Ngiti

5 1 0
                                    

Ngumiti ka.
Maganda ka,
Mahalaga ka,
Ngumiti ka.

Sa pait na pinaranas ng mundo,
Sa pananakit na pinaramdam sa'yo,
Sa walang sawang pagtulo ng luha mo,
Ngumiti ka.

Huwag mo lukutin ang iyong mukha,
Huwag mong pahirapan ang paghinga,
Punasan ang luha't ngumiti ka,
Maganda ka.

Sa mababang pagtingin nila sa iyong pagkatao
At sa paulit-ulit nilang pagtapak sa'yo,
Tumingala ka at matapang na harapin sila,
Mahalaga ka.

Walang sakit ang dapat magtatagal,
Walang lungkot ang sayo'y dapat sumampal,
Walang tao ang maaari sayo na sumakal,
Ngumiti ka.

Ngumiti ka, sapagkat tao ka,
May nararamdaman at napakaganda.
Respeto sa sarili, ipamukha sa kanila
Maging masaya ka. Ngumiti ka.

___
04--20 : ----
___

Photo credits:
Krizia 🖤

NALILIGAW NA KATHATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon