IOC - 3

16 5 0
                                    

Erine

“Erine wag mo namang pagsalitaan ng ganyan ang pinsan ni Walter.” saad ni Vince. Teka? Pinsan?? Pano!!? Ni wala ngang pinapakilala ‘tong si Wal sakin na pinsan niya!


“I’m sorry Erine kung na misinterpret mo yung kanina.. ‘Dun sa coffee shop?” paliwanag nung Daisy.


“Love... Maniwala ka. Mag pinsan lang kami ni Daisy.” paliwanag naman ni Wal. Itinaas niya pa ang isa niyang kamay at kala mo’y nanunumpa.


“Wala kang pinakilala sakin na meron kang pinsan na ganyan.” sabi ko at saka tiningnan si Daisy.


“May lahi kasi si Daisy kaya hindi halatang mag pinsan kami. Atsaka kaya naman hindi ko siya napapakilala sayo dahil hindi siya umuuwi dito.” tinaas ko pa ang kilay ko para sabihing hindi pa ako masyadong naniniwala sakanila. Bakit kasi may ganitong pakulo pa?


“Hay nako Erine! Totoo yung sinasabi ng dalawa. Nung umalis ka ng coffee shop nalaman ko na mag pinsan sila.” sabat ni Trixie.


“Bakit hindi mo sinabi sakin?!” galit na tanong ko sakanya.


“Erine ayoko muna sana malaman mo yung plano namin... I just want to surprise you. But maybe I didn’t? It was epic fail. I’m very sorry love if it’s not what you expect like on the movies who actually do it perfectly. But believe me, I try. I’m sorry Erine.” yumuko siya at saka lumuhod sakin. Shit! Bakit kailangan niya pa tong gawin? Bakit parang ako yung pinaparusahan sa mga ginagawa niya?


Umiiyak na siya. Bihira lang ‘yan sa mga lalaki. He really meant it. Tumunghay siya sakin at tumingin sa mga mata ko. Para bang sinasabi ng mga mata niya na gusto lang akong pasayahin ni Walter sa paraang hindi niya nagawa ng maayos.


“Patawarin mo na witwooohh!!” sigaw ni Vince.


“Sigeee na ate!! Kinuntyaba pa kami niyan ni mama. Yieeeee!” saad ni Elaine. Nandito nadin pala sila. Kaya pala pumayag si mama na dito sa garden e.


“Goooo na friend!! Hindi naman nya kasalan na epic fail siya e HAHAHAH!!” pang aasar ni Trixie kaya naman agad tumingin si Wal ng masama kay Trixie.


“Tumayo ka na nga diyan. Madudumihan pa yang suot mo e.” sabi ko na agad namang nag kantyawan at tumili sila.


“WITWOOOOH!!” -Vince.


“AYIEEEEEEEEEEE!!” -Elaine.


“Landi nyoooo!!” sigaw ni Trixie.


“E nasan ba yung epic fail mong surprise sakin?” tanong ko sakanya.


“Talaga?? Pinapatawad mo na ako??” tanong ni Wal sakin.


“Ikaw pa.” pag ka sabi ko nun ay bigla niya naman akong binuhat at inikot ikot pa. Lecheeee nahilo ako!


“I LOVE YOU LOVEEEEE!!!” sigaw niya na parang proud na proud sakin. Napangiti nalang ako. Ito lang naman ang gusto ko e. Yung masaya kaming dalawa, kahit walang mga surprises.


“Oh kelan ba ang alis nyong dalawa? Mag gagabi na.” tanong ni mama.


“Ngayon na po tita.” nagulat ako. Ngayon?? Hindi naman siya excited no?


“Tara?” yaya sakin ni Wal. Anong tara? Hindi ba niya nakita na naka pajama pa ako?


“Naka pajama pa ako.” sabi ko sakanya. Bigla namang siyang nag pout. Okay ikaw na ang lalaking gwapo mag pout.


Island of Change [Isla Series #1]Where stories live. Discover now