Chapter 5

93 6 7
                                    

**5**

*Patrice's PV*

Ow, shet! Ow shet! Ow sheeeettt! Ang gwapo ni Yuan! Mas gwapo na siya kay Justin! Nye! Magpinsan ba sila? Bakit ngayon ko lang nalaman? Hahaha. Naku Ice! Ano na bang nangyari sayo? Badtrip wala akong mahahampas hampas ngayon, wala akong mashesharan ng kalandian ko.

Luh nandiyan na si Ma'am!

"Uhmm, class, may bago tayong makakasama sa taong ito." Jusko ma'am, huli ka na sa balita.

Pumunta si Yuan babe sa harapan.

"Ah, hijo, pakilala mo na sarili mo."

"Uhm. Hi" tapos ngumiti siya, ang gwapo niya talaga. My gahd! Naaamoy ko na ang love life ko.

"I am Yuan Sy."

"Ow, Yuan, you can have your seat na, uhhm" naghahanap si ma'am ng bakanteng upuan.

"You can sit beside Patrice." Ay, sino ba yung Patrice na yun? Ang swerte naman niya makakatabi niya ang babe ko. Maabangan nga sa gate yun mamaya.

Tumingin ako kay Yuan, nakasmile siya tapos papalapit sakin. Luh! Bakit papunta siya sakin? Kala ko ba si Patr-- Ay shit! Ako pala si Patrice. Oh myy! 

"Ma'am! Si Ice po dito!" sigaw ni Alo sabay turo sa upuang bakante na katabi ko, si Yuan tumigil tapos tumingin kay Ma'am. Ako naman tinignan si Alo ng masama.

"Ganun ba? Since wala talagang nakaupo diyan sa tabi mo Alo, diyan--"

"No!" sigaw ko. Takte, gwapo na o naging bato pa.

"Yes? Ms. Padilla?"

"Nothing ma'am, I'm sorry."

"Okay, diyan na lang si Ice, sige Yuan diyan ka na sa tabi ni Patrice."

Oh my gahd ma'am, naku! Di kita makakalimutan sa teacher's day.

Bale ganito na ang sitting arrangement. 

aisle|ako|Yuan♥|Alo|Ice

Nyay! Magkalayo kami ni Ice, pero okay na yun. Okay palang absent minsan si Ice e. Hehe.

"Hi, Patrice!" sabi sakin ni Yuan.

"Uhmm. Hi?" kinikilig ako. hihi.

"Nagbublush ka, aww, cute mo talaga." nagulat naman ako sa sinabi niya, cute daw? Oh stop it you! Eto talaga napapaghalataang may gusto sakin.

"Thanks"

"May tanong pala ako" kahit ano Yuan my love.

"Ah, wala wala." Ay? Siguro sasabihin niya 'will you be my girlfriend?' ang bilis naman niya, pwede namang 'Pwede ba kitang ligawan?' nakakakilig naman tong si Yuan, dumadamoves kagad. Kasabay ng pagdedaydream ko ang paglingon niya kay Alo, badtrip.

Syempre malakas ang radar ko.

"Hi! Alo right? Ang cute mo." Cute ako, cute si Alo, cute na lahat ng tao. Leshe. Alo, nakakarami ka na a, gilitan kita diyan e.

"Ano kailangan mo?" 

"Huh?"

"Sabi mo kasi ang cute ko, may kailangan ka no?"

"Ahh, wala no! Lahat naman ng babae cute e." Ang bait bait naman ng Yuan ko. Kaso.. Badtrip talaga e. 

*Justin's POV*

Nasan kaya yung Ice na yun? Simula nung naguidance di ko na nakita. Hala! Ang school ba namin ay katulad ng mga school sa horror movie? Yung papasok ka sa isang room tas di ka na makakabalik? Ay! Katakot. Nyek! Justin! So gay!

Matext na nga lang yng babae.

TO: Ice Ice Baby :">

Oy Panget! Nasan ka?

FROM: Ice Ice Baby :">

Pangit ako? Syempre mana sayo. Lul ka. Nasa bahay ako, punta ka dito maya, kwento ko.

Di ko na nireplyan, kasi may klase e. Naks, ang bait ko talaga.

After classes dumerecho na ako sa bahay nila Ice.

**DING DONG***

Bumukas yung gate tapos ang sumalubong sakin si Ice na nakapambahay. Napatingin ako sa kanya ng matagal. Grabe! Ang ganda niya lang. Nyay! Justin! Erase! Erase!

"Huy! Baka mainlove ka sakin, di tayo talo." nagising ako sa katotohanan ng sabihin niya yan.

"Luh ang kapal! Ako maiinlove? E may muta ka pa o!" pinahid ko yung daliri ko sa gilid ng mata niya . "Yuck kadiri, labas labas ng bahay di naghihilamos." sabay pahid ulit sa kamay niya.

"Lul, di ako natulog." sabay irap sakin.

"Di mo ba ako papapasukin? You're rude" 

"Edi pasok!"

Pumasok na kami sa bahay niya, ang simple ng dating tapos ang linis linis. Umupo ako sa sofa at humiga.

"Wow! Feel at home ka a." Sabi sakin ni Ice.

"Boyfriend here" sabay ngiti ng nakakaloko sa kanya. "Bakit ka nga pala wala sa school?"

"suspended ako for 3 days." 

"Ano?!" tinignan niya lang ako na para bang naiirita.

"Suspended ka for 3 days?!" Oo alam kong sinabi na ni Patrice pero syempre, nakakagulat parin. hehe.

"Sus! Narinig mo na pala papaulitin mo pa! Pati wag ka maingay, ang sabi ko sa parents ko, no classes!"

"Ay? Tita! Tita! Si Ice po suspended!"

"Hahahahaha!" tawa niya, luh! Suspended na nga tumatawa pa. Maganda nga may tililing naman. Wala rin.

"Suspended ka na nga tumatawa ka pa."

"Ako lang tao dito. Hahahaha" tapos tawa parin siya ng tawa. Baliw talaga to.

"Alis na ako." paalam ko, may usapan kasi kami ni Lander na magbabasketball kami. You kno? Kailangan siyang ifriend. Lintek na Ice to e.

"Hahahaha! Sige!" tapos tawa parin siya ng tawa. 

Hinatid na niya ako palabas ng gate nila, tapos nagwave lang siya ng goodbye sakin tapos biglang tumawa nanaman. Ano nakakatawa? 

Naglakad lang ako, maglalaro kasi kami sa basketball court e iisang subdivision lang naman tinitirhan namin ni Ice, ako, at ni Lander, kaya malapit lang.

*****

"Yow! Pare!" bati ko kay Lander habang nilalapag ko yung mga gamit ko.

"Oh? Game na!" sabi niya sabay pasa sakin ng bola.

"Atat ka a."

"Justin, saan ba magandang lugar sa date? Ano ba gusto ng mga babae? Kailangan ba romantic masyado? Required ba yung flowers? Ano magandang bulaklak? "

"E bakit sakin ka nagtatanong?"

"E siyempre, kayo ni Ice."

"Kayo rin naman ni Yna a" Luh mas matagal naman sila samin a. Di siguro dinedate si Yna, tsk tsk. Buti pa si Ice sakin. Ay? Nadate ko na ba si Ice? Luh. Ano iniisip ko?

"Ehh, ahh, kasii--"

"Di ka nagkamali ng hihingan ng tulong." parang ayoko ng gawin yung plano namin ni Ice. Pero gusto niya e, sige na nga para sa kanya.

**

Yuan Sy -------------------------->

(A/N): Ang tangal na update ba? Hahaha! Naging busy lang po, eto na talaga. :(

VOTE & COMMENT

Magcomment, dedicate. :)

-Ivy, Kim

Euli, Pat :"> 

Cupid of the StalkersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon