Binalik ko agad si Lance sa ospital, sobrang nagmamadali na ko...
"Tulong Dok, tulungan niyo po si Lance"
Pero huli na ang lahat wala na si Lance, wala na yung taong pinakamamahal ko wala na yung taong nagpapaalala na minsan sa buhay ko nagmahal ako ng isang tulad niya, wala na si Lance, wala na si Dodong,wala na ang taong minahal ko noon, minamahal ko ngayon at mamahalin ko...
Pagkatapos ng libing ni Lance, bumalik ako dun sa lugar kung saan namin huling cinelebrate ang huli naming monthsary, tapos may nakita akong DVD kaya pli-nay ko siya....
"Aya, hello sana pag napanuod mo to maalala mo na talaga ako hahahaha nakakatawa nga eh, pero gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal na mahal kita, kahit makalimutan ako isip mo sigurado ako maalala ng puso mo, ang kengkoy na tulad ko na nagpasaya sa puso mo hahahaha baduy ba pasensya na ah pagtiyagaan mo na lang ah sorry, gusto ko lang malaman mo na maalala mo lang ako masaya na ko, malaman mo lang na mahal mo pa ko okay na yun"
Biglang tumugtog yung kanta na kasama kang tumanda, tapos nagsimula ng lumuha na naman ang mga mata ko, tapos nung kukuhain ko yung panyo ko sa bag may nakita akong letter galing kay Lance...
"Aya, salamat naalala mo na ko yun lang naman yung inaantay ko eh, at least bago ako mamatay alam kong mahal mo pa din ako, gusto kong malaman mo na pinapalaya na kita, hindi ibig sabihin nito hindi kita mahal, kasi kung may salita pang titindi sa mahal ganun ang nararamdaman ko para sa'yo pinapalaya kita para makahanap ka na ulit ng taong muling mag-aalaga sa'yo, magmamahal at syempre tatawag sa'yo ng bakekang, sinnadya ko na wag na magpagamot sa doktor hindi ko na rin kasi kaya Aya, sana maintindihan mo, I LOVE YOU
<3 Dodong"
_____________________________________________________________________________
Sampung taon na din ang nakalipas mula nang mamatay si Lance, pero parang kahapon lang lahat naganap siya nga pala Doktor na ako, nag-doktor ako para maligtas ko ang buhay ng mga tao para hindi niya iwanan ang mga taong nagmamahal sa kanya...
Sabi nila ang isip daw nakakalimot, pero and puso hindi; walang duda yan kasi kahit makalimot man ang isip mo, hinding hindi naman makakalimot ang iyong puso.
BINABASA MO ANG
Forgotten Love
Teen FictionAya, hello sana pag napanuod mo to maalala mo na talaga ako hahahaha nakakatawa nga eh, pero gusto ko lang sabihin sa'yo na mahal na mahal kita, kahit makalimutan ako isip mo sigurado ako maalala ng puso mo.....