Chapter 1

188 12 18
                                    

*1*

Eto ako ngayon gumagala, lumilipad, naghahanap ng pwedeng pagtripan ang love story, yung interesting at entertainment naman. Lagi nalang kasing si boy at girl pinaghihiwalay o kaya naman may epal na obsessed dun sa bida.

Wala na bang pwedeng?--

Ay! Di pa pala ako nakpapakilala, sigurado nagtataka kayo kung pano ako nakakalipad at pano ko napapagtripan ang mga lovestory. Ako si Cupi, hindi yang typo wala talagang "d" yan, iba kasi si Cupid. Ako kasi naka-assign dito tapos busy pa siya sa Italy kaya wala pa siyang time para bumisita dito.

Bilang alalay ni Cupid, di parin ako pwedeng pumana nang pumana yung mga katulad ko taga-gawa lang ng paraan para magkatuluyan ang mga bida sa ginagawa kong istorya. Syempre limitado pa rin naman kakayahan ko dahil nga iba si Cupid.

Ang boring naman dito! Ang hirap maghanap ng kakaibang story. Wala na bang iba?!

Pero uy o! May isang babae na nagtatago. Ano kaya ginagawa nun? O lalabas na siya... Teka, bakit nagtago ulit? Psh. Stalker. Ang boring naman dito. Lipad lipad din.

Makapagstay nga dito sa may swing, ang ganda ng view, dalawang estudyanteng hawak kamay habang nagsiswing. Teka, ano yun? O, sino yun? Bakit may lalaking nagtatago at mukhang malungkot? Ano yun bakit parang... Parang may uniiyak?! Teka, siya yung babaeng nagtatago tapos lalabas kanina a.

Hmmmmm. Nice Cupi. Ang galing galing mo talaga.

Ooops, sorry di ko sinasadyang ihulog yung lata at gumawa ng ingay para maistorbo yung dalawang naglalabing labing.

"Ay shit" sabi nung lalaking stalker

"Lagot" sabi naman nung babaeng stalker.

Hahahaha! Parang nag-e-enjoy na ako.

"Sino yan?" yung lalaking may laholding hands, pa-impress naman dun sa babae.

"Lander, sino yun?" oww, Lander pala pangalan niya. I see.

"Ah, di ko alam Yna e." at Yna naman tong babae.

Bale yung dalawang nagsiswing ay sina Lander at Yna.

"Teka, wait!" sigaw ni Lander dun sa lalaking stalker na tumakbo

"Hey!" si Yna naman na sinigawan yung babaeng stalker na tumakbo rin.

**

Sinundan ni Lander at ni Yna yung dalawa.

"Hey! Nag-i-stalk ka rin?!" sabi nung lalaki habang tumatakbo sila/

"Stalk?! You mean stalker?! Ganda kong to stalker?!"

"Woah"

"Wait! 'Nag-i-stalk ka rin'? You mean stalker ka?"

"Pareho lang po tayo. Type mo si Lander no?"

"Di ko siya type, crush ko siya, wait understatement naman yung crush, mahal ko na siya. Oo tama mahal ko na siya."

"Waaaaaiiiiittttt!" Grabe makasigaw naman tong si Lander kita tonsils.

"Shit! Dito tayo." sabi ni boy stalker. Sumunod naman si girl stalker. Hinihingal pa sila ng pumasok sila sa 7/11

"Nakakapagod, feeling ko hinabol ako ng aso."

"Correction, isang libong aso! Na pag nahuli ka, you're dead."

"OA mo naman, anyway, Justin."

"Ahh, Dee, Ice na lang."

Yung mukha nung Justin paring nacurious.

Cupid of the StalkersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon