Chapter 29

993 18 5
                                    

FLASHBACK!!!!

 

(Pumunta si Sam at ang kanyang Mommy Katrina sa isa sa condo units nila para kunin ang naiwang camera ng kanyang ina. His Mommy likes taking pictures and videos. He was waiting inside the car for almost an hour pero hindi pa rin bumabalik ang kanyang Mommy. So, he decided to go inside the condo only to be surprised. He saw his Daddy naked with another woman and a man holding a gun. Nakita niyang nagmamakaawa ang kanyang Daddy at ang babaeng kasama nito. Pero galit na galit ang lalaking may hawak na baril at kinalabit iyon. The man shoots his Dad’s forehead at ang babaeng kasama nito. Gusto niyang sumigaw sa nakikita pero pinigil niya ang sarili. Then nakita niya nalang na humandusay sa sahig ang katawan ng kanyang Daddy at ang babaeng kasama nito. Isa-isang binuhat ng lalaking may hawak na baril ang katawan ng mga biktima. Pinahid ang dugo sa sahig at nawalang parang bula ang lalaking may hawak ng baril. Lumabas si Sam buhat sa pagtatago at hinanap ang kanyang Mommy. He saw her shocked at panay ang tulo ng luha sa mga mata nito. He hugged her Mom so tight at pagkatapos ay sinabihan niya ang ina na lumayo na sila sa lugar. Pero bago pa man sila tuluyang makalabas sa kwarto na pinangyarihan ng krimen ay may nakita si Sam na isang ID. An Identification card of Bob Seron, ang lalaking pumatay sa kanyang ama. He kept the ID and showed to Benj’s Dad. Then Benj Dad told him the truth. Bob Seron’s wife is obsessed with his Dad. Benj Dad told him to file a case against Bob Seron, he was doubting at first dahil hindi siya handang magtestify sa murang edad plus the fact na nawala sa katinuan ang kanyang Mommy. He doesn’t wanna make the situation worse dahil inaalala niya rin ang nakakabatang kapatid. Hanggang isang araw, handa na siyang harapin si Bob Seron ay tsaka naman niya nalaman buhat sa Dad ni Benj na patay na si Bob Seron. He wanted  Bob Seron to pay the crime he had done and he wanted to know kung saan nito itinago ang bangkay ng kanyang ama. Pero namatay ang lalaki na hindi nakita at nalaman ni Sam ang kinaroonan ng yumaong ama. He didn’t tell Nyle the whole story dahil ayaw niyang magtanim ng galit ang nakakabatang kapatid. But the fact na ang inosenting ama ang pinagbibintangan ni Devon sa nangyari sa magulang nito ay hindi kayang tanggapin ni Sam. It’s Bob Seron who did the crime not his innocent father.)

 

(Hindi naman makapaniwala si Devon sa nakita. Her Tita Charm showed her the recorded video of the crime. Sabi ng kanyang Tita Charm ang naturang camera ay pagmamay-ari umano ng ina ni Sam. Nakita ito ng kanyang Tita ng sumugod ang kanyang Tita sa pinangyarihan ng krimen. Her Tita Charm told her na nakatawag pa ang kanyang Mommy dito at naibigay ang lugar bago tuluyang nawala ang boses nito sa kabilang linya. Dali-dali umanong sumugod ang kanyang Tita sa lugar pero pagdating doon ng kanyang Tita ay wala ng tao sa paligid. Paalis na noon ang kanyang Tita ng makita nito ang isang camera. Her Tita picked up the cam at doon nakita ng kanyang Tita ang buong pangyayari. And Devon saw it. Her Dad killed her own Mom and Sam’s Dad. Napaiyak siya sa natukalasang katotohanan)

CHARM: His Dad is a victim at walang ibang may kasalanan sa nangyari kundi ang iyong ama Devon.

DEVON: Bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin ang buong katotohanan?

CHARM: Dahil ayaw kong sirain ang magandang alaala ng mga magulang mo sa iyo.

DEVON: Pero hinayaan niyong magtanim ako ng galit sa taong wala namang kasalan?!

CHARM: Kung hindi sinabi sa akin ni Fretzie ang pinaggagawa mo ay hindi ko malalaman na may binitiwan palang salita si Bob bago siya namatay.

DEVON: I hurt him Tita… nasaktan ko siya… sinira ko ang tiwala na ibinigay niya sa akin.

CHARM: You talk to him at humingi ka ng tawad. I know his Dad, Devon. Mabuting tao ang kanyang ama. It’s your Mom. He’s madly inlove with his Dad at inakit niya lang ang kanyang ama. And the day na nangyari ang krimen ay lasing ang kanyang Daddy sa kagagawan na rin ng iyong ina. Pero your Dad found out sa kinaroroonan nila. Dahil sa galit ay nagawa niya ang krimen na iyon.

(Hindi na sumagot si Devon at nagpatuloy siya sa pag-iyak at niyakap siya ng kanyang Tita Charm.)

 

(Sa bahay naman nina Sam ay napansin ni Nyle na may tinatago talaga ang kapatid sa kanya)

NYLE: Kuya, ok ka na ba? Sabi ni Benj napaaway kayo kagabi sa Bar.

SAM: I’m ok Nyle.

NYLE: Kuya, you can tell me… Hindi na ako bata na hindi maiintindihan ang mga nangyayari.

(Sam looked at Nyle and he thought it’s about time that his sister will know the truth. He told her the whole truth about their parents. He saw how his sister shed tears sa natuklasan at nang sabihin niya dito ang tungkol kay Devon ay nakita niya ang galit sa mga mata ni Nyle.)

NYLE: How could she??!! How could she do this to us?!!

SAM: Nyle?

NYLE: He ruined the trust that I gave her Kuya!!!

(Nakita ni Sam na tumayo ang kanyang kapatid)

SAM: Where are you going?!!!

NYLE: Makikita ng babaeng iyon ang hinahanap niya!!!

(Bago pa napigilan ni Sam ang kapatid ay tumakbo na ito palabas ng bahay. Nyle was quick at agad itong pinasibad ng takbo ang sasakyan. Sinundan ni Sam ang kapatid pero masyadong mabilis magpatakbo ang kanyang kapatid. He knows na susugurin nito si Devon. Naipit pa si Sam sa red light kaya naman hindi niya naabutan ang kotse ni Nyle.)

 

(Isa lang ang gustong gawin ni Nyle sa mga oras na iyon, she wanted to confront Devon sa ginawa nitong pananakit sa damdamin ng kanyang kapatid. Agad siyang nakarating sa bahay ni Devon at nagdoorbell. Nang bumukas ang pinto at iluwa ang pinsan nito na si Fretzie ay agad niyang hinanap si Devon)

NYLE: Where’s Devon?!!

(Fretzie was about to speak ng lumabas si Devon buhat sa kanyang kwarto)

DEVON: Who’s…?

(Hindi na niya natapos ang sasabihin ng makita si Nyle. Agad lumapit ang babae sa kanya at sinampal siya nito)

NYLE: How dare you?!!

(Nasapo ni Devon ang mukha)

DEVON: Nyle, let me explain…

NYLE: You have nothing to explain, alam ko na ang lahat!!!

(Akmang hahawakan ni Devon si Nyle pero itinulak siya ng babae dahilan para ma out of balance siya at bumagsak sa sahig. Agad naman siyang sinaklolohan ng pinsan na si Fretzie at siya namang pagdating ni Ivan)

FRETZIE: Ivan, ilayo mo ang babaeng yan dito!!!

(Kahit naguguluhan ay agad naman hinawakan ni Ivan si Nyle na akmang susugod kay Devon. Nanlaban si Nyle kay Ivan dahilan para mabitiwan ito ng lalaki at bumagsak sa sahig. Iyon ang naabutan ni Sam, agad niyang sinaklolohan ang kapatid na nasubsob sa sahig. Galit siyang tumingin kay Ivan)

SAM: How could you hurt my sister?!!!

(At sinuntok niya si Ivan at gumanti naman ang huli dahilan para magkagulo na sa bahay nina Devon.)

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon