#Sick

24 1 0
                                    

Mark POV.

May dala dala ako ngayong bulaklak, Balak ko kasing puntahan si Mama at Papa. Miss na Miss ko na sila. Naglakad pa ako ng onti.

Nung nasa tapat na ako ng Puntod ni Mama at Papa ay agad akong umupo. Naka- Indian Sit ako, Nilapag ko na yung Bulaklak.

"Hi Mama Papa. Namiss niyo ba ang gwapo niyong anak?! HAHAHA Joke lang. Kamusta na kayo dyan sa Heaven?! Nagde-date ba kayo dyan?! May mall ba dyan o kaya Park HAHAHA Biro lang ulit. Namiss ko kayo   Kung di niyo agad ako iniwan edi sana Happy Family tayo  HAHAHAHA Alam niyo ba Mama Papa may babae akong naasar kanina. HAHAHHAHA ang panget ng mukha niya nung sobrang inis niya saakin HAHAHA grabe kung nakita niyo lang Matatawa kayo HAHAHAHAHA" Ewan ko kung matatawa ba ako sa ginagawa ko ngayon. Pero parang natutuwa ako kahit na hindi sila sumasagot sa mga tanong ko at kwento ko alam ko naman na Naririnig nila ako sa taas. Putek ang Drama ko -.-

"Oo nga pala Mama Papa, Bumalik na si Kurt yung Kaibigan ko :) Tsaka Working Student po ako ngayon para makapagtapos ako at maka-ipon. Wag po kayong mag-alala kaya ko na po sarili ko. Buti na nga lang at may bahay ako na tinitirhan  HAHAHA di ko po binenta yung bahay natin" Nakatingin lang ako sa Puntod nila mama habang nagsasalita. Bigla na lang akong napatingin sa Langit.

"Mama Papa uwi na po ako parang uulan na eh ! Sa susunod na lang po ulit. wala kasi akong dalang payong eh. Bye po" Tumayo na ako at nagpagpag ng Damit. Mabait talaga ako noh pero may side na Bad din

Nagsimula na akong maglakad papauwi.

Yung pagkawala ni Mama at Papa, Hindi pa alam nila Kurt at iba kong kaibigan kung bakit nawala sila Mama at Papa. Hindi pa kasi ako handa para ikwento sakanila yung nangyari. Tsaka nalang siguro kung kaya ko na.

Takte ang drama ko na -.- itigil na nga toh. Bigla na lang akong napahinto.

"Ahhh Sakit ng katawan ko ah. Parang lalagnatin pa yata ako." Sabi ko habang nag stre-stretch ng katawan. Sinimulan ko na ulit maglakad

Habang naglalakad ako biglang may pumatak na tubig sa balikat ko. Tumingala ako at dun na sunod sunod pumatak ang tubig.

"Sabi ko na nga maaabutan ako ng Ulan eh!" Sabi ko tsaka tumakbo ng mabilis.

May nakita akong babae na naglalakad at nakapayong. Makikisilong na nga lang muna ako. Tumakbo ako dun at nakisilong.

"Oh bat ka huminto?!" Tanong ko nakatingin lang ako sa dinadaan namin ang lakas kasi ng ulan, may bagyo yat---

"Iiiikkkkaaaww?!" Napatingin ako sa babaeng toh na ang sama ng titig saakin. Kung mamalasin nga naman oh.

"Oo ako nga ;) Miss mo ko?!" Tanong ko tas kumikindat kindat pa. Nakita ko kung paano umusok yung ilong at Tenga niya sa inis kaya napatawa ako ng Mahina.

"Umalis ka nga dito! Nakaka-inis ka ah!" Tinutulak niya ko mula sa pagkakasilong sa Payong niya, pero sorry to say dahil lalaki ako mas malakas ako sakanya. Nakahawak lang ako sa Payong niya, pati rin siya nakahawak sa payong niya.

"Di ka ba naaawa sa akin papauwiin mo kong basang basa dahil sa malakas na ulan" Nagmamakaawa pa yung Tono ko niyan. Tumingin siya saakin tas nag-pout.

"Kawawa ka naman :( Sige MALIGO KA SA ULAN. AKO MAAAWA SAYO EHH SAPATOS KO RIN BASANG BASA DAHIL SAYO. TABI NGA nababasa ako oh!" Sigaw niya. Grabe ang ingay naman netong babaeng toh. Nababasa na nga talaga siya.

"Ihh ayoko nga! Edi ikaw ang umalis dyan" Sabi ko. Malapit na mag gabi. Kumunot yung noo niya with masamang titig pa.

"Maligo ka na sa ulan!" Sigaw niya tas tinutulak pa ako.

My Fake BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon