Chapter 6

7.3K 223 7
                                    

"Bakit ka nandito?" tanong ni Anya ng makita sa labas ng building ng gallery si Robbi.

"Sinusundo ka. Alam ko namang alas-singko talaga ang labas mo sa gallery ni Madame Ana," sagot nito. "Tyaka wala ka ng halos tatlong araw kasama 'yong mayaman mong kaibigan. Kaya sana gusto naman kitang makasamang mag-dinner ngayon!"

She smiled pero dali-dali rin niyang hinila palayo ng building si Robbi bago pa may makakita sa kanila. "Doon na lang tayo sa lagi nating kinakainan! Libre na kita kasi wala akong nabiling pasalubong sa'yo," she said and stopped at the bus stop.

"Okay! Syempre gusto ko don," sagot nito. "K-Kamusta naman ang Korea?" nag-aalangang tanong nito.

She smiled at ipinakita dito ang isang silver necklace with a leaf pendant. "Ang ganda ng Korea. Autumn is even better in real life. This is a necklace for remembrance. So that I can always bring autumn with me."

He smiled pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. "Galing ba 'yan sa mayaman mong kaibigan?"

Kitang-kita ni Anya kung paano nalukot ang mukha nito. "He's really nice," depensa ni Anya.

"Kakakilala lang ninyo, Anya. Hindi natin alam kung ano talaga ang pakay niya sa'yo," saad nito.

"Mabait siya sakin and I like his company," she declared.

"Oo, kasi natural, may gusto siya sa'yo."

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano naman ngayon sa'yo?"

"I'm just saying mag-ingat ka sa kanya. Hindi mo pa siya lubos na kilala," Robbi emphasized.

Tumingin si Anya sa papalapit na bus, not minding what he's saying.

"O baka naman gusto mo talaga ang atensiyon niya. He's a Montenegro, after all," wika ni Robbi.

Her jaw dropped sa sinabi nito.

"He's an easy way out to your hard life," mapait na wika nito.

Nainsulto siya sa sinabi nito. Probably because there was a hint of truth in it. For the past days na kasama niya si Xavier, ito ang tumatakbo sa isip niya. She grew up in a struggling family and Xavier made her experience the finer things in life. Ipinadama din nito kung paano hangaan ang isang artist na kagaya niya.

"Wala kang pakialam sa ginagawa ko. This is my life," ganting wika niya sa binata and left him at the bus stop paakyat ng bus. Inis na inis siya sa kaibigan ng gabing iyon.

***

PRESENT

Memories of Robbi still haunt her in her waking life. Kahit na isang taon na ang nakakaraan simula ng huli silang magkita... pagkatapos ng mga nangyari sa pagitan nila.

"Ms. Anya," humahangos na tawag ni Mia, her secretary, pagkapasok nito sa opisina niya.

"What's wrong? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya at napatayo mula sa swivel chair. Kasalukuyan kasi siyang nag-aayos ng isang exhibit next month. Nagbe-brainstorm na rin siya para sa project niya with Mr. Drew Lee.

"Si... Si Sir Xavier nasa baba po, hinahanap kayo. Mukha pong galit na galit-" And Mia never got to finish her sentence dahil biglang pumasok sa opisina si Xavier.

He looked like he could kill someone. Gulo ang necktie nito. His coat was slumped on his shoulders.

"Xavier," bati ni Anya at nilapitan kaagad ang asawa, touching his right arm in worry.

"May kinalaman ka ba sa paglabas niya sa kulungan?" diretsong tanong ng binata.

"What?" gulong-gulong tanong niya sa asawa. "What are you-"

"Huwag ka ng magmaang-maangan pa. Just tell me kung may kinalaman ka sa paglabas sa kulungan ni Robbi. Did you bail him out of jail?" galit na galit na tanong nito.

Nagulat siya sa sinabi nito at halos hindi makapaniwala. Her jaw fell at biglang nanlamig ang buo niyang katawan sa takot. It was like the trauma was creeping up to her again. "Nakalabas siya?" nanginginig na tanong niya.

Tumango-tango si Xavier. "Apparently, he did. At nasa opisina ko siya kaninang lunchtime. He fucking visited me in my office!"

"I... I didn't know."

"Mia, leave us," utos ni Xavier sa sekretaryang nasa likod nila. Mia quickly left at isinarado ang pinto.

Napaupo sa couch si Anya sa narinig.

"Siguraduhin mong hindi ikaw ang naglabas sa kulungan sa lalaki mo or else, I do not know what I'd do to you!"

She exhaled in anger and looked at him. "Why would I do that!"

Xavier sat down across her. "You tell me!"

"He tried to rape me, Xavier!" sigaw niya. "Maniwala ka sa'kin. Hindi ko ginusto ang anumang nadatnan mo noon sa amin." There was pain in her voice. She badly wanted him to believe her. Pero alam niyang he was already too close-minded to hear her pleas.

Her palms were sweating at nanginginig ang mga kamay niya. Hindi pa rin nawawala ang takot at trauma na nakuha niya matapos ang lahat ng mga pangyayari a year ago. All the consultations from a well-known psychologist were nothing.

There was a hint of regret in Xavier dahil sa mga salitang binitiwan niya.  "He tried to kill me and you tried to save him, Anya," mapait na ganti nito.

"Alam mo, walang patutunguhan ang pag-uusap nating 'to. You can go now. I need to call my lawyer." She stood up at akmang kukunin ang smartphone niya sa desk niya when he  pulled her to him.

Mahigpit siyang hinawakan nito sa magkabilang braso. "No need. I hired bodyguards to be with you twenty-four-seven. You'll be safe. At oras na malaman kong nakipagkita ka sa lalaking 'yon, I might just forget there's a God and play god myself by killing him."

"I-I don't need bodyguards, Xavier," pagtutol niya. She tried to get away from his grip on her shoulders pero mas malakas ito.

"I won't repeat what I just said, Anya. You'll do what I want. I am your husband. Sana maalala mo 'yon this time."

She was just looking back at him, at his eyes that spoke of anger and betrayal... and pain? Hindi niya alam kung tama ba ang nababasa sa mata ng asawa. Why is he in pain?

"I know you just married me for my money but I hope this time, you'll choose me over him, Anya." Iyon lamang at lumabas na ito ng opisina niya. She was left to herself, wondering how her life has become this much of a mess!

****

VOTE, LIKE and COMMENT if you want me to update thisssss!!! ✨✨✨ Thanks for all the support, guys.

Bumoto po tayo ng tama sa election!!! OTSO DIRETSO + Colmenares!!!!

The Gold-Digging Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon