2nd RIDE

215 7 3
                                    

2nd RIDE

KEITH’S POV

I'm here at Baliwanne University. Katatapos ko lang mag-enroll. Ang bilis ng process, kabibigay ko pa lang ng mga requirements ko ayos na agad. AMAZING! Pogi ko kasi.

Sa totoo lang tapos na talaga ako mag-aral. Graduate ako ng Culinary in a prestigious school in France. I accelerated many times that's why natapos agad ako. But I’m just an 18 years old guy. Nakapagpatayo na rin ako ng isang Bar and Restaurant kaya may sarili na kong income. It was established when I was 16.

Nag-aral lang ako ulit because of this girl na matagal ko ng hinahanap.

 I hired a private investigator to search for her.

Nakilala ko siya when I was eight years old.

-FLASHBACK-

10 years before

Naglalakad ako pauwi galing school. I don't have a companion, kasi yung ate ko may tatapusin pa daw na art work for a contest.

Walking distance lang naman, so I didn't bother my mom to catch me up.

Tuloy lang ako sa paglalakad nang may humarang sa dadaanan ko. Mga lalaki na mukhang bully.

Lagi akong napag-iinitan dahil mataba daw ako. Araw-araw na lang ba?

“Hoy baboy!” Ok. That hurts. Sigaw sakin nung mukhang leader. Kaedad ko lang.

“B-ba..bakit?” kinakabahan ako. They are five standing horizontally in front of me. I don’t know how to escape!

“Gusto lang naman namin ng mapaglalaruan. Nabobored kasi kami ng tropa ko. Tsaka naiirita ako sa’yo dahil ang TABA-TABA mo!” tumawa ang mga alipores niya.

Sweat starts to pop. Mukhang mabubugbog pa ata ako. Wrong timing. Wala si Ate! Bakit pa kasi hindi ako nagpasundo. Mom, Ate help me!

“Ano Boss banatan na ba?” nakangising tanong nung isang mukhan nagkakatol.

Napahakbang ako patalikod. Kailangan ko ng tumakbo.

“Sige! Nangangati na ang kamao ko.” He has brass knuckles.

Umatras ako ng paunti-unti. Tatakbo na sana ako. Pero pagharap ko may tatlong lalaking nakangisi, mukhang mga kasabwat, may mga dala pang baseball bat. Paano na ko?

 Almighty God. Help me. What to do?

Humarap ulit ako sa may leader. Lumalapit na sila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang bigat pa naman ng dala kong bag.

Nasa harap ko na sila. Hinawakan na ang magkabilang braso ko. Nagpumiglas ako, pero hinaltak ako ng leader sa kwelyo.

“Ano lalaban ka?” nanlalaking matang sabi.

“Hindi, ayoko. Please huwag mo kong sasaktan.” Natatakot na ko.

“Wala pala to Boss eh. Duwag!”

“Hindi ako duwag! Marami lang kayo!”

“Aba't sumasagot ka pa!” He raise his knuckles already. Ayan na! Goodbye Earth... Pinikit ko na lang ang mata ko na sa tingin ko magpapagaan ng sakit. Para akong tanga, wala akong ginagawa. Talagang hinihintay ko lang.

Out of ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon