Kabanata 3

7 6 7
                                    

Kabanata 3

"Thank God. You're awake Elise!"

"How are you?"

"Pinakaba mo kami, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?"

Dahan dahan akong bumangon sa kama. Ipinalibot ang mata sa kabuuan ng kwarto. This is Amy's room!

Paano ako napunta rito?

"Sam ano ba'ng nangyari? Bigla bigla ka na lang susulpot at humahangos pa sa pag-iyak. Nag-away na naman ba kayo?"

Naalala ko na. Pumunta nga pala ako dito, iniwan kong mag-isa si Pierre sa condo.

Siguro wala na iyon pagbalik ko. Bitbit ang gamit patungo sa bahay nila Selene. O baka may sarili na silang bahay, hindi ko lang alam.

Nanlalabo na naman ang paningin ko. Gusto ko'ng umiyak.

Iiwan niya na kaya ako ng tuluyan?

Inaway ko siya kanina.

Nasigawan.

At pinagbantaan.

Natatakot ako. Hindi pwede, sa akin lang siya. Ako lang, ako lang ang magma may-ari ng lahat sa kanya.

Nahihilo ay dagli ako'ng umalis sa pagkakaupo sa kama. Tumayo at hinanap ang gamit ko.

"Sam saan ka pupunta?" Nag-aalalang tanong ni Kaye.

Hindi ako mapakali kailangan kong maka-uwi agad. "Uuwi na ako, baka naroon pa si Pierre. Kailangan ko siya'ng maabutan. Baka iwan niya ako."

"Sam magpahinga ka muna. Dumito, baka hindi pa maayos ang lagay mo"

"Hindi e. Hindi pwede. Kailangan'g maka-uwi na talaga ako."

"Samantha Elise! Ano ba?! Tinatarantado ka lang ng asawa mo, ba't 'di ka na lang pumayag sa gusto niya?"

Tama ba ang narinig ko?

"Amy, Kaye kung kaibigan niyo ako hahayaan niyo ako sa makapagpapasaya sa akin. At ito 'yon. Kaya please hayaan niyo akong makauwi. Magtatalo na naman ba tayo?"

"Makapagpapasaya? Bakit kailan ka ba namin nakita'ng ngumiti ng dahil sa asawa mo? Kailan ka namin nakita't narinig na nagku kwento sa asawa mo? Halos lahat ng paraan ginagawa niya masaktan ka lang Sam. Maawa ka naman sa sarili mo." Dinig ko ang pagkapiyok ni Amy.

Pero hindi pu-pwede eh. Hindi kailangan na akong maka-uwi.

"A-anong oras na ba? Ilang oras akong nakatulog?" Nagmamadali kong tanong.

Natatakot ako. Iiwan na ba ako ni Pierre? Iiwan na din ba ako uli ng taong mahal ko?

"Sam naman, ginagawa mo'ng tanga ang sarili mo. Hindi mo ba nakikita? HINDI KA MAHAL NG ASAWA MO! Halos kamuhian ka nga niya. Tigilan mo na ito." Gulat akong napahawak sa likuran niya ng yakapin ako.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko sa kanan'g mata na sinundan sa kaliwa at nagsusunod sunod ang karerahan ng pag-agos nito. Walang humpay.

Masakit.

Sobrang sakit.

Kaya ko pa ba?

Ang sabi sa 'kin nila sister Aida at Cora napakasarap umibig. Iyong makakalimutan mo lahat ng problema mo, may dahilan upang lagi kang masaya at huwag maging malungkot. Love can conquer all no matter how hard it is. If you failed don't quit keep on doing and you'll see the prices of your hardship.

Pero hindi lahat ng pag-ibig ay masaya. Mayroon at mayroong kaakibat na kalungkutan. Love will spoon you pleasure and pain.

Ito'ng nangyayari sa akin? Ito na ba ang bunga ng kasiyahan'g naramdaman ko buhat ng maikasal ako kay Pierre? Tama ba ang sinabi nila sister Aida at Cora?

Our Wicked Revenge (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon