Mahirap

9 2 2
                                    


Mahirap ang humakbang,
Mahirap ang ipilit na makahakbang.
Mahirap ang isang hakbang..
Mahirap ang kapiranggot na hakbang..

Pilit na hindi ininda ang sakit,
Pilit na hindi dinamdam ang bigat,
Pilit na iwinaglit ang naiwang pait..
Nakakasawa, pero lahat ay pilit.

Ang pag-lubog ng mainit na pag-ibig,
Ay sabay sa pag-ahon ng malamig na paligid.
Ang malamyos na musika na dati'y naririnig,
Ay hinahanap-hanap ng bawat gilid.

Sabay nang pag-bagsak ng dahon,
Lungkot ay sasabay sa pag-ahon,
Ang gumugulong emosyon ay aalon.
Kailan? Kailan kakayanin na bumangon?

___
042219 : 0025
___

PHOTO CREDITS:
GOOGLE

NALILIGAW NA KATHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon