Kabanata 4
Tamad akong nakaupo sa sofa at nanonood ng kung anu-ano'ng palabas sa TV.
Napakaaga kong nakauwi, bago mag ala-sais ay narito na ako sa condo.
Hindi ko nga alam kung nakatulog ba talaga ako o ano. Basta pagkatapos maibigay sa akin ni Amy ang papel at ballpen na hinihingi ko ay nagsimula na akong magsulat.
Alas-singko y media pa lang.
Baka mamaya pa umuwi iyon si Pierre. O uuwi nga ba siya? Kahapon ng gabi lang naman niya'ng naisipan o talaga'ng hindi na talaga.
Sa nangyari kahapon ay baka malabo na.
Malinaw na malinaw pa rin sa isipan ko ang naging sagutan namin. Ang pagbabanta ko at ang paghangos kong maka-alis ng condo papunta sa tinitirhan ni Amy.
Ipinalibot ko ang paningin ko sa kabuuan.
Malinis.
Wala akong ginagawa kanina kaya naglinis ako ng buong condo. Kahit na araw-araw ko naman'g ginagawa.
7:40PM
"Uuwi ka pa ba?" Tanong ko sa kawalan.
Nanunubig na naman ang mga mata ko. Ang mga luha'ng nagbabadya'ng tumulo.
Huling pagkakataon na 'toh.
Sa huling pagkakataong ito ay sana pagbigyan niya na ako. Sana. Dahil pabor naman ito para sa kanya. Hindi siya mawawalan.
Simple lang naman ang kailangan niyan'g gawin.
Hindi ganoon'g kahirap para humindi siya.
Bago pa tuluyan'g tumulo ang luha ko ay dumiretso ako sa kwarto ko. Tumapat sa gilid ng kama at hinila ang isang kalakihang kahon.
Maalikabok na.
Natawa ako.
Sa araw-araw ko'ng paglilinis ng bahay, ba't ito nakakaligtaan ko? Gano'n na ba talaga ang mga bawat salitang binibigkas ni Pierre para sundin ko?
At sa loob ng dalawang taon, wala akong lakas ng loob para kwestyunin kung bakit ayaw niya na akong magpinta at kahit ang hilig ko sa pagbe bake ay ipinagbawal niya na rin.
Gano'n mo ba talaga ako kinamumuhian Pierre? Pinipigilan mo ang mga bagay na nakakapagpasaya sa akin?
Mapakla ako'ng natawa sa tanong na pumasok sa isip ko.
May posibilidad kaya? Tama ba ang nasa isip ko?
Kinuha ko ang isang rolyo ng tissue at nagsimula'ng punasan ang kahon'g maalikabok.
Habang pinupunasan ay napapangiti ako. Na-miss ko ito. Na-miss ko ang magpinta, ito ang nakakapagpagaan ng loob ko.
I am filled with nostalgia of my college days, without him before.
Sa katunayan nga ay may dalawa akong naibenta sa isang auction. Malaki ang nakita ko dahilan para napagpatuloy ko ang pag-aaral noong nasa ika-apat na baitang ng kolehiyo. Na-inspired akong ipagpatuloy iyon kahit hindi ako nakapagtapos sa isang dahilan.
Umiling ako't napangiti ng makita'ng malinis na ang kahon. Agad ko'ng itinapon ang mga marurumi'ng tissue'ng nagamit ko sa basurahan.
Tahimik na binuksan ang kahon. Dalawang taon ang nakalipas siguro hindi pa naman gasgas ang galing ko sa pagpipinta.
BINABASA MO ANG
Our Wicked Revenge (On-going)
RandomHave you ever tried to sacrifice everything to get what you want? Have you ever experience being hurt by your love physically and emotionally? Kasi ako? Oo, dalawang tanong pa lang pero 'di ko na maatim.. Gano'n na ba ako kasama? Ganoon na ba ako...