Prologue

4 0 0
                                    

Sabi nila masaya maging prinsesa, kasi na sa'yo na ang lahat, magandang tahanan, magagarang damit at gamit, at siguradong buhay pag-ibig, yung tipong 'they live happily ever after'.

Prinsesa ako, pero hindi ko naman gusto ito...

Sa aming palasyo ako ang palaging second option, ako ang prinsesang itinago ng mga magulang ko sa lahat, and I think that I'm the Invisible Princess.

Simula nang magkaisip ako kasama ko ang aking nakatatandang kapatid na babae sa mga aralin kung paano gumalaw at umakto ang isang tunay na prinsesa. Simula sa pagtindig at paglakad, sa paggamit ng mga kubyertos, sa pakikipag-usap, sa pananamit, at higit sa lahat sa pakikitungo sa mga tao...ang huling nabanggit ay hindi ko kailanman nagawa sapagkat minabuti ng aking amang hari at inang reyna na huwag akong ipakilala sa mga nasasakupan ng aming kaharian, tanging mga piling taong pinagkakatiwalaan lamang ng hari at reyna ang nakakaalam na nag-eexist ako sa mundo...

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nila ginawa iyon ngunit iginagalang ko iyon dahil alam ko naman na may malalim silang dahilan.

Bagaman ang kapatid ko ang nakaranas ng lahat ng mga dapat maranasan ng isang prinsesa hindi iba ang pakikitungo niya sa akin. Itinuturing niya akong kapatid at parang matalik na kaibigan. Magkasundo kami sa lahat ng bagay pwera sa isa...mahilig siya sa pananahi at pagbuburda, ako nama'y nahilig sa paghawak ng pana ay palaso, na kung minsan at tinututulan ng aking inang reyna ngunit suportado ng aking amang hari.

Ang sabi ni Ina ay hindi ako dapat humahawak ng palaso at nangangabayo dahil hindi daw iyon gawain ng isang prinsesa...

Ngunit ang sabi naman ni Ama ay ayos lang naman daw ito...sapagkat hindi man siya biniyayaan ng prinsipeng kaniyang sasanayin ay nagkaroon naman siya ng prinsesang willing matuto sa paggamit ng sandata.

Ngunit lahat ng ito'y babaguhin ng isang karamdamang wala ng lunas..

Ang lahat ng mga nakasanayan ko'y mag-iiba sa isang iglap lamang...

Mula sa pagiging invisible ay ipapakilala akong susunod na uupo sa trono...

Paano nangyari ito?

A/N: Hi po sa lahat ng readers na nagbasa at magbabasa nito salamat at nag-abala kayo.... Nasa sa inyo yan kung ipagpapatuloy niyo ang pagbabasa at sinisigurado ko naman ng worth it ang lahat ng mababasa niyo.

-ate Ayah💕-

I'm the Substitute Crown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon