Chapter 1

44 1 0
                                    

>> AYA's POV<<

Mahirap makahanap ng boyfriend mo na, bestfriend mo pa pero ako nahanap ko si Lance hindi man siya ang ideal guy ko (6 ft. guy) siya naman ang past, present at future ko^^. Masaya ako kay Lance bukod sa gwapo na, matalino pa, at mabait. Wala ka ng hahanapin pa...

Ngayon ang monthsary namin ni Lance, at susunduin niya daw ako mamayang mga 6 pm kaya ako naghahanda na, pumunta ako sa mall para bumili ng regalo kasama ang bestfriend kong si Lorena...

" Best, ano bang i-re-regalo ko kay Lance??"

"Ahhh couple ring siguro friend, uso kasi yun eh, Pak yun sigurado"

"Talaga sa tingin mo, eh kung basketball ball na lang kaya"

"Yun yung niregalo mo sa kanya last monthsary niyo di ba"

"Eh pabango na lang kaya"

"Grabe friend parang di naman pinag-isipan"

"EH......", bago pa ko matapos sa sasabihin ko may tumawag sa kin...

"Aya", lumingon ako para makita kung sino yung tumawag sakin...

"Si Gino", sabi ni Lorena...

Nagulat ako, kasi si Gino ay ex-boyfriend ko, mga dalawang taon din kami nagtagal siya ang nakipaghiwalay pano umalis siya papuntang States at mahirap daw ang long distance relationship, Weh?? palusot niya lang yun kasi kung nagmamahalan talaga kayo, kahit ilang bansa pa ang pagitan niyo walang dahilan para maghiwalay kayo..

"Oh Gino?!", sabi ko na may pagtataka

"Yes Aya, bakit para kang nabigla??", sabi ni Gino

"Di ba nasa States ka??"

"Ano ka ba andito na nga ako sa harap mo"

"Ahhhh, sabi ko nga... May boyfriend na ko"

"Di ko tinatanong.."

"Three years na kami..."

"Di ko tinatanong"

"Mahal ko siya"

"Aya ang weird mo, ilang taon lang tayo di nagkita para ka ng adik"

"Ayyy Sorry Gino"

"May boyfriend ka na pala"

"At ngayon ang monthsary namin", ano ba yan Aya hindi mapigilan ang bibig, hindi ko maintindihan kung bakit ko sinasabi ang mga bagay na to kay Gino, baka siguro dahil sa ginawa niya sa kin...

"Hahahaha ang weird mo Aya, monthsary niyo pala ngayon well happy monthsary sa inyo, nakakamiss ka tuloy........."

"Wag mo ng ituloy Gino", pagputol ko sa kanya...

"Huh??"

"Wala sige alis na kami ni Lorena", umalis na kami ni Lorena ayoko kasing kausapin si Gino kasi naiinis pa rin ako sa kanya...

"Bakit mo naman ginanun si Gino friend", sabi ni Lorena...

"Di ko rin alam best eh"

"Mahal mo pa ba siya??"

"Ano ka ba Lorena??!! Kaloka ka naman nag-move na ko no tsaka mas mabait si Lance no, alam ko di niya ko iiwan"

"Bitter ka ah, halika na nga at bumili na tayo ng gift mo"

Hindi ko alam kung dapat ba ko matuwa o mainis na bumalik na dito si Gino, basta ang alam ko ayoko siyang makita o makausap...

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon