Chapter 3

110 7 5
                                    

A/N: Dedicated to paramore_she. Sorry matagal mag update. XD May nagbabasa pa ba? Haha. Enjoy! :))

**3**

**Justin's POV**

Ano nangyari dun? Ang drama na sensitive pa. Di ko naman sinasadya yun eh. Binibiro ko lang naman siya. Tapos biglang tumakbo. Bahala na nga siya. Haynako. Bahala na siya malate. Mga babae talaga. Habang naglalakad ako, naririnig ko mga hiyawan ng mga babae. Syempre sino pa bang dumadaan? Edi ako. Manok eh. Wahaha. Uy jk lang mga readers. Mabait ako no. Humbog. Este humble. Hmm. Bigla tuloy akong may naalala.

**FLASHBACK**

Noong first year ako, kung makikita niyo picture ko, nako wag niyo na pangarapin pang makita. Sigurado ako magtataka kayo. Iisipin mo kung magkano nagastos ko kay Belo. Oo, kay Belo. Kasi Nerd ako. Yung mukha ko parang pimples na tinubuan ng mukha. Iisipin mo kung ano ba talaga nauna. Yung pimples ang tumubo sa mukha ko o yung mukha ko ang tumubo sa pimples ko. Mataba ako. Syempre pinapalusog ni Mommy. At kabuhok ko si Jose Rizal. -__- Isipin mo nga kung ano itsura ko nun. Wag na pala. Baka maalala mo sa pagtulog at bangungutin ka pa. Eto na balik na nga tayo sa kwento ko. Pauwi ako nun galing school nang makasalubong ko ang maraming bata.

"Ahh! Baboy! Ano ka ba talaga? Tao ka ba? Eh mukha kang malaking pimples na naglalakad sa daan eh!"

"Baboy na galisin!"

 "Haynako Justin wag mo sila pansinin. Mga bata lang yan. Kalma. Inhale...

 Teka Magpapakamay ka ba? Exhale naman.." Bulong ko sa isip ko..

Patuloy lang ako tinutukso nung mga bata habang naglalakad ako. 

 "Hoy! Mga salbaheng bata kayo! Magsiuwi na nga kayo!"

Huh? Sino naman yun? Isang babae. Di ko siya kilala. Di ko rin kaschoolmate kasi iba uniform niya. Pero eto ang napansin ko sakanya.. Ang ganda niya. Nasa langit na ba ako? Hahaha.. Ohh. Nganga. Nakatulala lang ako sakanya ng bigla siyang magsalita.

"Okay ka lang ba?"

"Ah.. O-oo. Salamat ha."

Inabot ko ang kamay ko.

"Ahm.. Justin."

"Yna. Sige mauuna na ko ha?"

Hindi na ako nakasagot. Napatulala lang ako sa maganda niyang mukha. Siya naman tumalikod nalang at umalis na. Nalove at first sight ata ako sakanya. Ohh jusko. Nasalangit na ba ako?

Ale, nasa langit na ba ako?

Mama, kayo po ba si San Pedro?

Ok lang sa akin kung ako’y dedbol na

Basta’t ikaw ang lagi kong kasama

Kaya ale, nasa langit na nga ako

Napakanta tuloy ako. Wahaha. Umuwi na ko sa bahay at pag-uwi ko, nadatnan ko si Yuan. Yung pinsan ko.

"Oh Yuan? Napadalaw ka ata?"

"Ahm.. Wala. Gusto ko lang muna magstay dito. Pare magpapaalam na ko."

"Wag kang ganyan. Bata ka pa uy."

"Gagii. Aalis na kami. Next next week babalik na kami ng hongkong."

"Hala. Ganun ba. Mamimiss kita."

"Yuck. Tigilan mo nga ako. Mukha kang bakla."

"Haha. Ohsige. Ayos yan para makita mo kapwa mo intsik. Ingat kayo dun."

"Sus. Oo nga pala. Sana naman pagbalik ko dito mukha ka ng tao. I mean mukha ka ng pinsan ko."

Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.

Cupid of the StalkersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon