Chapter 5

40 0 0
                                    

Pagkagising ko na lang nasa ospital na ko, masakit ang braso ko may benda din ako sa noo, mukhang matindi yung mga sugat ko, pero di ko yun pinansin, nakita ko si mama sa tabi ko..

"Ma, nasan si Aya??"

"Ahh Lance, sabi  ng doktor magpahinga ka raw muna..", tumayo ako sa kama " Lance wag ka daw munang babangon"

"Ma, nasan si Aya, kailangan kong makitang okay siya.."

"Pero Lance...", di ko na pinansin si mama tumakbo ko palabas ng kuwarto tapos nagtanong ako dun sa nurse na nakasalubong ko, "Nurse nasan dito yung room ni Ms. Aya Benitez, yung biktima nung car accident"

"Ay dun po sir sa room 258", agad akong tumakbo sa room 258, para makita si Aya pagbukas ko ng pinto nakita ko si Gino, kasama ang mga magulang ni Aya at doktor.

"Ahhh hindi pa natin sigurado kung kailan magigising ang anak niyo, matindi kasi ang naging epekto sa kanya ng aksidente", sabi ng doktor, umiiyak ang mommy ni Aya habang nakayakap sa daddy niya..

"Ah tita okay lang po ba si Aya, kailan po ba siya magigising??"

"Walang hiya ka Lance, matapos ang lahat may lakas na loob ka pang pumunta dito dahil sa'yo nakaratay ngayon diyan ang anak ko, pinagkatiwalaan kita, pero sinira mo Lance, umalis ka na dito at wag na wag kang babalik dito at sa buhay ng anak ko", sabi ng mommy ni Aya habang umiiyak..

"Pero aksidente po yun...", pagtatanggol ko, pero itong Ginong to sumisipsip pa sa mommy ni Aya at pinapaalis ako, "Pre wag ngayon sige na umalis ka muna",sabi niya.." Pero ako ang boyfriend niya", sa huli umalis na din ako baka kasi mag umigting pa ang galit ng mommy ni Aya sa akin.

Mga isang linggo din ang lumipas bago nagising si Aya, syempre pumunta ako sa ospital para makita si Aya, pagpasok ko ng kuwarto andun si Gino at mga magulang ni Aya, laking gulat ko kasi yakap ni Aya si Gino..

"Mahal na mahal kita Gino", sabi ni Aya...Kaya lumapit ako na may luha ang mga mata...

"Aya!"

"Sino ka??"

"Aya naman oh nagbiro ka pa, sa drama ko lang yan nakikita eh"

"Sino ka?? Di kita kilala, Gino sino siya??"

"Aya tama na, di magandang biro yan ah", kaso seryosong seryoso ang mukha ni Aya nakaka-kaba ang pakiramdam, " Uy Aya ako to Boyfriend mo..."

"Boyfriend?? Pero si Gino ang boyfriend ko, sino ka ba?? Ma!!", sabi ni Aya...

"Dok ano pong nangyayari sa anak ko??" tanong ng mommy ni Aya sa doktor, " Your daughter is suffering in Anterograde amnesia, hindi niya maalala ang mga bagong pangyayari sa buhay niya, natatandaan niya lang ang mga tao at mga pangyayari sa nakaraan niya", sagot ng doktor..

"Mommy paalisin mo yang lalaking yan...."

"Aya ako to si Dodong mo", pero pinaalis pa rin ako ng mommy ni Aya nagpupumilt ako pero di pa rin sila pumayag, mas makakabuti daw kasi yun para kay Aya, kaya sinunod ko na lang sila..

Lumipas ang isang buwan, nakarecover na si Aya pumapasok na din siya, pero ako hindi pa rin niya ako ma-alala, hindi niya ma-alala na ako ang mahal niya, alam niyang si Gino ang boyfriend niya, kaya ng minsan makita ko si Gino sa gym kinausap ko siya...

"Gino layuan mo si Aya"

"Bakit naman Lance, eh ako ang boyfriend niya"

"Noon, bakit kasi hindi mo sabihin ang totoo sa kanya bakit natatakot ka ba??"

"Sa'yo??hahahaha, at kahit sabihin ko naman ang totoo kay Aya hindi ka pa rin niya ma-a-alala"

Napikon ako, kaya di rin natapos ang usapan namin nauwi lang yun sa bugbugan.. Bukas monthsary na namin ni Aya, pero di ko alam kung paano ko to i-ce-celebrate, pero meron na kong brilliant idea, kung hindi ma-alala ng isip niya puso niya, sigurado makakaalala..

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon