Sa lamig ng simoy ng hangin,
Sa mabilog na buwan na tumitingin,
Ang maliit na apoy ay tumutupok
Sa sumasayaw na berdeng marupok.Sa madilim na kaliwanagan,
Dalawang puso ay nagkatinginan,
Sandali at sila'y natigilan,
Ning-ning sa mata'y nagkislapan.Oh! Aking sintang giliw,
Oh! Aking mahal na nakaaaliw,
Munting tinig, sa paligid ipinarinig,
Dalawang puso ay muling nagkaniig.___
041819 : 1828
___PHOTO CREDITS:
BINABASA MO ANG
NALILIGAW NA KATHA
Poetry_____ Mga tula na gusto kong iparinig. Mga tula na gusto kong isatinig. Mga tula na gusto kong ipabasa. Mga tula na sumasalamin sa aking dinadama. _____ ORIHINAL NA GAWA NG MAY-AKDA ANG MGA NAKASULAT SA SULATIN NA ITO. _____ // Ang mga tula na naka...