IOC - 6

9 3 0
                                    






Chapter 6





Napag desisyonan kong mag galagala muna tutal hindi ko pa nalilibot ang buong isla. Mas maganda sana kung nandito si Wal. But I understand tutal siya lang ang nag iisang tagapagmana ng kompanya nila. Aalis na sana ako ng may naalala ako... Wala akong pera. Tanging ang dala ko lang noong punta kami dito ay ang sarili ko at cellphone ko. Ugh. Bahala na si darna. Ang mahalaga ay malibang ko ang sarili ko.




Matapos kong mag elevator ay bumaba na ako sa lobby. Teka bakit ang daming tao ngayon? Nagkumpulan ang mga tao sa gitna at madami silang hawak na bulalak. May artista ba? Sunod sunod din ang mga flash ng camera at cellphone. Hindi ko na inabalang tingnan kung sino man ang artistang iyon. Sa sobrang dami ng tao ay kailangan ko pang ipagsiksikan ang sarili ko para lang makalabas. Tila mas dumadami ang mga tao kaya naman hindi ko na maaninag ang pinto palabas ng lobby.




"Aray!!" napa hawak ako sa paa ko dahil may umapak lang naman. Ugh. Bakit wala man lang guards ang pumipigil sa mga ito?! Dahil sa sakit ng paa ko ay nanatili parin akong naka hawak sa paa ko ng biglang ma out of balance ako dahil may tumulak sa likod sakin. Napasubsub ako sa nasa harapan ko at ng maramdaman kong parehas kaming tutumba ay pinikit ko na lang ang mga mata ko.





"OH MY GOSH"

"OHHHHH"

"LAGOT"




Ang dami kong naririnig na bulungan. Naramdaman kong sunod sunod ang mga flash sa likod ko. Minulat ko ang aking mata at nagulat sa aking nakita. Bumungad sa akin ang isang lalaking salubong ang kilay at naka awang niyang bibig. Shit! Kaya pala hindi masakit ang pag bagsak ko dahil sakanya pala ako bumagsak. Kasalukuyan akong naka patong sakanya at pinapa ligiran ng ng madaming tao. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil nakatitig lang ako sa mukha niya. His damn handsome. His thick eyebrows, his pointed nose, his black eyes with touch of grey, and his perfect curve of lips... 





"Tapos mo na bang purihin ang mukha ko?" natauhan ako dahil bigla siyang nag salita. Wtf matagal na ba akong nakatitig sakanya?



"Sir are you okay?" naramdaman kong may humila sakin papatayo at lahat ng atensyon ay nasa lalaking kaharap ko ngayon. 




"Sir do you need ambulance?" nagulat ako sa sinabi ng isang bouncer ata niya yun. Ambulace?! Haha seriously? Ni wala ngang natamo ni isang dugo ambulance ka agad.




"I'm fine." nag salita siya at inayos ang nagulo niyang damit. Nagulat ako ng papalapit siya ng papalapit sakin... Diretso ang mga mata niya na parang kakainin ako ng buhay. Naramdaman kong tumulo ang pawis ko at huminto siya sa tapat ng tenga ko. Yumuko siya ng bahagya at naramdaman ko ang mainit niyang hininga na nakapag pataas ng palahibo ko. Shit.

Island of Change [Isla Series #1]Where stories live. Discover now