Flowers and Rust

154 4 0
                                    

Hawak nya parin yung wrist ko at naglalakad parin kami.

"Teka, san ba tayo papunta?"

Di parin sya sumasagot pero nakangiti lang sya. Medyo nakikita ko kasi yung mukha nya.

"Uy, teka.. Aray."

Nabitawan nya yung kamay ko.

"Shit, masakit ba yung pagkahawak ko?" nag aalala nyang tanong.

Hahahaha sa totoo lang, oa acting ko lang yun.

"Hahaha joke lang, di ka kasi sumasagot." ngumiti ako.

Napabuntong hininga sya.

"Akala ko pa naman, nasaktan na kita kahit di pa naman nagsisimula."

"Ang alin?"

"Ay hahaha. Dun tayo." Sabi nya at tinuro nya yung green house garden.

Luma na ito, pero parang ito yung mas nagpapaganda ng lugar eh. Yung puting pinto nito na halos puno na ng alikabok at stall na kinalalagyan ng hinilerang halaman. Marami rin veins na pumupulupot dito. Wala rin masyadong tao dito kasi may isang mas malaking green house garden sa harap ng building. Dun tumatambay yung ibang gustong i-feel ang nature.

Pagkapasok namin, dun ko lang naramdaman ang awkwardness. Nakakahiya talaga yung kalandian ko kagabi eh.

"Uhmm..." Shet mas lalo pang naging awkward.

Ano na?

"Trish. About dun sa kagabi..."

"Ay nako hahahahahaha na gets ko naman T-tyler. Hashtag joke joke joke." Kahit ano nalang talagang maisip kong sabihin, sinasabi ko na talaga eh.

"Hahahahahahaha cute mo. Gusto ko lang sabihin na, totoo yung reply ko sayo."

"Yu--"

"Pwede ba, patapusin mo muna ako kasi nakakahiya talaga mag confess. Crush rin kita Trish. Gusto kita. Di ko nga alam kung paano sabihin sayo lalo na't nadadalawan ako ng hiya pag lumalapit sayo. Napaka cute mo lalo na pag nahihiya ka, yung namumula yung pisngi mo. Tapos masarap ka rin kasama kasi nakakatawa ka. Matalino... Mabait. Tapos mas marami pang bagay na nagustuhan ko sayo. May isang beses na desidido na talaga akong lapitan ka, kaso narinig ko na may crush ka raw mula sa ibang section kaya nawalan ako ng lakas ng loob,"

Oo, inaamin ko, marami talaga akong crush. Yung halos bawat section, meron talaga. Pero, bumabalik at bumabalik parin lahat sa kanya. Charot!

"Kaya nga nung tinext mo ako, di talaga ako makapaniwala. Akala ko nga nababaliw na ako kasi kung ano-ano nalang nababasa ko. Pero totoo yun. Kahit na wrong send ka, atleast nalaman ko na may chance ako. Then I took the chance to say what I have been dying to say ever since. Sobrang saya ko talaga Trish. At kahit ibang Tyler pa ang ibig mong sabihin sa text na yun, okay lang. Ay hindi, hindi pala okay, kasi gusto ko ako lang yung Tyler na yun. Sana ako nalang.

Parang ang gulo ata ng mga pinagsasabi ko. Parang nagrarambol na kasi yung utak ko ngayon. Pero isa lang naman talaga ang gusto kong sabihin sayo, gusto kita Trish."

Amputek!

Naluluha ako sa kilig, anu ba!

Wala pang nag confess sa harap ko ever since. And shet yung crush ko pa mismo.

"Uhmm..."

Tinitigan ko lang yung mata nya. Kumikislap yun. Ang sarap hawakan yung mukha nya kaso parang nabato naman ako dito. Hindi ako maka isip ng kahit ano. Pero at the same time, nangngatog rin ang mga binti ko.

"Ano? Ang dami mong sinasabi kanina, tapos ngayon, wala ka namang imik."

"Eh kasi.."

"Ano, friendzoned ba ako? Magsalita ka naman."

"Ano bang... dapat kong sabihin?"

"HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA" humalakhak sya bigla.

Ako ba, pinagloloko ng kumag na 'to?

"Ba't ka tumatawa?" Tumaas yung isa kong kilay.

"HAHAHA ang cute mo lang kasi. Sobrang cute. Ay mali, sobrang ganda. Actually, okay na kahit wala ka nang sabihin.

Forgive me, but i've been dying to do this too."

Hinawakan nya yung magkabilang balikat ko at hinila ako papunta sa kanya. Sinalubong nya ang mga labi ko ng labi nya.

Shet. Totoo ba 'to?

Tell me, hindi ako nanaginip diba?

Diba?!

Diba?!

Kasi kung ganoon nga, kahit ma coma pa ako, okay lang.

Aay, Wrong Send!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon