THIRD RIDE
MISCHE’S POV
“AHHH! ANG WAFUUU!”
Buffering....
Loading...
“Ha?” ano bang pinagsasabi ng kabayong creature na ito? Wala naman akong nakikitang gwapo dito.Hangga’t hindi ko pa nakikita ang lalaki sa panaginip ko, walang ibang gwapo sa paningin ko kung hindi siya lang.
“Ayun oh gwapo!”
Nginunguso niya yung kung sino man na nasa tabi ng puno habang nangingisay-ngisay. Hindi ko Makita masyado dahil medyo nagmomoist na yung eye glasses ko and wala akong care dun sa tinuturo niya na gwapo dahil iilan lang ang gwapo sa paningin ko.
“Hindi naman lalaki ang tinutukoy ko kundi yung cute na asong color gray! Hindi ba’t fave ko yung ganung color sa aso? Palibhasa wala kang ibang nakikita kundi lalaki. Lalaki lagi laman ng utak mo. Ang landi-landi mo talaga kahit kelan!”
“A..aa..a..aray..Aa..aray! Ang sakit nun sis ah. Tagos yun ah.”
“Totoo naman kasi. Sabi nga nila TRUTH HURTS! Kaya dapat sanay ka na, sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos lagi ka naman nakakarinig ng katotohanan na baku-bako yang mukha mo noh.” Napahawak siya sa mukha niya. Parang maiiyak, but I know acting lang yan. “Samahan mo na nga lang ako dun sa puppy na nakita ko. Gusto kong kunin. Ang cuute!” with sparkling eyes pa yun!
“You’re so dense kasi sa mga fafa kaya kung saan-saan mo ibinabaling ang sarili mo imbes na sa lalaki.”
“Hindi pa naman kasi ako ganun katanda para maging desperado sa paghahanap ng lalaki. Kapag umabot na siguro ako ng trenta at hindi ko pa SIYA nahahanap, tsaka mo ko isama sa pagboboys hunting mo. Tsaka alam mo naman ang dahilan ko di ba?”
Malapit na kami sa tuta. Ang cute talaga! Pati yung color. Akin na yun, walang aagaw! Mukha namang walang nagmamay-ari eh. Hihihi! Kinuha ko siya sa sanga ng puno. Ang liit niya! Sarap ihagis na parang baby.
“Hi puppy! Ako si Mische. Ikaw sino ka?” Binuhat ko siya na parang baby.
Ang hindi inaasahan ay yung response niya.
“Ako si Majinbu. Penge chocolate! Kung hindi kakainin kita ng buo. Aaah!”
Dinukduk ko sa mukha nung nagsalita si puppy.
“Roberto Viceral! Zagu ka talaga kahit kelan!”
“Aaah...Don’t...Please don’t...Don’t stop...ahhh---mmm!” Using my bare hand, I shut his mouth. Hawak ko sa kabilang kamay yung puppy. Nilapag ko muna sa may bato yung envelope.
“Leche flan ka Lollipop ang laswa-laswa mo! Pinagtitinginan tuloy tayo ng mga tao. Eeer ka talaga.”
“Hmm...hmmmmm...hmm!...”
Teka parang may nararamdaman akong basa sa kamay ko.
“LAWAY! Yuck! WTeff! So disgusting!” Kadiri tong beki na ‘to. Pinunas ko sa kanya yung kamay kong may laway. Kinikilabutan ako! EEEH!
“Makapunas ka Sis wagas ah. Parang hindi tayo nag-indirect kiss. Feel na feel mo pa nga yun eh.” Pang-asar lang.
“You know it was an accident. I am forced to drink that water ‘coz I need it very badly. Tuyung-tuyo na ang esophagus ko dahil sa pagtakbo kaya nangyari ang hindi dapat mangyari.” nangagalaiti ako sa kanya nun kasi kadiri talaga siya. Nilawayan ba naman yung bote?! Sinong hindi mandidiri dun?

BINABASA MO ANG
Out of Reach
HumorA girl who is torn between two lovers. Whom will she choose? And what if nakapili na siya eh yung napili naman niya may umaangkin na... Is she too late...or not?