MIKA
Lumipas ang mga ordinaryong araw at tila nabubulok na ako sa bahay, walang libangan at walang ibang magawa kundi nakatihaya lang buong araw.Kain, tulog lang ang naging routine ko pero mukahang hindi na magiging boring ang araw ko ngayon dahil nagtext si Dante sa akin na susunduin niya daw ako ngayon. Hindi ko ba alam bakit pakiramdam ko may magandang mangyayari ngayon bigla nalang tuloy akong na-excite marahil siguro ay makakalabas na rin ako ng bahay sa wakas o baka naman may higit pang mangyayari.
Ilang minuto lang ang lumipas at nasa labas na ang kotse ni Dante, black Limousine ang gamit niya ngayon, nagmadali na akong lumabas dahil bago pa man siya makarating sa bahay ay tapos na akong maligo.
Mabilis magpatakbo ng sasakyan si Dante kaya naman mabilis rin kaming nakarating sa Mall, tahimik lang kaming naglakad papasok, walang imik, sobrang tahimik.
"May binili nga pala akong damit para sayo, sukatin mo" inabot niya sa akin ang kulay gray na off sholder na long sleeve na may nakaguhit na kalahating puso sa may bandang kanang dibdib. Agad akong pumasok sa fitting area at isnuot ito.
Ang ganda niyang pumili, bagay na bagay sa akin. Nang sigurado na akong maayos na ang damit na suot ko ay lumabas na ako ngunit di ko makita si Dante, baka ay naglilibot-libot lang yun kaya ganon na din ang ginawa ko.
Tumingin-tingin ako ng mga damit at shorts at pagtingin ko sa kaliwa ko ay nakita ko si Dante na suot-suot ang Gray shirt nay may kalahating puso din sa bandang kaliwang dibdib, may suot din siyang eye glasses na mas nag papogi sa kanya.
"Bagay sayo" lumapit siya sa akin at ngumiti sa harap ko, halatang pinagplanuhan niya na ganito ang mangyayari, di naman ako tutol, at di rin ako kinikilig ngunit hindi ko maiwasang mapangiti ng bahagya.
Tumabi siya sa akin at bahagyang inilapat niya ang kanyang kamay sa aking kamay, nasesense ko sa peripheral view ko na kahit nakatingin siya sa malayo ay sumisilip siya sa kamay ko at halatang dinidikit niya ang kamay niya sa aking kamay, hindi na ako nagdalawang isip na tuluyan ng hawakan ang kamay niya na kapag makikita kami ng ibang tao ay iisipin nilang mag syota kami. Pumunta kami sa cinema station at pumasok agad sa loob habang hawak hawak pa din ang kamay ko, ipinakita niya ang dalawang ticket namin sa nagbabantay, siguro ay kanina niya pa binili itong ticket habang nag bibihis ako. Date ba ito? o di kaya alam niyang sobrang nabo-bored na ako sa bahay kaya naman gumawa siya ng paraan para sa akin.
"Eheeeeem!" Sinadya ko talagang laksan para naman mapansin niya ngunit wala siyang ibang naging tugon kundi yung pamatay niyang ngiti, sobrang pantay na ngipin at mapupula niyang labi ang nakakuha ng atensyon ko, kaya naman masyado siyang confident na laging ngumiti kahit wala namang nakakatawa.
"Anong tickets ba yang kinuha mo?" Tanong ko dahil di ko naman nakita kung anong tickets yung binili niya
"Fifty Shades of freed" ngumiti lang siya ng nakakawili at para bang tuwang tuwa.
Babalik pa sana ako sa may counter para tignan kung ano yung trailer ngunit hinila niya ako pabalik at sinabing mag behave daw ako sabay himas sa ulo ko na parang bata.
Dun kami sa bandang taas sa may dulo pumwesto, napupuno na rin kasi ang loob ng sinehan kaya di na kami nakapili ng magandang pwesto.
Nag simula na ang palabas at nabobored talaga ako kaya naman kinuha ko nalang ang phone ko at kinulikot ang kung ano lang ang makulikot ko, para nga akong tanga dahil pati settings hindi ko pinalagpas.

BINABASA MO ANG
Desire
Lãng mạnCAUTION: THIS IS A NON-TEEN FICTION SERIES THIS CONTAINS MATURE AND SEXUAL CONTENT WITH INAPPROPRIATE LANGUAGE THAT MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. Ang kwentong ito ay kathang isip lamang at gawa gawa lang. Ang mga Lugar, Pangalan, at pangyay...