Today ay monthsary namin ni Aya, at nagplano na ko para makasama siya, syempre I'll make a way para makasama ang taong mahal ko, kaya habang papasok si Aya dinukot ko siya tapos sinakay ko sa new car ko...Namimiss ko na kaya siya, pano matapos nung aksidente pinalipat siya ng mommy niya ng section kaya di ko na siya laging nakikita o nakakasama... At naghanda ako ng isang performance para sa kanya at isa na ding video
"Hoy lalake ikaw na naman, sino ka ba talaga"
"Basta ipapaalala ko sa'yo na minsan sa buhay mo nagmahal ka ng taong katulad ko"
"Ano?? Stalker ka ba?? Ibaba mo na ko may boyfriend ako?? Please"
Pero hindi ko pinansin si Aya, dinala ko siya sa isang memorable place na hinding hindi ko makakalimutan, sa Quezon City Circle, syempre dun niya ko sinagot eh...
"Nasan ba tayo??"
"Di mo ba naaalala, dito mo ko sinagot noh" tapos umupo ako dun sa bench kung saan kami umupo bago niya ko sagutin, "Halika upo ka"
"Ayoko ibalik mo na ko, stranger ka!!!", sabi ni Aya, pero hindi ako nagpadaig hinila ko siya para umupo sa tabi ko...
"Hindi mo ba naririnig Aya"
"Wala akong pake"
"Sabi ng puso ko YA TIGIDIG TIGIDIG, tignan mo pati puso ko napapatigidig pag kasama kita"
"Joke ba yun..."
Tapos umalis din kami dun sa circle, tapos pumunta kami sa resto kung saan namin ci-nelebrate ang aming 3rd year anniversary, syempe dala dala ko ang bola na regalo niya sa kin na may picture naming dalawa...
"Natatandaan mo ba 'to, ito yung bolang binigay mo sa kin nung 3rd year anniversary natin sabi mo pa nga ingatan ko to eh"
"Hindi pasensya halika na umalis na tayo"
Umalis na kami pero may huli pa kaming pupuntahan, dun kung saan huli kaming nag-celebrate ng monthsary namin, bumaba siya at nakita niya yung karwahe..
"Sakay ka na"
"Ayoko"
"Sige na", pero sumakay din siya dahil sa pamimilit ko...
"Aya, anong sabi ng pusa sa aso??"
"Wala akong paki..."
"Ang KJ naman nito", tapos kiniliti ko siya pero nagtaray mukhang hindi ata siya natuwa
"Sige manahimik ka lang, oh ano??"
"Edi I meow you hahahahaha" pero hindi ata natuwa si Aya.."Eh alam mo ba ang sabi ng puso ko Aya, edi I Love You" tinulak ako ni Aya tapos tumakbo siya palayo kaya sinundan ko siya, hinabolo ko si Aya, hanggang sa makarating na kami ng highway, may paparating na kotse at masasagsaan si Aya, kaya tinulak ko siya, pero napalakas ata kaya nakita kong nauntog siya, ako naman nahagip ng sasakyan, nakita kong lumapit si Aya....
"L--l-l-lance okay ka lang ba??"
"A-----ya naalala mo na ba ako??"
"Oo Lance, wag kang susuko hahanap ako ng tulong"
Pinikit ko na yung mata ko, sapat na siguro na naalala ako ni Aya, sapat na siguro na alam ko na mahal pa rin niya ko, tapos hindi ko namalayan ang mga sumunod na pangyayari...
BINABASA MO ANG
Forgotten Love
Teen FictionAya, hello sana pag napanuod mo to maalala mo na talaga ako hahahaha nakakatawa nga eh, pero gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal na mahal kita, kahit makalimutan ako isip mo sigurado ako maalala ng puso mo.....