Kabanata 1

11 6 8
                                    

Kabanata 1

"NABABALIW ka na talaga Samantha. Ba't 'di mo pa iwan 'yang asawa mo?" Palatak ng kaibigan kong si Amy.

Nandito kami sa bahay niya. Dito nila ako dinala pagkatapos namin'g makita si Pierre na kasama na namang ang babae niya.

Mali.

Long time girlfriend.

"Hiwalayan mo na siya Sam. Hindi na nakakabuti ito para sa iyo, sa inyong dalawa. Nagkakasakitan na kayo" si Kaye isa sa kaibigan pa namin.

"Ano ba kayo. Alam niyo naman ang sagot ko diyan."

"Na Mahal mo? Na hindi mo kayang iwan kaya lahat susuungin mo at pagtitiisan sa mga katarantaduhang ginagawa? Sam naman!" Halos pagmamakaawa ni Amy.

Napangiti ako.

Kahit papaano ramdam ko na may nagmamahal pa sa akin. Ito'ng mga kaibigan ko.

"Anong ngini ngiti-ngiti mo? Nababaliw ka na talaga!" Histerikal ni Kaye.

"Kaya ko. At kapag hindi na kayo ang unang makakaalam. Pangako ko nga iyan diba?"

Binigyan ko sila ng ngiti. Ngiti'ng kahit sana papaano ay huwag na silang mag-alala.

Tama ng ako na lang sa akin na lang. Ako ang nakaperwisyo kaya dapat sa akin lang.

Umupo sa tabi ko si Amy. "Ano pa nga ba ang magagawa namin? Paulit-ulit lang tayo sa ganito at ikaw rin naman ang panalo sa huli."

Gano'n 'din ang ginawa ni Kaye at pinagitnaan ako. "Nandito lang kami ni Amy, Sam. 'Wag mo'ng sarilinin ang problema mo. No man is an island. Kailangan mo kami. Ano pa't naging magkakaibigan tayo diba?"

Ang swerte ko sa mga kaibigan ko. Bihira na lang makahanap ng ganito na susuportahan ka.

Ngumiti ako sabay inakbayan sila. Ganoon din ang ginawa nila at walang pakundangan'g niyakap ako ng mahigpit.

Napahalakhak ako.

"Balik na tayo sa opisina. Baka mayari na naman tayo nito"

"Kailangan niyo na talaga'ng bumalik. Pasensya na sa inyo"

"Ano ka ba! Ayos lang sa amin. Baka 'di pa nakakabalik 'yung magaling mong asawa."

"Baka nagpapakasarap pa iyon sa ibang putahe." Natatawa ko'ng sabat. "Ano bang pumasok sa isip niyo at dito pa tayo pumunta. Babyahe pa tuloy ako." Angil ko.

"Tsk. Tumigil ka Sam. Tawagan mo kami kapag may mangyari ha."

Tumango ako at sabay-sabay na kaming lumabas.

Babalik na naman ako sa condo namen na tinitirhan ni Pierre. Pero matatawag ko ba iyong namen kung ako lang ang nakatira?

Ni hindi siya umuuwi para roon mamahinga, kumain maligo at kung anu-ano pang ginagawa ng isang asawa.

Uuwi na naman ako.

Sa condo na iyon, kung saan mabibingi ka sa katahimikan.

Wala akong trabaho dahil ayaw pumayag ni Pierre. Ewan ko ba do'n. Binibigyan niya naman ako ng pera panggastos ko. Sa grocery at mga bill na babayaran.

Tahimik akong nakarating sa condo ni Pierre. Pagkatapos namin'g ikasal sa huwes ay dito niya na ako idineretso.

Halos wala siyang larawan'g nakalagay at gamit ng dumating kami rito.

At ngayo'y dalawang taon na kaming kasal walang ipinagbago ang bahay maliban lang sa mga couch at appliances na nadagdag.

May mangilan ngilan'g painting na naikabit. Gawa ko, mahilig akong mag painting, pero tinigil ko dahil ayaw ni Pierre na nagpe paint ako.

"Hi I'm Samantha Elise Cruz you are?" Pagpapakilala ko sa isang varsity sa school na pinag-aaralan ko.

"Pre type ka ata ni Sam, patulan mo na" tukso ng mga kaibigan niya.

Humagikhik ako.

"Sorry miss may girlfriend na ako." His husky baritone voice sent shivered down to my spine.

It feels relaxing, comforting I love it.

"Yeah I know. Gusto ko lang makipag kaibigan. Masama ba?" Matapang kong sagot.

"Gusto ko 'yan! Pierre pakilala mo naman ako" halakhak ng isa niya pang kasama.

"I know your motive miss so spare me"

"What motive Pierre? Gusto ko lang maki-"

"You're trying to hit me miss, sorry for my word but that's how I see it. As far as I know you're a scholar here might as well use it for a good purpose."

That hit's me.

I like you since the first day of my college here and now I'm in the fourth. Ewan ko ba kung gusto lang ito pero baka mahal na kita.

Gusto kong sabihin 'yan sa 'yo ngayon Pierre.

"Look I just want to be friends with you guys" depensa ko

"And I'm not." Aniya sabay alis.

Na gising ako na may tumatapik sa pisnge ko.

Agad akong napabalikwas ng makita'ng si Pierre iyon. Dahilan ng pagkakahulog ko. Sakit. Nakatulog pala ako sa sofa.

"Nandito ka!" Magiliw kong sabi habang hinihimas ang kaliwang braso ko.

—AteSay 🌹 —

Our Wicked Revenge (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon