Chapter 10

1.4K 26 17
                                    

(Devon was taking a shower ng may narinig siyang pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Bigla siyang kinabahan dahil ang kanyang pinsan na si Fretzie ay nagpaalam na lalabas para imeet ang mga kaibigan nito. Wala sila ni isang katulong dahil kababalik pa lang nilang dalawa few months ago from Canada. Makakalimutin pa naman ang kanyang pinsan, palagi nitong nakakalimutan na ilock ang gate at pintuan.Lumabas siya ng shower at laking gulat niya sa nakita. Her masungit at deadma king na boss is right infront of her!!! )

DEVON: Anong ginagawa mo dito?!! Paano mo nalaman ang bahay ko??

(Kinabahan na si Devon dahil kitang-kita niya ang galit sa mga mata ni Sam. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang magkabilang braso)

SAM: Why did you do it?!

DEVON: Did what?!

SAM: Why you sent that message to my girlfriend?!

(Kitang-kita ni Devon na kinokontrol lang ni Sam ang sarili nito pero ang pagkakahawak nito sa kanyang braso ay mas nagiging mahigpit)

DEVON: Bitiwan mo ako! Nasasaktan na ako!

SAM: Why did you do it?!!!

(At umandar ang salbahi niyang utak)                          

DEVON: Because I like you! And I want you two to break up!!

(Nakita niyang natigilan si Sam, and she finds it a chance para iseduce ang lalaki. Pinakawalan nito ang kanyang braso. She then touched his face at nagpatuloy siya sa pagsasalita)

And I really want to do this….

(She kissed him but he didn’t respond kaya nainis siya. Most men that he knows are dying to kiss her pero ito ang kanyang boss, walang ka epek-epek ang charm niya)

SAM: Miss Seron, no matter what you do. You will never have me!

DEVON: Ah really? Mr. Concepcion….

(Nasarang na ni Sam ang kanyang pride kaya naman the worst thing that she could imagine that she couldn’t do ay gagawin niya. Nakabathrob lang naman siya dahil galing siya ng shower. She was about to take it off ng biglang hawakan ni Sam ang kanyang magkabilang-kamay para pigilan siya)

SAM: Miss Seron, have some respect for yourself.

(At tinitigan siya nito, yun bang klase ng titig na nakakatunaw. Hindi siya nakagpagsalita. Namalayan niya nalang na may sumara ang pintuan ng kanyang kwarto. Sam left her, and she can’t help but cry. She cried not because nainsulto siya nito but because Sam is right, she needs to respect herself. Mukhang nawawala na siya sa sarili nang dahil lang sa balak na paghihiganti. Gayunpaman, she’s not going to give up…)

DEVON’S POV: Babagsak ka rin sa mga kamay ko Sam Concepcion!

(Nang makauwi si Sam sa kanilang bahay ay dumiritsu siya sa mini-bar. Agad siya kumuha ng maiinum. What Devon is acting is not normal, yun ang nakikita niya. The girl is seducing him but he cannot see desire in her eyes, what he saw is sadness and pain. He doesn’t want to give a damn about her but simula ng nagtrabaho ito sa Estates ay ginugulo na nito ang kanyang isipan. God knows how much he’s fighting himself not to give into her seduction. He has a girlfriend and he loves her so much. Maybe Devon is just a challenge for him, a challenge for his faithfulness to Lorraine. He has a very kind girlfriend at yun ang dapat niyang pagtuonan ng pansin. He needs to let Devon out of his mind.)

(Nang makabalik sila ng opisina ay balik na naman sa dati ang lahat. Devon is still giving her seducting smile to Sam pero deadma pa rin ang kanyang boss. Kaya naman naiinis pa rin siya dito. The guy doesn’t even bother to talk to her the whole morning. Sa sobrang inis ni Devon ay nilapitan niya ang lalaki)

DEVON: We need to talk…

(Pero hindi siya nito pinansin)

If you won’t talk to me, I’ll tell the whole people in this building that you went to my house the other night and barged into my room!

SAM: What?!

(Napangiti si Devon sa nakitang reaksyon ni Sam.)

DEVON: You heard me!!! You know what Mr. Concepcion the more you ignore your feelings for me, the deeper you’ll fall…

(Nakita ni Devon na namumula na sa galit si Sam. Tumayo ito sa pagkakaupo at lumapit sa kanya. Mabilis pa sa alas kwatro na naitulak siya nito sa couch and before she could react, he already claimed her lips. He kissed her as if punishing her kaya naman itinulak niya ito dahil nasasaktan siya)

SAM: Don’t you like it Miss  Seron?!

(Nagkasukatan sila ng tingin. Unang nagbaba ng tingin si Devon dahil nakikita niya sa mga mata ni Sam ang galit. Tumayo siya pero hinila ni Sam ang kanyang kamay dahilan para mapasubsob siya sa dibdib nito. She heard the beat of his heart and it’s beating fast. Inilayo ni Sam ang kanyang mukha sa pagkakasubsob sa dibdib nito only to stare her closer. Malapit na malapit ang mukha nila sa isat-isa. May kakaibang kislap na nakita si Devon sa mga mata ni Sam, hindi na niya nakikita ang galit sa mga mata nito. The next thing that happened ay hinalikan na siya nito na mabilis niya namang tinugon. He kissed her deeply at nang tumigil si Sam ay nadisappoint siya)

SAM: I want to kiss you more pero may paparating.

(She heard footsteps, agad siyang tumayo at bumukas ang pintuan. Nakita niya si Benj)

BENJ: Lunch time! Hindi ko kayo makita sa cafeteria!

SAM: Just go ahead may tatapusin pa ako…

BENJ: Alright! Let’s go Devz!

(Sinulyapan ni Devon si Sam at nakita niya na bumalik na ang atensyon ng lalaki sa laptop nito)

DEVON: Ok!

BENJ: Sigurado ka Sam?? Hindi ka ba nagugutom?? If iniisip mo yung nangyari kagabi, don’t mind it! Wala na yun…

SAM: Hindi pa ako gutom…

BENJ: Ok, tsaka pala… I’ll ask your permission para maging partner ko si Devz sa darating na anniversary ng Estates.

(Nagulat si Devon sa sinabi ni Benj, nang tingnan niya si Sam ay wala man lang reaksyon ang lalaki)

SAM: I don’t own her para humingi ka ng permission sa akin.

BENJ: Well, I thought that you’ll be together.

SAM: Why should we? Lorraine will be with me…

(Devon doesn’t know why pero nasaktan siya sa sinabi ni Sam.)

DEVON: Let’s go Benj, nagugutom na ako…

BENJ: O.o nga pala!

(Umalis na sina Benj at Devon at inis na naibato ni Sam ang hawak na ballpen.)

SAM: Damn it!

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon