Erine
Kabado at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba kasing pakulo ni Wal? Hindi ko na napigilan at nag tanong na ako sakanya.
“Wal alam ba ni mama ‘to? Isang buwan talaga?? Ano ipang papalit ko? Dapat sinabi mo para nakapag dala--” hindi niya ako pinatapos at nag salita na agad siya.
“Yes alam ni tita na one month tayo dito at pumayag nadin si tito. Kaya hindi kita pinag dala ng damit dahil bawal ang ano mang gamit dito sa Isla del Frego except gadgets. They want to assure the cleanliness of this island so their have there own mall.” pagpapaliwanag niya.
Ang taray naman sa islang ‘to. Sariling mall ha. “Kelan tayo mamimili?” tanong ko.
“No need love. Nag utos na ako. They have special service kaya ‘yun na ang kinuha ko.” wag na kayong mag taka. Mayaman si Walter dahil isa lang naman ang kompanya nila sa mga nangungunang kompanya dito. Meron din silang mga properties at ibang business. Ewan ko ba kung anong nakita sakin ng lalaking to? Madami namang mas mayaman sakin pero walang mas maganda sakin ahihihi. Siguro kaya sakin napadpad ang isang to e.
May kumatok sa pinto at agad itong binuksan ni Wal. Isang lalaki ang may bitbit bitbit na madaming paper bags na mukang mamahalin. Agad itong kinuha ni Wal at ipinatong sa sofa.
“You can change now love. May surpresa pa ako sayo.” sabi niya sabay kuha ng mga paper bag niya. “Magbibihis lang ako. By the way love, dalawa ang rooms na kinuha ko. In case your not yet comfortable with me sharing a one bed with you.” dagdag niya saka pumasok sa unang kwarto. So wala siyang balak sakin?? My goddd!! Muntik na akong mamatay kakaisip kung ano gagawin niya sakin! Masyado na ata ako nag oover think.
Dinala ko na sa pangalawang kwarto ang mga paper bags na dala ko. Isa isa ko itong binuksan at lahat ay nagustuhan ko. May mga pang alis at pang tulog at syempre hindi mawawala ang undergarments. Pano kaya nila nalaman size ko?? Grrr!!! Ano ba itong mga pumapasok sa isip ko!
Nag shower ako saka sinuot ang isang red dress tube kasama ang red na sandals. Pag ka tapos kong mag blower ay ikinulot ko ang buhok ko. Hindi ko na kinapalan ang make up ko dahil hindi ako komportable na nag memake up.
“Love are you ready?” tanong ni Wal sakin matapos kumatok. Tumayo na ako saka binuksan ang pinto. Tumingin ako kay Wal na para bang hangang hanga sakin. Naka black tuxedo siya at napatingin ako sa labi niya. Nag lip gloss ba siya? Mas mapula pa sa natural na lips ko.
“Ang ganda mo.” maikli ngunit napaka sincere na sabi ni Wal. Kelan niya ba ako titigilan puriin ngayon?
Inilahad niya ang kamay niya saka ipinasok ang kamay ko sa braso niya. Dinala niya ako sa dulo at may isang sliding door duon kung saan nakahanda ang isang pabilog na lamesa. Maganda ang simoy ng hangin dito at tanaw ang malalaking alon ng beach.
“You like it?” tanong niya habang hinihila ang upuan ko.
“Of course.”
Matapos naming kumain ay may background music naman. Saan sila nakapasok? Bigla ko na lang nakita si Wal na nakalahad ang kamay niya sakin. Kinuha ko ito at tumayo. Malawak ang terrace na ito kaya naman hindi kami nahirapang gumalaw. Sabat galaw ng mga katawan namin ay mas lalo pang lumalamig ang simoy ng hangin..
“I love you, Erine.” nakiliti ako sa biglang pag bulong ni Wal.
“I love you more.” sabi ko saka yumakap sakanya. Hindi ko akalain na ganito na kami katagal. Parang kahapon lang mag ka kilala kami tas ito? Unbelievable.
“Happy Anniversary love!!” matapos niya sabihin yun ay may fireworks na lumitaw sa kalangitan. Napahanga ako sa ganda nito. Hindi ito yung fireworks na laging kong nakikita. It was a big heart shape fireworks with small fireworks on the sides. Matagal din siyang mawala kaya naman maraming tao ang tumili at nakatingala sa magandang fireworks na to.
“Thank you.” yun lang ang na sabi ko kay Wal at saka niyakap siyang mahigpit. Hindi ko alam kung bakit sobrang na touch ako sa mga ginawa niya. It was a epic fail surprise but I saw no fails, I saw full of effort surprises.
mskylrl
YOU ARE READING
Island of Change [Isla Series #1]
RomanceIsang isla kung saan makikilala niya si Elias Calebryll del Frego. Isa sa apo ni Don Rocarcio Fernando del Frego, ang may ari ng Isla del Frego. Tila lahat ay nag bago ng makilala nila ang isat-isa. Parang wala silang mga pangakong tinutupad basta...