga muna tsaka mag hilamos ka. Kahiya kaya kay kuya Walter!” teka? Tama ba yung narinig ko? Walter??


“Nandito siya???” tanong ko sa kapatid kong si Elaine.


“Oo!!” agad kong sinara ang pinto at dumiretso sa banyo. Naligo na ako at pag ka tapos ay nagbihis na.


‘Siguro aayain niya ako lumabas?’ sabi ko sa isip ko. I wear blue jeans and white plain t-shirt. Nag blower lang ako ng buhok at nag pulbo. Hindi ako masyadong mahilig mag make up. Lip tint lang okay na ako. Dinala ko na din ang coat ko sakaling gabihin kami.


Bumaba na ako dahil baka mainip na si Wal. Agad ko siyang nakita sa salas habang kausap si mama.


“Oh nandyan na pala si ate.” sambit ni Elaine.


“Hi loveeee!!” bati ko kay Wal.


“Bakit bihis na bihis ka? May lakad ka ba?” tanong ni Wal sakin.


Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ano so wala siyang balak yayain ako? E bakit siya nandito? Para batiin lang ako ng ‘happy anniversary’ ganun?


Ayoko mapahiya sa harap niya at nina mama kaya naman nag gawa-gawaan nalang ako ng kwento.


“Yes! May pupuntahan kami ni ano... Ummm... Ni Trixie! Ayun! Oo si Trixie...” sabi ko na medyo nauutal.


“Talaga?” tanong ni Wal na parang hindi naniniwala. “Akala ko kasi yayayain mo ako.” sabi ko sa isip ko.


“Ah oo. Sige love una na ako. Baka nag hihintay na si trixie. Bye ma!”  paalam ko sakanila bago tuluyang umalis.


Nang makalabas na ako ay bigla namang tumulo ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan.


‘It supposed to be romantic. A memorable day.’




Walter


Buti nalang at umalis muna si love para makapag plano ako. I mean kami.


“Nako kuya sigurado dissapointed ngayon si ate sayo. HAHAHA!” sabi sakin ni Elaine habang kumakain ng chips.


“I know but it will be worth it. Kailangan ko lang talaga maging cold ng konti sakanya and act like I don’t want to celebrate our anniversary.” sabi ko saka hinigop ang kape.


“Sigurado ako matutuwa si ate kapag nalaman niya to!!” irit ni Elaine.


I hope.


Tinawagan ko si Vince at Gil kung ayos na ba yung pinagawa ko sakanila. And they say yes. Good.


Agad kong kinuha ang phone ko na naka patong sa lamesa at nag paalam na sakanila. I need to talk to Daisy.



📞... Calling Daisy


/Yes?/


“Hey Daisy can I meet you today?”


/Why?/


“About the plan.”


/Sure! Sa coffee shop nalang tayo mag kita. Bye!/


Call Ended.




Erine


“So ano? Nganga ngayon anniversary nyo? Wala man lang ganap?” sunod-sunod na tanong sakin ni Trixie.


“Ewan ko ba kay Walter. Haysst.”


“Hay nako Erine! Ngayon pa ata nag loko yang si Walter! Tingnan mo at ginamit mo pa akong panakip butas dyan sa nararamdaman mo.” sermon niya sakin.


Nakipag kita ako kay Trixie sa isang coffee shop at ‘dun ko sinabi lahat. Bakit ba kasi parang nakalimutan niya na anniversary namin? 1st anniversary kaya namin to! Mas bongga pa ata yung mga monthsary namin noon. Pero hindi naman ako naghahanap ng magarbo. I just want him. To be with him. To spend my time with him. Gusto ko lang iparamdam niya sakin na masaya siya na nakasama niya ako for one year. Haysst.


“So anong balak mo?” tanong ni Trixie sakin.


Hindi ako na ka sagot kay Trixie. Sa totoo lang ay wala talaga akong alam kung bakit bigla na lang nag ka ganito...


Biglang bumukas ang isang flat screen TV sa coffee shop at agad naman akong hinampas ni Trixie.


“I know na!!! What if may suprise sayo si Walter??! What if he have plans?” sabi sakin ni Trixie.


“How can you say so?”


“Duh! Look,” ipinaling niya ang ulo ko sa harap ng flat screen TV. “Then?” sabi ko na walang gana.


“Pano kung ganyan yung ginawa ni Walter sayo?” ang palabas lang naman ay isang lalaking tinago sa girlfriend niya na may plano siya na ikinatuwa nito.


Napaisip ‘din ako. Pano kung ganun nga? Diba uso ngayon ‘yun? Lalo na’t anniversary namin ngayon. Nabuhayan ako at iniisip ko kung ano ba ang plano nya...


“Tama ka Trixie! Pano kung may supresa siya sakin? Omg! Ano kaya ‘yun!? Excited na ako!!” sobrang saya ko dahil nawala ang kaba na nararamdaman ko.


“Trixie ano sa tingin mo supresa sakin ni Wal?” tanong ko sakanya. Pero wala akong narinig na sagot mula sakanya.


“Trixie?” pag ka tawag ko nun ay bigla naman siyang nag salita..


“Erine... Parang mali ata yung hinala natin...” sabi niya na ikinagulo ng isip ko. Bakit naman bigla siyang naging negative? E kanina nga lang siya nakaisip nito kaya nabuhayan ulit ako.


“Bakit?” hindi niya ako sinagot at hindi man lang siya lumingon sakin kaya naman tiningnan ko kung saan siya naka tingin. And it broke my heart...



Shit. Why?




mskylrl




Island of Change [Isla Series #1]Where stories live. Discover now