Mika
"Anak gumising kana nga diyan, kanina pa tumutunog yang alarm clock mo"
Agad naman akong bumangon kahit medyo tinatamad pa ako. Sino ba naman ang hindi magigising ang diwa sa lakas ng boses niya, halos abot na siguro sa kabilang kanto. Hindi ko alam kung ilang hotdog na ang pumasok sa bibig ni mama kaya ganyan kalaki.
Agad kong kinuha ang tuwalya ko na nakasabit sa may bandang bintana, pagkahablot ko dito ay bigla akong napatigil at napatingin sa labas ng bintana. Namimiss ko na si Dante, ilang linggo ko na siyang hindi nakikita at nakakausap kahit sa text lang man. Ipinag walang bahala ko na lamang iyon at dumiretso na ako sa loob ng cr sa loob ng kwarto ko. Nagsimula na ang pag ragasa ng tubig simula sa aking buhok pababa sa aking katawan. Mabilis naman akong natapos kaya naman agad na akong nagbihis tsaka pumunta sa kusina upang kumain.
"Oh anak, handa na itong pagkain mo"
Sambit ni mama habang abala na inaayos ang mga pinggan at pagkain.Ngumiti nalang ako tsaka umupo sa upuan. First time akong inasikaso ni mama, nakakapagtaka lang kung bakit bigla nalang nag iba ang ihip ng hangin.
"Bilisan mo na diyan, at may klase ka pa"
"Ma? Bat ang ganda ng gising niyo" sobrang nagtataka na ako sa mga kilos ni mama kaya naman hindi ko na napigilan pang magtanong.
"Bawal na bang maging masaya ang nanay mo? Kumain ka nalang nga diyan"
Natawa nalang ako sa naging tugon sa akin ni mama.
"Ikaw naman ma, masyado kang nag dadrama diyan, kumain kana din ma"
"Kakain naman talaga ako e, hinihintay lang kitang matapos" hinila niya ang isang upuan at umupo sa tabi ko.
"Anak, tandaan mo ito, mag aral ka ng mabuti a, wag mong gagawin yung mga bagay na pag sisisihan mo pag dating ng araw."
Napatigil ako sa pagkain at napatingin lang ng direstso kay mama, tinamaan niya ako and that makes me realize. Nakokonsensya ako sa lahat ng pinanggagawa ko sa buhay ko. Wala na akong naging tugon kay mama.
Sandali kaming nagkatitigan, at naramdaman ko nalang na pumatak ang butil ng luha ko mula sa aking mga mata at hindi ko na napigilan, tuluyan na akong humagulgol ng iyak, niyakap ako ni mama tsaka hinimas himas ang ulo ko pati likod ko."M-maaa s-sorry" patuloy pa rin ako sa pag iyak ko, hindi ko alam kung paano ako tatahan, kasi paulit- ulit na nagrereplay sa utak ko ang mga katagang sinabi ni mama.
"Psshhh.. tahan na. Wag ka ng umiyak diyan, ikaw ata itong nagdadrama sa ating dalawa e.
Patuloy pa rin ang pag iyak ko habang nakasubsob ako sa dibdib ni mama. Para akong bata na naghihikbi na nanganagilangan ng lollipop, hindi ko alam kung paano ako titigil sa pag iyak, tinamaan talaga ako sa sinabi ni mama.
"Tahan na, may pasok ka pa" kinuha ni mama ang bag ko at ibinigay ito sa akin kaya agad ko naman itong kinuha. Tumayo ako sa pagkakaupo at naglakad papalabas ng pinto, sinamahan naman ako ni mama hanggang sa gate.
Pinunasan ko ang basa kong mata gamit ang aking kamao, para akong bata habang kinukusot kusot ang mata ko.
"Mag-ingat ka ha" sabay hinalikan ako sa pisngi, kaya naman hinalikan ko rin siya sa pisngi pabalik.
Ang tagal ko na tong gustong maramdaman, pero bakit ngayon lang?
Nagsimula na ako sa paglalakad papuntang school, ito kasi talaga ang gawain ko araw- araw bago pa man dumating sa buhay ko si Dante kaya medyo nakakapanibago na naglalakad ako ulit, Namimiss ko na siya, ang presensya niya. Nasanay ako na lagi siyang andiyan para sa akin.Naglalakad pa rin ako, pero hindi ko pa rin matanaw ang school, may mga ibang estudyante rin akong kasabayan sa paglalakad at ang iba sa kanila ay may mga kasama at kausap habang naglalakad. samantalang ako, eto nag-iisa at walang kausap. Sana lang may makita akong kakilala ko dito para naman hindi ako magmukhang kawawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/160447347-288-k709551.jpg)
BINABASA MO ANG
Desire
RomanceCAUTION: THIS IS A NON-TEEN FICTION SERIES THIS CONTAINS MATURE AND SEXUAL CONTENT WITH INAPPROPRIATE LANGUAGE THAT MAY NOT BE SUITABLE FOR YOUNG READERS. Ang kwentong ito ay kathang isip lamang at gawa gawa lang. Ang mga Lugar, Pangalan, at pangyay...