Papuntang Langit

157 4 0
                                        

i. Papuntang langit

"Good morning sayo kaibigan kong long hair!" Pabulong na bungad sa akin ni Leah.

"Good morning rin sayo panget!"

Pabulong ko ring sagot.

Nagsusulat kasi si Ma'am sa board kaya nakadaan ako sa second door in ninja style. Dalawa kasi ang pintuan ng room namin.

Agad ko namang hinanap si Tyler at hi-tech na tracking device tong mata ko kaya agad ko syang nakita. Alam nyo kasi, walang maayos na upuan yang si Tyler. Palipat-lipat, palibhasa friendly. Kaya pahirapan rin sa paghahanap tuwing umaga.

"May utang ka sa akin na chika ha."

Utang talaga?

"Anong chika?"

Pero teka... Hindi ko naman sya nasabihan ng kahit ano kagabi ah. Well, sasabihan ko sana sya pero yun nga, na wrong send ako. Hindi rin ako ng online kasi sayang ang load ko na naexpire rin naman pala.

"Omg paano mo nalaman? Wala pa akong nasasabi sayo ah"

"Oo nga.." Sagot nya at agad kinuha ang phone nya. "Pero pakiexplain to. Kasi alam mo, nasamid ako ng bonggang bongga ng mabasa to"

Pinakita nya sakin ang conversation nila ni Tyler. At believe it or not, ganito ang convo nila:

Hi Leah!

Uy hi rin Tyles!

Kasama mo si Trish?

Trish?

You mean Trisha Cruz?

Yep haha

kasama mo?

Yung bff ko na si Trisha hinahanap mo?

Parang ganun na nga

Ahh hahaha sorry Tyles diko sya kasama

Alam mo kung nasan sya?

try mo hanapin sa puso mo.

hahahaha langya

joke lang. Baka nasa apartment nya. Bakit?

Wala lang hehe. May sasabihin kasi sana ako kaso di na sya nagreply

Ohmy talaga?!

I mean, try mo ichat sya

Offline kasi sya

Siguro...

bukas nalang. Tnx Leah

yaahh No problem

After ko mabasa yun hindi ko alam kung saan na banda ang heart ko. Feeling ko nasa tyan ko na. Grabeee parang kasing pula ko na ang bagong sexy matte lipstick ni Ma'am.

Tumingin ako sa kanya at this time, nakita ko syang nakatingin sakin at nagsmile. Di ko na talaga na take kaya umiwas ako agad at nag try na magfocus sa discussion.

Wala nang mas hihirap pa kaysa sa pagtry na magfocus sa discussion habang pinipigilan ang sarili mong magwala.

Lunch

"Bilis na Leah! Gutom na ako." Pagrereklamo ko. Para lunch lang eh, kung maka pulbo at suklay naman to!

"Ehh baka kasi makita ko ang crushie ko. Paano nalang kong haggard ako tingnan. Wapoise, nakakahiya" sabi nya habang naglilip-balm.

"Ghaaad Leah! Kahit ano pang gawin mo, di ka mapapansin nun." Gago, gutom na c me eh. Ayan, savage!

"Harsh much?" Sabi nya habang nagpeperfume. "Speaking of.. may gustong kumausap sayo oh! Ohmyyy una nalang ako sa canteen. Bye~"

"Uy teka! Leah ano ba!!"

"Enjoy beshie"

"Bilhan mo na ako ng lunch ha. Bayaran kita promise!" Pasigaw kong sabi.

"Hey Trish.."

TRISH! Oh sh*t. Tell me its not him. Please tell me. Kasi baka magmelt ako dito bigla.

Lumingon ako, at nakita ko sya.

Ok ngayon, tinatry kong hindi magmelt.

"Oh-- ano hehe-- hello!" Buti at na manage kong masabi yun. Gosh, ang awkward ko.

"May kasa-- oh right. Pwede ba tayong mag-usap?"

"Nag-uusap na tayo."

Hoy Trish! Kahit nagiging savage ka pag gutom, si Tyler yang kaharap mo uy! Pabebe ka naman!

"Im asking you to have lunch with me" natatawa nyang sagot.

Ay ganun? Pwede daw bang makipag-usap tapos ngayon maglulunch? Hi-tech rin pala to eh.

"Ha? Sabi mo kung pwede tayong mag---"

Oh well, hindi man lang ako pinatapos at hinila ako papuntang langit. Jooooke. Hindi ko talaga alam kung saan kami papunta basta hinila nya nalang ako.

Siguro sa rooftop? Kasi ganun naman minsan sa watty

O sa tabing dagat kagaya sa mga kdrama

O sa .... Omooo di pa ako ready!!!

Aay, Wrong Send!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon