"Ano ba Yesh? Kanina ka pa nakangiti eh, pwede ba.. magseryoso ka naman! CAT na ang next subject natin eh.." saway ni Leah sakin.
"Ha? Ako, nakangiti? Di kaya!!" sabi ko.
Alam ko naman na totoo yun. Indenial nga lang ako. Hahaha!
Eh, sino ba naman ang hindi? Kaninang umaga, grineet kasi ako ni Tyler. Sya ang crush ko since then. 4th year na ako ngayon at classmate ko lang naman sya. Di naman talaga nya ako ginigreet tuwing dadating ako sa umaga. As in, dedmabels ako sa kanya...
Pero kaninang umaga, habang naglalakad ako papunta sa room nakita ko sya sa malapit sa window. At nung bubuksan ko na sana ang pinto, bigla nagbukas 'to at doon ko nalaman na sya pala ang nagbukas nito para sakin. Tapos sabi nya pa, "Good Morning Trisha!"
Now tell me? Sinong di kikiligin?!
"Hoyy! Trisha! Alam ko naman na excited ka na dahil CAT subject na ang susunod at makikita mo ulit sa harap yang si Tyler.. Pero pwede ba, magseryoso ka! Wag kang magsmile ng smile dyan!! Baka mapanishan ka naman ng wala sa oras nyan!!" sabi ulit ni Leah.
Okay.. CAT officer rin kasi si crushie Tyler. Oh diba? Sya na! Sya na talaga!
"Ha? Hindi naman ako nakasmile no, seryoso kaya ako dito! At never akong magpapa-punish sa harap ni Tyler. NEVER! Baka ma turn-off sya sakin!" sagot ko.
"Eto oh.. (umaarte syang may pinapatong na korona sa ulo ko) Award dahil nanalo ka bilang Ms. Indenial at Ms. Malandi ng taon!!" sabi nya sabay talikod na pang-army diretso palabas. Papunta na kasi kami sa extension ng building dahil doon ang CAT room namin.
"Uyy, Leah! Wait lang.. wag mo akong iwan!! Ano ba! Mabigat tong koronang pinatong mo sakin ha!" pabiro kong sigaw.
***
Lunch.
Naka-pila kami ngayon ni Leah sa canteen. Syempre, bibili kami ng lunch namin. Sa room lang kami kumakain ng lunch dahil masyadong maraming tao dito at sobrang init paaa. SINONG NAKAKARELATE?
Pero tadhana nga naman oh! Ez diz iben real?!
Nasa harap ko pa si Tyler at mga kaibigan nya. Sooo magkasunod lang kami sa pila.
"Uy, Trish, Leah! Andyan pala kayo!" bati ni Tyler sa amin.
Holy xhiet. BINATI NA NAMAN NYA ACCOEH!!
Humarap ako kay Leah, sobrang nagbublush na siguro ako. >_<
"Aah, Oo Tyler! Andito kami. Diba TRISH? Andito tayo, DIBA?" Medyo sarkastikong sagot ni Leah. Siguro pinaparinggan nya ako.
"Trish! Anong problema? May sakit ka ata? Parang namumula ka eh." tanong ni Tyler sakin with matching hawak sa shoulders. Napansin nya pa ako jusq po.
"Hahaha, wag mong pansinin yan, Tyler.. kini---" pinutol ko na ang sasabihin ni Leah.
"Ah, di.. Ano.. Ok lang ako, mainit lang kasi dito sa canteen ha ha ha. Oo, andaming tao eh! Oo." sagot ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/28876828-288-k146464.jpg)
BINABASA MO ANG
Aay, Wrong Send!
Teen FictionMinsan ka nga lang magtext, WRONG SEND pa! [Short story] ~completed