After It Happened

163 3 1
                                        

Crush rin naman kita. Sana okay lang. :)

PAAAANOOOOO?!

Nababaliw na ako sa kaiisip.

Maygaash Yesh! Sa lahat ba naman ng kabobohan na pwede mong gawin?

Hindi ko nga alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon.

Siguro kilig sa reply nya?

O hiya? Dahil magtetext na nga lang ako, wrong send pa. Buti sana kung yung wrong send na hindi ko chinika sa kaibigan ko ang kalandian ko mayghaaaad.

Pero kung iisipin, parang mas more on kilig diba? Eh kasi sabi nya, TANGINA CRUSH NYA RIN AKOOOOO!

Kinuha ko ulit ang phone ko. Nagsimula ako mag compose ng message.

5 minutes after...

Grabe na talaga tooooo! Malala na to. Limang minuto na akong nakatitig sa phone ko pero wala parin akong nagagawang matinong reply.

Eh ano ba kasi ang dapat isagot sa ganung reply?

Hmm baka dapat tawagan ko nalang. Kaya siguro di ako makagawa ng magandang message kasi dapat itawag ko ito.

Baliw na talaga ako.

Pero ano naman ang sasabihin ko sa kanya? Baka makulitan lang sya dahil tumawag pa ako. Tsaka naisip ko lang, paano kung joke lang naman pala yung reply nya? Diba?!

Si Leah!

Tama!

Si Leah ang dapat kong tawagan. Siguro naman may maipapayo sya sa akin.

Open Contacts

This time, sisiguraduhin ko na talaga na si Leah ang tatawagan ko.

*troooot**trooot*

Your account balance is insufficient. To complete this call, please reload your account first.

Ay talaga?! Ganuuuun?

Grabeng tadhana! Una, na wrong send ako sa crush ko habang chinichika ko sa bestfriend ko ang kilig moments ko. Then nagreply sya ng nakakabaliw na message. Tapos ngayon, WALA NA AKONG LOAD?!

Alam nyo yung parang imposible yung timing pero nangyayari talaga?

Sinubukan ko ulit na magtext, pero wala talaga. Na expire na pala ako, hindi man lang ipinaalala sa akin ng maaga ni 7210.

Wala pa namang malapit na tindahan ng load dito. Tsaka kung lalabas pa ako baka maabutan na ako ng curfew ng apartment. Ibig sabihin, magdudusa muna ako ng magdamag lang naman. Hihintayin ko nalang ang mangyayari sa akin bukas. 

wow.

Aay, Wrong Send!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon