Chapter 25

1.4K 24 15
                                    

SAM: What is this?!!!!

(Papasok palang si Devon sa opisina ng marinig niya na sumigaw si Sam. Nakita niyang kaharap nito si Benj, she has no choice kundi makinig sa usapan ng dalawa)

BENJ: Resignation letter. Wala nang saysay na manatili ako dito sa Estates pagkatapos ng nangyari.

SAM: Benj?!

BENJ: Maybe the Estates will be better without me.

(Hindi na hinintay ni Benj na makasagot si Sam at tinalikuran na niya ito. He saw Devon na kadarating pa lang and he smiled at her bago tuluyang lumabas ng opisina. Nakita naman ni Devon na galit na umupo si Sam at pinunit nito ang resignation letter ni Benj. Hindi niya alam ang nangyayari kaya naman hindi niya napigilang magtanong)

DEVON: What happened?

SAM: I accused him of divulging the top clients of the Estates to our competitors!!!

(Hindi agad nakapagreact si Devon sa sinabi ni Sam. Of course, siya ang salarin at hindi si Benj. Siya ang nagnakaw ng mga pangalan ng top clients at nagbigay sa Ledesma Estates. Ang hindi lang niya expected ay ang pagbintangan ni Sam si Benj.)

DEVON: Baka naman hindi si Benj ang nagsabi.

SAM: Only Benj and I know kung sino ang top clients ng Estates. So I have nobody to accuse but him!!

DEVON: Sam??

SAM: Just don’t mind it.

(Pumunta nalang si Devon sa kanyang desk at nakokonsensiyang napaupo. Her revenge is doing good. Sam falls for her, she gained Nyle’s trust at ngayon nga ay mawawalan ng client ang Estates. She is supposed to be happy pero nagiguilty siya sa nangyayari.)

(Habang si Sam naman ay sobrang bothered sa mga pangyayari. He had a lovelife pero ang Estates naman ay namimiligro at ang malala pa sa lahat ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng kanyang one and only bestfriend. He was supposed to spend the night with Devon pero naisipan niyang umuwi muna ng bahay at baka madamay pa si Devon sa stress niya. When he reached home ay agad siyang nagpunta sa kanilang mini- Library at tiningnan ang kanilang family album. He saw how happy they were before)

SAM: Kung nandito lang sana kayo Dad…

(Naramdaman ni Sam na bumukas ang pintuan at nakita niya si Lorraine na pumasok)

LORRAINE: I’m sorry. Akala ko andito si Nyle.

SAM: It’s ok.

(Nakita ni Sam na akmang aalis si Lorraine at nagsalita siya)

Can we talk?

(Kanina pa nakaupo sina Lorraine at Sam ngunit wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Nakita ni Sam na tumayo si Lorraine at hinawakan niya ang braso nito. Then mabilis niyang kinabig si Lorraine at niyakap)

SAM: I miss them. I miss my parents… Alam kong ikaw lang ang nakakaintindi sa akin. I wanted to talk to Nyle pero hindi ko kayang gawin. I don’t want her to know na nasasaktan ako.

LORRAINE: Nyle is stronger than you thought. Hindi sa lahat ng oras andito ako para sayo Sam.

SAM: What do you mean?

LORRAINE: May Devon ka na diba? Diba sa halip na sa akin ka nag oopen-up mas makakabuting sa kanya?

SAM: She doesn’t know anything about my family. She doesn’t know kung ano ang pinagdaanan ng family ko.

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon