"Besbes!" nagulat ako ng bigla nalang sumulpot sa harap ko si Ally, tulala kase ko. Siguro sa pagod lang.
"oh? besbes anyare, bat antamlay mo? may problema ba?" nag aalala niyang tanong.
"Pagod lang, tara sa taas meryenda tayo" oo siguro nagugutom nga lang ako.
Tinawag ko si Yaya Bell at pinahanda ang favorite naming Snacks. PIZZA, FRIES, BURGER and Royal :)
Ang sarap ng kaen namen ng biglang nagsalita si Ally.
"Besbes, ano kamusta na pala yung si Kebby?"
*Boooogshhh*
Natabig ko ang Baso ng royal ko. Shit naman. Urrgh! Kung di ko lang to bestfriend nako baka naingudngod ko na muka neto.
"ayan, don't say badwords. tsk tsk"
nakakawalang gana tuloy. psh
"eh so ano nga kamusta na yun."
Isa pa... Di ako umimik at tumingin nalang sa kawalan.
"uyy, besbes" kinaway kaway niya ang kamay niya sa muka ko. ok ok, sasagutin ko tanong niya.
"Besbes, you know what it's been two years since he left me. Bat ka pa nagtatanong about sa kanya? "
Habang nilalaro ko ang fries sa Catsup.
"Eh kase naman 2yrs ka na reng nag iisa jan oh. Look, ang daming nanliligaw sayo." hays, eh ano naman kung single ako.
Sayang naman ang 2yrs. na binuo ko tapos masisira lang pag nagboyfriend ako. Eh pano kung niloko pa ko. Oh db, Mas maigi ng ganon.
"eh walang akong gana, ah besbes sige pahinga na ko, next time nalang tayo mag usap." nag walked out nako, nawalan ako ng gana eh. Parang mas napagod pa ko ng i-open up niya yung topic na yun.
"Nako besbes Move on, ge may lakad rin kame ng BOYFRIEND KO" At in-emphasized niya pa ang word na BOYFRIEND.
"Di ako naiinggit"
then sinara ko na ang pinto ng kwarto ko.
Binagsak ko ang katawan ko sa kama sa sobrang pagod. Pagod nga ba? Urrgh.
NakaMove on na ko. Ok?
*Flashback*
Since nagbagyo wala na kaming communication, Pano kase one week walang kuryente wala ding battery ang phone psh.
May date pa kame, di ko tuloy alam kung matutuloy pa ba kami. Sana naman matuloy kami. Cause That will be my first date if ever na matuloy.
September 9 na, wala pading kuryente. Sa Sept. 12 na date namen manunuod pa naman ako ng ******** , ang ganda non : /
Sept. 11, wala padeng kuryente. Di pa den siya nagpaparamdam. sabagay wala din kuryente sa kanila. Malapit lang naman sila samen. Pero di siya kasing lapit na as in walkng distance. Isang sakay lang ng jeep, 15mins. away pero sana naman pinuntahan niya ko. Wala na kong balita sa kanya.
"Besbes, nuod tayo ng ********" inaya ko si Ally, para naman kaseng di kame matutuloy eh. Gustong gusto ko pa namang mapanuod yon.
"Okay"
~~~~~~~~~~~
"besbes dun tayo sa gitna" pumwesto na kame dun sa tinuro ni Ally and maya maya pa ay nagsimula na.
Nag tira ako ng isang space o isang upuan. In-imagine ko nalang na nandun si kebby. Di panaman kame and ewan ko kung magiging kame.
Mga almost 1 and a half hour din ang pinanuod namen. And umuwe na agad ako. Oo ako lang may lakad pa kasi si Ally.
Pag uwe ko sa bahay may kuryente na yes! Nagcharge agad ako at nag nagload.
To: Kebby <3
HEY! Kebsss, di ka pa ren nagpaparamdam kahit may kuryente na eh. Nakakamiss ka. Oo nga pala kahapon dapat tayo lalabas. :/ Anyway nanuod na den ko kahapon.
Send...
after 10mins. wala paren siya reply kaya naman niFlood ko siya ng text.
mga 6 sms din yun.
And finally nagreply siya!
From: Kebby<3
Hi.
Di ko alam kung matutuwa ba ko kase nagreply siya o malulungkot ba ko kase sa dami ng sinabe ko yun lang ang sinagot niya.
Magrereply na sana ako ng bigla ulit siyang nagreply.
From: Kebby<3
Ahm Christy, pwedeng magkanya kanya nalang muna tayong buhay kase gulong gulo na na ko Christy. Nahihirapan na ko. Sorry
Nang mabasa ko yon automatic na tumulo ang luha ko. Ang sakit, hindi man naging kami nasasaktan paren ako kase nagpakita siya ng motibo. And aside from that ang sweet sweet niya pa. :(
NagPretend ako na kinaya ko at di ako masyadong apektado.
To: Kebby
:) Naiintindihan kita, tska sorry nahirapan ka pa ng dahil saken.
send...
You're so STUPID CHRISTY! Nice nice GREAT PRETENDER.
Nagflood siya ng puro SORRY at sad emoticon.
SORRY? SORRY? May magagawa ba yan ha? Maibabalik ka ba niyang sorry na yan saken? Mawawala ba ang sakit na ginawa mo saken? Ha? Mapapasaya mo ba ko ng sorry mo ha? HINDI! HINDI KEBBY! HINDI! T_T
Gusto kong sabihin yan sa harap niya! Kaso mahina ako. Mahina.
To: Kebby
Smile! Hahaha wala nanaman na tayong magagawa eh. Tanggapin nalang naten.
send...
At di na ko nagparamdam. Sobrang sakit! ANG SAKIT.
Lumipas ang mahigit dalawang buwan, mejo nakarecover na ko. May nagtext na unknown#.
~~~~~~~~~~~~~
[A/N: nako wag sana niyang mabasa to, hahaha. Nangyare saken to, pero di pa yan fully Details. ENEWEYS! Mahabang flashback to]
~Keywayeley_kylaaaa <3
![](https://img.wattpad.com/cover/23605328-288-k642383.jpg)
BINABASA MO ANG
Epic Failed Revenge
Teen FictionAng iba sa atin pag nagkaroon ng boyfriend o girlfriend e kala nila ay sila na hanggang huli, akala nila sila na ang itinadhana pero, hindi pala. PINAGTAGPO LANG AT HINDI ITINADHANA...