Chapter 23

992 17 1
                                    

(Hindi mapakali si Devon simula ng malaman niya ang kalagayan ng ina nina Sam at Nyle. It bothered her too much kaya naman ng manood sila ng movie ni Ivan ay nasa ibang dimension ang utak niya)

IVAN: Didn’t you like the movie? Sabi ni Fretzie gustung-gusto mo daw iyon panoorin but it seems na hindi ka naman nagfocus sa pinanood natin kanina.

DEVON: Pasensiya na marami lang akong iniisip.

IVAN: Devz may problema ba?

DEVON: Wala…bakit mo naman natanong?

IVAN: Devz hindi ako manhid para hindi maramdaman na may tinatago ka sa akin.

DEVON: Wala promise!!! Hali ka na nga!!! Buy me those sampaguita flowers na tintinda ng bata!!!

(Nakita ni Ivan ang isang batang babae na nagtitinda ng sampaguita. Agad niya itong nilapitan at binili ang tinda nitong bulaklak at pagkatapos ay ibinigay ito kay Devon)

DEVON: Thanks!!!

(Umupo siya sa bench at tumabi si Ivan sa kanya. Inabala ni Devon ang sarili sa pag-amoy ng bulaklak at narinig niyang nagsalita si Ivan)

IVAN: Kailan ka pa nahilig sa sampaguita? I remembered sinabi mo sa akin noon na si Fretzie ang mahilig sa sampaguita at hindi ikaw…

(Kailan magpalusot ni Devon kaya naman ang sagot niya ay)

DEVON: I was just testing you kung naaalala mo lahat ng bagay tungkol sa atin.

IVAN: Testing me??! Wala ka bang tiwala sa akin Devz? Alam mo kung gaano kita kamahal…

DEVON: I’m sorry…

IVAN: Why don’t you tell me kung ano ang nangyayari? Alam mo bang pakiramdam ko na para akong tanga na hinuhulaan kung ano ang pinaggagawa mo. I feel like I’m useless. I’m your boyfriend pero wala akong halaga sayo.

DEVON: Ivan, I’m so sorry… masyado lang talaga akong pressured sa work.

IVAN: Then quit your job! Let’s go back to Canada…

DEVON: Pero?

(Nakita niyang may kinuha si Ivan sa bulsa nito at inabot sa kanya ang isang jewelry box)

IVAN: There is a ring inside. Kapag handa ka ng sumama sa akin, wear that ring!

(Nakita niyang tumayo si Ivan at hindi na siya hinintay nito na makapagsalita. They went back home separately at ng makarating si Devon sa kanilang bahay ay nakita niya ang pinsan na si Fretzie na nagbabasa ng magazine, agad siyang lumapit dito)

DEVON: Ivan wants me to go with him back in Canada.

FRETZIE: So?

DEVON: You know the reason why I came back diba? Now that my revenge is going well ngayon pa ba ako titigil?

FRETZIE: Is it really because that your revenge is going well or may iba pang dahilan?

DEVON: Fretz ano ba yang pinagsasabi mo?

FRETZIE: I followed you after your work and I know kung saan ka pumupunta. You have been lying to Ivan. Doing overtime work at your boss condo? Sounds interesting!! What kind of overtime work are you doing?!!

(Hindi makapagsalita si Devon dahil alam niya kung ano ang tinutukoy ni Fretzie. Nagpatuloy sa pagsasalita ang kanyang pinsan)

You are old enough Devz para malaman ang tama sa mali. Going out with your boss at his condo every after work, is it still part of the revenge? Or kagustuhan mo rin iyon?? I thought hanggang paiibigin mo lang siya?? Pero bakit parang ang nangyayari ngayon ay hindi mo na siya mahindian???

DEVON: Hindi iyan totoo Fretzie!!!!

FRETZIE: Anong hindi totoo?!!! I saw you two kissing outside his condo unit na parang hindi kayo makapaghintay na makapasok sa loob!! Gawain ba iyon ng babaeng may nobyo?!!

(Nag-init ang ulo ni Devon kaya naman hindi niya napigilan ang sarili at nasampal niya si Fretzie)

DEVON: I’m sorry… I didn’t mean to…

FRETZIE: You already did!!!

(At galit siyang iniwan ng kanyang pinsan. Napaiyak si Devon sa nangyari. It’s the first time na nagkasagutan sila ni Fretzie at ang malala pa ay nasampal niya ito. She knows Fretzie is right at siya ay wala sa katwiran. What she has been doing is hindi na tama)

(Kinabukasan sa opisina ay nagulat si Devon ng pagdating niya ay nabungaran niya si Nyle na nakaupo sa swivel chair ni Sam. Agad itong nag-angat ng mukha pagkakita sa kanya. It seems that siya talaga ang hinihintay nito)

NYLE: Maybe you are wondering kung bakit ako nandito.

DEVON: I’m not… bilang kapatid ng CEO makatarungan naman na makita kita dito anytime.

NYLE: To tell you frankly, ikaw talaga ang sinadya ko dito.

DEVON: For what?

NYLE: I know there something between you and my brother.

DEVON: And you don’t like it, right?

NYLE: Alam mong sa simula pa lang hindi na kita gusto but if my brother is concern handa akong bigyan ka ng chance.

DEVON: And why?

NYLE: Nakita mo naman siguro ang kalagayan ng Mom namin. My brother has sacrificed a lot at hindi ako ang kapatid na inaakala mong walang pakialam. All I want is my brother to be happy. At kung isa sa mga bagay na makakapagpaligaya sa kanya ay ikaw, hindi ako hahadlang.

DEVON: Nyle?

NYLE: That’s all I wanted to say…

(Nakita niyang naglakad na si Nyle palapit sa elevator at lumingon ito sa kanya sabay sabing)

Sana lang hindi mo sisirain ang tiwala ko sayo.

(Hindi nakasagot si Devon hanggang tuluyan ng naglaho si Nyle sa kanyang harapan. Pumunta siya sa kanyang desk at napabuntunghininga na napaupo sa sa swivel chair.)

Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon