Alam mo ba kung bakit ka nasasaktan?
Kasi minamahal mo ng higit, ang dapat kaibigan lang.Nginitian ka ng panandalian, akala mo siya na ang pangmatagalan,
Kinausap ka ng ilang minuto, akala mo pag-ibig mo ay totoo,
Nakipagtitigan lang sa'yo, nawala ka na sa sarili mo.Kaibigan, huwag ka naman sanang ganiyan.
Uso gamitin ang utak, huwag puro puso-- oh! huwag ka ngumuso!
Punasan ang luha na sa mata mo ay tumutulo,
May mga bagay na hindi kailangan isapuso.Ngumiti ka na, alam kong nasasaktan ka,
Pero hindi iyan dahilan para tuluyang hindi sumaya.Ang sandaling ligaya na sa'yo pinaranas niya,
Ay magbibigay ng panandaliang pait sa 'yong panlasa.Marupok ka naman hindi ba?
Madali lang ding mawawala ang lungkot na iyong dinadama.Sa susunod kasi, huwag mahalin ng higit ang dapat kaibigan lang.
Matuto ka na kaibigan, huwag na ulitin, dahil alam mo na.
___
042720 : 0917
___
BINABASA MO ANG
NALILIGAW NA KATHA
Poetry_____ Mga tula na gusto kong iparinig. Mga tula na gusto kong isatinig. Mga tula na gusto kong ipabasa. Mga tula na sumasalamin sa aking dinadama. _____ ORIHINAL NA GAWA NG MAY-AKDA ANG MGA NAKASULAT SA SULATIN NA ITO. _____ // Ang mga tula na naka...