Kabanata 2
"Nandito ka!"
Tinapunan niya lang ako ng tingin saka dumiretso sa kwarto.
Agad na nawala ang hinanakit ko sa kanya kanina. Parang wala lang nangyari at ito nga't parang aso akong bubuntot buntot paakyat.
"Dito ka ba kakain? Anong gusto mo ng maipagluto kita?" Di ko mapigilan ang mapangiti.
Mag a-ala siete na ng gabi.
Gutom na siguro ito.
"Pierre? Anong ulam ang gusto mo?" Tanong ko uli.
Pero biglang may tumawag sa kanya. Tahimik lang ako habang tinitignan ang kabuuang likod. He has a great body built, brooding and muscular.
Kaya ang daming nahuhumaling na babae sa kanya e!
Pero agad din'g nawala ang kasiyahan'g pumupogpog sa utak ko.
"Babe" halos mahagip ko ang hininga ko. Titig na titig sa kanya.
"Yes, sure. I'll be there tell it to tita, 8PM right? 'Kay bye. See you. Yeah, I love you too" walang alinlangan'g sambit niya
That's it!
'Di man lang ba siya magpapaka plastik? Kailangan ba talagang iparinig pa sa 'kin?
Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko. Ayokong nakikita niya akong umiyak. Susumbatan niya na naman ako at mas masakit pa roon.
Pumasok siya sa closet at kinuha ang isang itim na maleta. Kasabay nun ang paglalagay niya ng mga damit.
"A-anong ginagawa mo? Ba't ka nag-iimpake? Pierre p-please 'wag naman'g ganito" halos 'di ko na makilala pa ang boses ko.
Hindi niya ako pinansin.
Ayaw ko man pero agad akong pumunta at tinanggal ang mga damit niya sa maleta. This is too much!
"Fuck it!" Sigaw niya.
Pero 'di ako tumigil. No, no I won't let him go. He's mine! Mine alone!
"Stop it!" Dumagundong ang sigaw niya sabay hila ng damit na hinahawakan ko.
"Ano ba?! Kailangan mo ba talagang gawin ito? Hinahayaan na kitang hindi umuwi sa bahay na ito at mambabae tapo-"
He grip my neck.
"What did you say? Mambabae? Don't ever think that Selene is my mistress!" Kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kagalit.
Ito ba? Ganito ba talaga siya?
"N-nasasaktan ako P-pierre let me g-go"
Parang ilog na tuloy-tuloy ang agos ng mga luha ko. Mali ba itong pagmamahal na nararamdaman ko? Bakit ganito ka sakit?
Hindi ko naman kasalanan ang lahat! Ba't ako nagdudusa ng ganito?
Binitiwan niya ako.
"Sa 'yo na itong condo." Pinagpatuloy niya pa rin ang pag iimpake.
Ako, tahimik lang na humihikbi. Itutuloy niya nga.
"Don't worry you will still receive enough amount of money from me. And it includes this condo"
"N-noo.... please don't do it" umiiling na nagmamakaawa ako.
I don't care how do I look like, I'm devastated for Pete sake!
"Look wala na ang bata. 'Di ba ayun ang dahilan kung ba't pinakasalan kita?"
And that made me stop from crying. Sabi na nga ba at pinakasalan niya lang ako dahil sa bata.
Dahil sa kanya sa manila ni Selene kung ba't nawala ang anak ko!
"You. You killed our child, didn't you?"
Huminto ito at hinarap ako.
"Gusto mo'ng makatakas sa akin kaya mo nagawa ang karumal dumal na iyon!"
"What? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?!"
"Sa loob ng dalawang taon sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyayari'ng kamalasan. Lahat ng sisi lahat inaako ko. Pero putangina Pierre kahit kailan at sasabihin ko uli sa 'yo, wala akong kinalaman ng gabi'ng iyon. Wala"
"Magsasama kayo ni Selene? Sige magsama kayo, pero ito ang tandaan mo. Hindi'ng hindi mo ako mapapapirma, walang hiwalayan. Gusto mo'ng maghiganti sa akin diba? Sige. Gawin mo, sisiguraduhin ko din'g mas magugulo pa ang buhay niyo."
"What really are you?" Tanong niyang mapaklang tawa ang naigante ko.
"Hey Pierre look I made this for you." Magiliw kong sabi habang ipinapakita ang lunch box na may lamang meryenda.
Vacant hours nila ngayon kaya dito sya pupunta.
"Look Samantha how many times do I have to tell you to stop this shit?"
"Pierre"
"I have Selene with mine to do that. You're wasting your time for me."
"No. I can't find another man like you."
"Of course there's only one Pierre Limoux Zarthou in the world." Napalingon ako sa babaeng nagsalita.
Si Selene!
"Babe" tumingin ako kay Pierre na agad lumapit sa kanya at hinalikan sa noo.
"Hanggang kailan mo ba pepestihin ang boyfriend ko?"
"Selene"
"Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? You're disgusting!" Sigaw niya.
Halos karamihan sa amin na nakatingin.
"I just want to be friends with him"
"He has a lot of that. Hindi ka na niya kailangan and you have Amy and Kaye baka nakakalimutan mo"
"Selene let's go" tahimik na umalis ang dalawa't naiwan ako.
Kumunti na rin ang nakatingin sa akin pero rinig ko ang bulungan nila. Umupo na lang uli ako.
"Elise!" Napahinto ako sa sumigaw ng pangalan ko.
"Kaye"
"Gaga ka talaga. Ba't mo ginawa 'yon?"
"I though that was a good idea."
Kumunot ang noo nila.
Is it that bad?
"Girl good idea nga iyon pero alam mo naman'g may girlfriend na si Pierre."
"So is it bad?"
"Oo syempre malamang sa mata ng iba. " segunda ni Amy
"Sisters told me about that idea"
"Hay naku! Saan'g ampunan ka ba nanggaling at english ka ng english? Papaampon na din ako" natawa ako
"Gusto mo ba talaga si Pierre, ilang linggo mo na iyan'g ginagawa"
"Three years I like him for almost three years and it's getting worst. "
"Hala ka Elise."
"Gusto kong itigil na ito pero paano? Hindi ko alam."
"Pinatamaan ka ni kupido girl kaso yung lalaki tinamaan sa ibang babae"
—AteSay 🌷—
BINABASA MO ANG
Our Wicked Revenge (On-going)
De TodoHave you ever tried to sacrifice everything to get what you want? Have you ever experience being hurt by your love physically and emotionally? Kasi ako? Oo, dalawang tanong pa lang pero 'di ko na maatim.. Gano'n na ba ako kasama? Ganoon na ba ako...