Forgotten Love

128 2 0
                                    

Sobrang saya kapag nahanap mo na yung taong para sa'yo...

Masarap sa feeeling...

_____________________________________________________________________________

"Hoy bakekang anong oras ka papasok bukas??", tanong ni Lance sa kin sa phone...

" Maaga pasok ko bukas Dodong, sabay tayo ah"

"Sige see you tomorrow sunduin kita, I Love You", sabi ni Lance...

"Sige I Love you too"..

Ako pala si Aya Benitez, bakekang ang tawag sa kin ng 3 years boyfriend kong si Lance, di ko alam kung bakit, maganda kaya ako, sa totoo nga isa akong beauty queen sa school namin... Third year college na pala ako, first year ako ng makilala ko si Lance, medyo may pagka-komedyante kasi siya eh pero he knows when to be serious at sobrang maalaga...

Okay naman sa parents namin ang aming relasyon, botong boto nga sila kay Lance eh, mabait kasi siyang tao, yun lang may pagka-seloso pero ayos lang sa kin yun...

_________________________________________________________^ ^_________________..

GOOD MORNING^ ^

"Good morning po tita, si Aya po ba nandiyan??"

"Ay naku Lance gisingin mo na nga yung si Aya, baka humihilik pa yun"

"Sige po"

>>LANCE's P O V<<

Lagi na lang late sa usapan namin si Aya, tulog mantika kasi eh^^ baka lumindol na lang ng magnitude 8 sa Pilipinas tulog pa din yun... Ako pala si Lance Co, ang 3 years boyfriend ni Aya, masyadong maganda si Aya kaya natakot ako ng una na ligawan siya, hindi naman siya sa mukhang monster, pero nakakatakot talaga ang kagandahan niya kaya tinawag ko siyang bakekang at ako tawag naman niya sa kin ay Dodong at di ko alam kung bakit, ayaw naman niyang sabihin...

Sige na masyado ng mahaba ang kuwento male-late na kami ni Aya.

Binuksan ko ang pinto at nakitang tulog pa rin si Aya... Mahirap kaya gisingin tong si Aya, kahit alugin mo ng alugin hindi magising...

"Aya gising na, aba lulubog na lang ulit ang araw tulog ka pa"

"Ay dodong andito ka pala bakit anong problema??"

" Hoy bakekang gumising ka na pasado alas-otso na, tulog ka pa rin may klase ka kaya ng alas nuwebe"

"Ano??!!"

Biglang tumayo si Aya, madaling naligo at nagbihis...

"Ikaw kasi Dodong bakit ngayon ka lang pumunta"

"Kasi ikaw tulog mantika..."

"Abot mo nga yung suklay.."

Inabot ko...

"Yung pabango ko please..."

Inabot ko ulit

"Yung shoes ko please.."

"Aba..."

"Dodong wag ng magreklamo, male-late na tayo"

Inabot ko na lang...

" Ay may nakalimutan ka..."

"Ano?", tanong ko kay Aya..

"Kiss ko please"

"OO nga no...", lumapit ako kay Aya...

"Oh lumapit ka kung gusto mo akong halikan"

Kiniss ko siya sa cheeks...

"Wow Viva Larasa", sabi ko...

"Naku puro ka kalokohan halika na"

Tumakbo na kami ni Aya sa kotse anong oras na din kasi at malelate na kami... Mga mag-iisang oras nakarating kami sa school...

"Naku dong bilisan natin"

Ng may narinig akong pagkulo

"Ikaw ba yung 'kang"

"Kasi nagugutom na ko"

Naglalakad pa rin kami ni Aya, may dala pala akong tinapay...

"Kasi ikaw dong eh...."

Sinubo ko sa kanya yung tinapay....

"Bilisan mo na bakekang....", muntik na kaming malate ni Aya sa klase namin buti na lang late din  ang professor namin. Magkaklase pala kami ni Aya with the same course.

Mga 12:00 na, natapos na class namin kaya mag-la-lunch na kami ni Aya sa paborito niyang restaurant...

"Dong bilisan mo mag-drive at baka may nakaupo na sa favorite seat ko"

"Opo madam"

Binilisan ko na ang pag-da-drive....

"Buti na lang Dong wala pang nakaupo"

Umupo na siya dun at tinawag ang waiter para sa aming order, habang hinahantay ang aming order kinukwentuhan ko si Aya...

"Bakekang alam mo nanaginip ako kagabi"

"Ano naman napanaginipan mo??"

"May kasama daw akong mga contestant sa Ms. Universe...."

"Hayyy naku Lance Co, nambabae ka no kaya ka nanaginip ng ganyan, naku"

"Ano ka ba masaklap nga eh"

"Bakit naman"

"Kasi ako yung nanalo"

Tumawa ng tumawa si Aya, habang nakahawak pa sa tiyan niya....

"Hahahahaha funny Dodong, you made my day", tumatawa pa din hanggang dumating na yung waiter namin...

Habang kumakain nagkukuwentuhan lang kami ng nagkukuwentuhan ni Aya, mababaw lang kasi ang kaligayahan nito kaya madaling matawa...

BUUUUUURRRRRPPPP

"Machong macho ah", sabay parehas kaming tumawa, ang saya lang nga mga araw ng magkasama kaming dalawa

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon