Chapter 2: Ang Dating Imperyo👑

9 0 0
                                    

Ang nakaraan bago magkaroon mahati ang isang imperyo sa apat na kaharian.

Noo'y iisang imperyo lamang ang apat na kaharian at isa na rito ay ang kahariang pinamumunuan ng Haring Gregor na ama ni Prinsesa Sabrielle...

Ang imperyo ay pinamumunuan ng isang mabuting emperador at ng kaniyang maganda at pinakamamahal na emperatris na may busilak na kalooban.

Masaya ang lahat ng nasasakupan nila, lahat sila ay mahal na mahal ang mga namumuno sa kanila...

Ngunit sa kabila ng kasiyahan ng mga nasasakupan ng emperador at emperatris ay hindi sila lubos na masaya sapagkat hindi sila kailanman magkakaroon ng supling na kanilang pagpapasahan ng kanilang kapangyarihan na pamunuan ang imperyo.

Kung kaya't ipinatawag ng emperador ang lahat ng mga bihasang manggagamot sa loob ng kanilang imperyo upang humingi ng tulong upang magkaanak sila.

Sa dinami-daming manggagamot na ipinatawag ay may isang manggagamot na natagpuan ang emperador na makatutulong sa kanila.

Hinawakan ng manggagamot ang kamay ng emperatris at nag-usal ng isang orasyon, matapos nito'y sinabi niyang,

"Isang halamang kapalit ay sumpa, ang makapagbibigay ng ninanais na punla"

"Punla'y mawawala, ito'y simula ng pagkawasak ng imperyong minahal ng lahat."

"Ang imperyo'y mahahati sa apat, ngunit isang prinsesa ang lamang ang makapag-aangat at makapagbubuong muli ng imperyong nawasak."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm the Substitute Crown PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon